𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚅

6.3K 183 9
                                        

I've never felt so alone and  empty in my whole life, standing here in the amidst of crowds as I watch a certain silhouette disappeared from my very own eyes—disappeared from my hold. Kahit anong higpit ng hawak ko ay kusang nawawala sa mga kamay ko.

She really is like a star, she's near yet so far hold, to capture–to make her presence worth while.

If only that gap between the two of us are slightly better, I'd be more resilient no matter what the consequences are.


“Rhye? Pa s'an ka?”

Isang mahigpit na hawak saking balikat ang nagbalik saking ulirat. Nag aalalang Inka ang nabungaran ko. Mabigat ang paghinga nito na parang tumakbo pa siya ng ilang daang kilometrong layo malapitan lang siguro ako.


“Hoy? Lasing kana ba?” umiling ako sa tanong niya.

“Lumalakad ka nang wala sa sarili. Marami na ring nagrereklamo kase hinahawi at tinutulak mo raw sila, makadaan lang! Sinundan na kita baka masapak ka pa sa ginagawa mo.” aniya pa. Napalingon naman ako sa paligid at marami rami ring mga mata ang nakatutok samin o saken na may paghuhusga at ang iba naman ay sa lito sa naging akto ko.


Naipilig ko ang ulo sa kanang bahagi ko habang inaalala ang gagawin sana. Nalilito na rin ako. Bakit nga ba ako palakad lakad ng walang direksyon? May pupuntahan ako nguni't di ko naman alam kung san iyon. Lasing na lasing na nga siguro ako.


“Di ko alam. Sorry...” mahinang paumanhin ko rito, di pa sigurado. Bumuntong hininga na lamang ito saken at walang pasintabing hinila ako sa kung san.

I heard a familiar laugh. Napalingon ako sa pinanggalingan non at nakita ko sina Aamon at ang mga kaibigan ni Sorana sa dati nilang table. They're bitching and judging everyone who caught their eyes. I immediately thought of Sorana, hinanap ko siya sa kabuuan ng mga kaibigan ngunit bigo ako.

Wala siya ron.

“Inka, Si Sorana hanapin natin? Nagmamadali siyang umalis kanina eh.” pag iimporma  ko kay Inka habang sinusubukang alisin ang hawak niya sa pulsuhan ko.

Kunot noong binalingan niya akong nang mapatigil siya sa paghakbang. “Talaga bang di ka pa lasing Rhye? Alam mong di pumupunta si Desmond sa mga ganitong party kahit sabihin na nating pang high class na tong party na to.”

Umiiling ulit ako rito saka napasuklay sa buhok ko dahil sa frustration at kaba na baka may hindi na namang magandang mangyari kay Sorana gaya nung huli.

“Nandito mga kaibigan niya...” paliwanag ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Sungit! Para siyang si Carol na cashier sa cafeteria sa skwelahan. Sobrang sungit niya at grabe rin makataray ng kilay niyang nag iisang linya lang. Lapis ata ginamit niya pang hulma ng mga kilay niya. Hehe~


“Oh tapos? Di naman ibig sabihin non na nandito rin siya.” aniya habang hila-hila na ko nito ngayon papalapit kina Cassey at Minzy na tumutungga ng alak sa bote. May magkakaroon ng malalang hangover bukas.

“Nandito siya. Inaya niya pa akong sumayaw...” Inka just scoff and stare at me like I'm some kind of a pathological liar she'd every known.

“Iuuwi na talaga kita. Nag ha-hallucinate kana Rhyzhen! Delikado na yan!” she stated as if it's a fact. Napairap tuloy ako sa ere sa sinabi niya.

“I'm not.” alam ko kung ano ang nangyari kanina at kung sino kasama ko. My instinct says so, so does my heart. Nakilala nila ito. They knew its Sorana, the familiar touch of that woman put me in ease. My reactions to that sudden encounter told me so that it's her and no one else.


𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now