𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝚇𝚅𝙸𝙸

5.2K 142 15
                                        

_


“A-alright! Time out na muna!”

Kinakapos sa hininga kong saad kay Amethyst na nakapamewang habang hinahabol rin ang hininga. Pareho pa kaming napahagalpak ng tawa ng magkatinginan kami. Para naman akong lantang gulay na napaupo sa simento.

Inaya kase niya akong makipag one on one sa kanya sa badminton. Pang warm up lang daw, pumayag na lang rin ako kesa umupo lang sa bench at mag pakatanga. Tsaka wala pa naman si Sorana, may mineet daw na importanteng kliente, sabi ni Andrea saken ng mag message siya kaninang umaga.

Buti pa nga si Andrea naisipang mag paramdam saken. Eh yung misis ko, ni blank message di niya magawang ireply sa mga message ko. Tapos kung makapag wala kapag di ako makapagmessage sa kanya ay damay buong universe.

Dinaig niya pa si Beerus, one hit delete kapag galit.

“Di na 'ko mag tataka kung bakit maingat ang ibang mga players pagdating sa inyo ni Ms. Blanchette. Ang hirap naman talaga kayong hanapan ng butas eh! Ikaw palang yung nakalaban ko, nahihirapan na akong makipagsabayan. Ano pa kaya kapag kayong dalawa na? Buti na lang solo player ako!” napapailing pa ito habang lumalapit saken.

Di ko mapigilang mapa ngisi kay Amethyst sa nasambit nito. Magkaroon ka kaya ng hot headed at competitive na ka duo, malulutasan ka talaga ng hininga makipagsabayan lang rito. Pero siyempre proud ako no! Si misis ko na pinag uusapan dito.

Kahit minsan hirap intindihin yun ay lablab ko pa rin yun.

“Magkaiba lang siguro yung technique natin pagdating sa laro na 'to.” ani ko rito na ikinatawa niya lalo. Masayahin nga talaga tong babaeng to. Wala naman kaseng nakakatawa sa nasambit ko, diba?

“Oo na. Ang humble mo naman masyado.” natatawa pa niyang sambit habang inaalok saken ang palad. Tinanggap ko naman iyon at hinayaan na lang siyang hilahin ako patayo.

Mabilis na nagpasalamat ako habang pinapagpagan ang pangupo ko. Tinapik niya lang ang likod ko. May sinasabi pa siya ngunit di ko gaanong marinig dahil busy ako kakapagpag ng alikabok sa damit ko.

At nang tumikhim siya ng medyo may kalakasan ay napatingin na ako sa kanya. Pinanlakihan pa ako ng tingin saka nginuso ang parte kung san nakaupo ibang mga teammates ko.

Napalunok agad ako sa kaba ng mamataan ko si Sorana na prenteng nakaupo katabi ang duffle bag ko. Nandidilim sa lamig ang paningin nitong nakatitig sa aming gawi ni Amethyst. Napahawak tuloy itong katabi ko sa braso ko sa takot.

“Gagi, ba't parang pinapatay na niya ako sa tingin niya? Gosh! The rumors about her were true. Nakakatakot naman talaga siyang tunay!” nanginginig pang bulong ni Amethyst at sinusubukan pa niyang itago an mukha sa jacket niyang may logo ng criminology department at sinusubukan itago rin ang kabuuan niya sa likuran ko.

Para naman akong tuod na nakatayo lang habang nilalabanan ang nanlilisik na mga titig ni Sorana sa aken. I could literally saw how her jaw locked as she gritted her teeth in anger.

Until now, I totally forgot that promise I made to her last week at the Italian restaurant. Akala ko kase di kasali si Amethyst eh, but seeing her fuming mad made me realise I'm wrong.

I mentally scratch my nape. Mahaba haba na namang suyo to.

“I t-think I'll go on a water break muna Rhye, talk to you later?” tumango lang ako kay Amethyst at hinayaan na siyang umalis. Napahugot ako nang malalim na hininga bago ko napagpasyahang lapitan ang nanahimik na misis ko.

Nag aalalangan pa 'kong lumapit sa kanya ng tuluyan dahil sa ibang teammates kong sobrang tahimik rin. Sina Halsey at Minzy na nasa harapan ni Sorana ay di kayang salubungin ang nagtatanong na tingin ko. Si Inka nga rin na masyadong maingay kanina habang nag lalaro ako ay tahimik na rin habang nakaupong parang tuod lang sa tabi ni Sorana.

𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now