-"Rhyzhen may tanong ako."
Walang gana kong tinignan si Inka sa harapan ko na ngayo'y seryosong nakatitig rin sa akin.
"Ano?" walang ganang tanong ko rito at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain. Ang aga-aga pa naman kase at binabulabog na ako nito rito sa bahay.
"Narinig kong nag uusap sina coach at prof. Miranda kahapon sa faculty office nang magpasa ako ng project ko kay prof. Ikaw ang pinag-usapan nila." aniya. Tumaas lang ang kilay ko at nanatiling hindi interesado.
"Tinanggap mo na pala." dagdag niya pa.
Alam ko na anung ipinapahiwatig niya. Tungkol iyon sa offer saken na mag laro ng professional sa Stanford University ng California. And she's right tinanggap ko na nga that's why nasa office ako ni coach nung time na biglang sumulpot si Sorana dun. Langya! Ilang araw rin di nagpakita iyon sa akin tapos bigla bigla na lang susulpot kung kailan niya gusto.
Plano ko na talagang iwasan siya ng araw na iyon at di na papansinin kaso umiyak ba naman. Alam naman niyang kahinaan ko iyon. If you're thinking na okay na kami ay hindi, tatlong araw na rin ang nagdaan simula ng araw na magkasama kami.
Gaya ng dati ay balik ulit kami sa hindi pagpapansinan but this time ay ako na ang umiiwas. Kahit si Sorana na mismo ang humahanap saken ay di ako nagpapakita unless kung walang takas na talaga. Pumupunta lang ata ako sa skwelahan para sa attendance pagkatapos ay uuwi na ako o mag lakwatsa sa ibang lugar ng mag isa. Di ko nga sinasabihan si Inka o si Cassey kung nasan ako o san ako pupunta. Ayokong madamay sila sa nangyayari sa buhay ko ngayon. May sariling buhay din silang inaatupag.
"Seryoso ka na ba talaga dito Rhye? Alam ba 'to ni Blanchette?"
"Seryosong seryoso at hindi pero alam kong maiintindihan niya naman ito." balewalang saad ko rito. Kumunot ang noo niya't pinagmasdan ako ng maigi.
"Pero may plano ka bang sabihan man lang siya?" aniya pa.
"Wala rin." napahugot agad siya ng malalim na hininga. Ang oa.
"Rhyzhen. Okay pa ba kayo?" nag aalalang tanong pa nito. Kumibit balikat na naman ulit ako rito.
"May kumakalat rin na chismis sa skwelahan. Sabi nila ay may namamagitan na daw kina Zach at Blanchette. Marami na rin ang nagsasabi na sabay daw sila palaging pumasok at talagang hatid sundo daw ni Zach si Blanchette nitong mga nagdaang linggo. May nakapagsabi rin na may nakakita daw sa kanila sa isang high end restaurant kasama ang pamilya nila both sides." talagang nanlaki pa mga mata niya habang sinasabi iyon. Chismosa talaga tong si Inka.
"Good for them." ani ko na lang habang tinatapos ang kinakain. Paki ko kung nakapaglagayan na ang pamilya nilang pareho. I don't have the power to interfere with that lalong lalo na't kasali na ang pamilya nila. Edi hamak na mahirap lang naman ako kumpara sa lalaking papakasalan niya. Ano namang laban ko dun?
Ang pagiging girlfriend ni Sorana ay hindi kailan man sakto upang kalabanin ko ang kagustuhan niyang magpakasal. Ano pa bang magagawa ko kung narinig ko mismo sa bibig niya ang mga katagang iyon?
"That's it? Yan lang sasabihin mo? Good for them!?" napatayo pa siya sa kinauupuan niya at matigas na pinagkatitigan ako. "Nahihibang ka na ata!? Girlfriend mo ang pinag-uusapan natin dito na na link sa ibang lalake!! Why the fuck are being so indifference towards that!?" namumula na sa galit na sigaw ni Inka aken habang dinuduro na ako.
"Inka hinaan mo yang boses mo. Natutulog pa si Ate baka pagtagain tayo nun kapag naalimpungatan siya sa ingay mo." balewalang saad ko pa rin rito na lalong ikinagalit niya dahil nag kikiskisan na ang ngipin niya't napakuyom na rin siya ng kamao.

BINABASA MO ANG
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...