𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝙸𝚇

6.8K 178 13
                                        





Bagot kong ibinaba ang librong binabasa sa coffe table na kaharap ko. Pangatlong libro ko na ito dahil wala naman akong ginagawa dito sa loob ng sa tingin ko'y study room ni Sorana na kasing lake ng bahay namin ang espasyo nito, doblehin mo nga lang.



Busy rin kase tong kasama ko sa pag papayaman. Tambak ba naman ng mga papeles ang office table niya na kailangan niyang permahan.



Mag iisang araw na ko rito sa mansion nila, di pa rin ako nito pinapayagang umalis, kahit anong pilit ko rito ay ganun pa rin ang resulta. Kulang na lang ikadena niya ako eh!



Tinatanong ko naman kung bakit ayaw niya kong umuwi, ayun susungitan lang niya ako't di na papansinin. Ayaw niya akong makita ngunit gusto rin naman niyang maramdaman presensya ko sa paligid niya.



Ewan ko ba sa babaeng yan. Ang moody masyado!



Buti naman ay pinapahiram niya ako ng personal cellphone niya kapag humihiram ako. Nakatawag na rin ako kay ate Jesse at napagsabihan kung nasaan ako. Siyempre nasabon ako ng sermon nito kung bakit wala daw akong paramdam simula pa kahapon. Pupunta na sana daw siya sa police station at mag file ng missing case report nang di ako nakauwi kagabe ngunit napigilan naman siya ni Inka on time. Buti naman.



Mas lalo akong mahihiya kapag nakapaskil na pagmumukha ko sa buong syudad namin.



I feel so bad for letting them feel worried for me, for a whole night. Babawi ako sa kanila pagka uwi ko. That's the least thing I can do.



Galit na galit nga rin si ate kay Inka nang umuwi ito kahapon na di ako kasama at nasigawan pa. Kawawa naman. Ngunit humingi na rin ako ng pasensya rito at pinakiusapang kausapin si Inka at ipaalam kung nasan ako para di na rin iyon ma maguilty at ma-stress kakaisip kung ano nang nangyayari saken, given the fact na kinakabahan pa rin siya sa kung anong mangyayari saken dahil sa may issue pa rin akong kinasasangkutan sa uni at hanggang ngayo'y galit na galit pa rin saken ang mga estudyante tungkol dun.



Di pa rin naman kase nawawala yung banta ng mga fanatics ni Sorana at Ingrid saken. Mas lalo nga ata iyong dumami nang malaman kong nagkakalabuan ngayon itong magbespren. I feel so awful na tuloy. Ako lang naman kase ang nakikita kong may kasalanan ng away nilang dalawa eh!



Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim dahil sa kawalang pag asa sa mga nangyayari. If only i have the power to stop the spreading of that baseless rumor. Matiwasay na sana buhay estudyante ko!

Nagpasyahan kong tumayo mula sa kinauupuan kahit na alam kong may nag aalab na mga matang nakatutok sa galaw ko. Naisipan kong lumabas na muna ng study room ni Sorana upang mag pahangin. Nababagot na talaga ako sa katahimikan dito dahil yung isa, wala akong planong pansinin.



"Where do you think you're going!?" mababa ngunit madiing asik na tanong saken nang babaeng kanina pa ako dinededma. Eto ata ang unang beses na kinausap niya ko simula kaninang umaga nang magising kame.



Ilang beses ko na nga ring tinanong ito kung may nagawa ba akong mali o ikinainis niya kagabi kung bakit ganito na lang siya kung mang dedma saken na para akong isang multong di niya nakikita ngunit nararamdaman naman niya at lahat nang yon ay walang sagot. Ngayong oras na nga lang akong tumigil kakakulit sa kanya, for the sake of peace of mind na lang naming parehas.



Nag patuloy ako sa pag lapit sa pintuan na di siya sinagot o nilingon man lang. Tsk! Inis ako sa kanya eh! Matapos niya kong landiin buong magdamag, iniisnob naman niya ko ngayon.



𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now