-
“Gosh! I'm so bored! Can we like do something thrill, Rhye!?"
Bagot na bagot na reklamo saken ni Inka habang gumugulong sa kama ko. Nasa bahay ko kami ngayon, gumagawa ng mga activity. You know, normal na gawain ng mga estudyante. Mga activities pala namin to sa mga klase na di ko pinasukan kahapon dahil nga tinanghali ako ng gising mula sa night shifts ko na umabot hanggang alas dos ng madaling araw kaya nag decide na lang ako na umabsent. Mga dalawang araw na.
"Maya kana mag reklamo dyan. Tapusin mo na muna yang mga activities mo. Mag luluto lang ako tapos gagala tayo pagkatapos." nag niningning naman agad ang mga mata nito at naging ganado sa paggawa ng gawain nito. Napailing na lang ako rito saka niligpit ang natapos ko nang homework at bumaba na sa kusina.
Pagkatapos kung magluto na mahigit isa't kalahating oras ay naghain na ako saka pinuntahan si Inka sa itaas. Baka sa sobrang bored nun ay gagawa na naman ng milagro yun. Kumatok na muna ako sa pinto bago ko pihitin ang sedura saka ko niluwagan ang siwang ng pinto saka 'ko sumilip sa loob.
Mahirap na baka bigla akong pumasok, makakita pa ako ng milagro. Naku po! My not-so-virgin eyes! Ahahaha!
Gaya nga ng sabi ko ay may milagro ngang ginagawa ang Gaga. Nakahubad kase ito ng damit, nilugay niya rin ang mahaba niyang itim na buhok atsaka naka pose nung parang sa calendar girl.
Sabi ko na nga ba! May kababalaghan talaga itong ginagawa!
Ngising-ngisi saken si Inka ng mapansin akong nakatayo lang dito sa bukana ng pinto. Ano na naman kaya ang ikinangisi ng boang na to?
Tinaasan ko lang ito ng kilay na ikinabulanghit niya ng tawa habang may kinakalikot sa cellphone niya. Kapag kwan ay nag ring ang cellphone niya, tawang tawa na naman itong sinagot.
“Hello love!” excited niya pang bungad sa tumawag sa kanya.
'Nang gagago kaba?!' galit na boses iyon ni ate Jesse sa kabilang linya. Rinig ko kase dahil naka loudspeaker naman ito. Napairap naman agad ako sa kawalan. Of course! Kinukulit na naman niya si Ate.
“Hindi ah! Grabi ka naman saken mylabs!” aniya pa habang nakabungisngis pa rin.
'Eh ano tong pinag s-send mo saken ha!? Di naman kagandahan!' nag pupuyos pa rin sa inis si ate. 'Tingin mo ikinasarap mo na yang paghuhubad mo? Bakit di ka na lang naging stripper jan sa kanto gayung gusto mo naman palang mag hubad!'
Kita kong napasimangot ang Gaga sa narinig. Tinakpan ko naman ang bibig ko upang pigilang mapatawa dahil baka marinig ako ni ate ay madadamay pa ako sa kalokohan ni Inka.
“Thirst trap kase yan mylabs! Di mo ba alam yon?” naiiyak na sa frustration na asik ni Inka. Di naman kase epektib pag lalandi nito kay Ate Jesse.
'Thirst trap-in mo mukha mo! Gago!'
Napailing na lang ako at lumabas na lang ng kwarto. Ayaw ko na marinig pa ang pag lalandian nila. Naiingit ako. Di ko kase malandi misis ko. Naka block pa rin kase ako eh.
Kawawa naman si ako na inaamag na. Kumakati na katawan ko, gusto na niyang lumandi. Ksks!
"Nga pala Rhye. Gusto kong pumunta ng mall ngayon. Mag so-shopping tayo!" excited na sigaw ni Inka nang makababa na siya rito sa sala at parang may kung anong namumuong plano na itong tumatakbo sa utak nito.
Napairap naman agad ako sa ere. Please lang, para siyang si Ate Jesse at Ate Vivien kung mag shopping lang, 'lam mo yung parang bibilhin na nila buong mall dahil lahat ng stalls at departments ay pinapasukan nila. Wala naman silang binibili sa ibang stall. Trip lang ata nilang mag padagdag sa aasikasuhin ng mga sales staff.

YOU ARE READING
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...