𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝙸𝙸

6K 168 26
                                        

“San magandang lugar makipag-date?”

Inalis ni Inka ang nakatakip na libro sa mukha nito at tumingin saken ng nakakaloko. “Sa gubat...”aniya pa habang pangisingisi. Hinagis ko sa kanya ang ballpen na hawak, na nasalo naman niya at sinamaan siya ng tingin.

“Seryoso kase!” asik ko pa. Binalingan naman agad ako ni Ms. Librarian dahil medyo napakalakas ang boses ko. Awkward naman akong ngumiti sa ginang nang binigyan niya ako ng warning look.

"Sa gubat nga! Iwala mo't para pang habang-buhay na kayong magsasama." pang aasar nito sabay halakhak ng malakas, na special mention tuloy ng librarian. Laglag balikat naman akong napahilot sa sentido ko dahil sa na i-stress nako kay Inka!

Di ko alam at anong problema nito't grabe kung mamilosopo. Ilang araw na rin yang ganyan, pabago bago ang mood. Kulang na lang dalhin ko siya sa ospital eh, baka kase buntis ang gaga!

Nanatiling tahimik lang akong pinagmamasdan siyang patagong tumatawa. Halos malagutan na rin siya ng hininga kakapigil nito, kala mo'y matandang may hika. Buti kilalang kilala ko na ito, kung ibang tao pa nakakasaksi sa ginagawa niya ay talagang iisipin nilang isa siyang baliw.

Tumatawa mag isa, wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

“ Wala akong maisip. Pihikan naman kase yang ide-date mo...” aniya na kumakalma na sa ngayon ngunit bakas pa rin naman na natatawa pa rin siya,winawaglit niya lang.

“Lahat nga siguro na mga 'fancy places' na pweding pag date-tan, napuntahan niya na eh! e-date mo na lang kaya sa turo-turo? Mura pa, di mo na rin kailangang asal sosyalin ka. Hehe~” ngumiti pa siya saken na parang isang batang nahuling may ginawang kasalanan.

“Alam mo kung anong nangyari nung huling idinaan ko siya sa turo-turo!” asik ko rito na ikinabulanghit ulit nito ng tawa.

“Sa pagpupumilit ko sa kanyang patikimin siya ng balut, halos tatlong buwan niya akong pinadelivery-han nito! Putcha! Feeling ko'y magiging balut na rin ako nun eh! Araw-araw ba naman, wala pang palya! Iba talaga pag gumanti ang babaeng yun. Nakakapangilabot!” aniya ko habang inaalala ang inis at galit saken ni Sorana simula nung araw na yun.



May pa outreach program kase ang student council namin, partnered with The Good Samaritan Org., sa karatig na public elementary school. Nag volunteer akong sumali kase isa si Sorana sa nag facilitate nun, you know para magpapakitang gilas na naman sa kanya. Hehe~

Tho, di mo naman matatawag na official volunteer ako kase wala ako sa listahan ng mga kinuha nilang nag volunteer, pinilit ko lang si Cassey na isingit ako. I'm more like stowaway. Grabi nga pagsusulot niya sa President ng TGS org.,di lang ako mapaalis. Hehe~ lakas talaga kapit ko eh! Mabilib na kayo saken! Ako na to eh!

Sakto mag ha-hapon na nun, may dumadaan na nag bebenta ng street food sa skwelahang iyon. Hinanap ko si Sorana nun at hinila palabas ng coverd court papunta sa labas ng gate, nagpahila naman siya kase akala niya dadalhin ko siya kay Prof. Miranda na siyang board of director ng student council, gaya ng palusot ko sa kanya. Hahahahaha! Di niya lang alam sa kung ano ang kahihinatnan niya nun!

Or more like ako, dahil dun na nag simula ang kalbaryo ko sa balut!

Naninindig balahibo ko sa tuwing naaalala ko ang tagpong iyon, di ko na nga maatim na kumain ng balut ngayon o kahit titigan man lang ito, nasusuka na ako. “May ptsd na ko sa turo-turo, lalong lalo na yang balut!” tawang tawa pa rin si Inka sa mga hinaing ko pati ako ay nahahawaan na rin nito.

Napapasapok pa siya sa hita niya. Nang gagalaiti na 'kong tahiin ang bibig niya. Ang ingay eh! Kahiya na rin kase dahil ang sama-sama na talaga ng tingin ng ilang nga estudyante na malapit samen at si Ms. Librarian na rin na animo'y isang asong na uulol sa pamumula ng mga mata niya sa galit.

𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now