𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇

6.1K 175 13
                                        

“Anong magandang kulay?”



Nasisiyahan kong tanong kay Inka habang iwinagayway sa kanya ang dalawang tangkay ng tulips na magkaiba ang kulay. Mula sa pagtitingin niya sa mga bulaklak na nasa harapan namin ay itinuro niya ang purple na kulay. Napanguso naman akong ibinalik iyong kulay orange sa vase nito.



Sinama ko kase ito dito dahil wala akong masakyan papasok sa eskwelahan, mabuti nga at tamabay ito sa bahay umagang umaga palang, dinaig pa yung chismosa naming kapitbahay. Coding kase big bike ko na regalo ni ate saken nung 20 birthday ko. Ducati yon, wag kayo!



Naipairap naman ito saken, “Nagtatanong kung anong maganda, ayaw naman pala ng suggestion ko!” aniya.



“Pinili na nga eh!” sabat ko rito saka siya iniwan nang akmang pipitikin na naman ako nito sa noo at lumapit sa counter ng shop.

“Magandang umaga po, Nay Nenita!” masiglang bati ko rito. Ngiting ngiti naman ang may katandaang ginang na  lumapit saken. Siya yung may ari ng Flower shop na binibilhan ko ng bouquet. Regular costumer na niya ako kaya close na close na rin kame.

She's my mother figure na rin aside from tita Antonett, mommy ni Inka.


“Magandang umaga rin naman. Buti naman at naisipan mong pumunta ng personal rito, hindi yung puro tawag ka lang sa telepono. Aba! Di ko alam anong gusto mong idisenyo sa mga bouquet na pinabibili mo! Sabi mo pa naman, pihikan yang nililigawan mo.”  kamot-kamot naman ako sa likod ng ulo habang alanganing napangiti rito.



“Malaki naman po tiwala ko sa inyo, Nay.” ani ko pa.



“Nambobola ka pa. Eto bang kulay naisipan mong bilhin?” tumango ako nang kunin nito ang iniabot kong tangkay ng tulips rito.

“Good choice. Mabuti at maaga kang pumunta rito, pang huli na kase ang natira rito sa shop. Kadalasan kase, mabilis na maubos itong ganitong kulay. Malimit lang kase ang supply nito.”  aniya pa saka sinimulang ayusin na ang mga tulips na bibilhin ko.



Kahit ilang beses ko nang makita kung paano gumawa ng bouquet si Nay Nenita, na aamaze at na eenganyo pa rin ako. Ang bilis at ang galing niya kase. Sobrang precise rin ng mga galawan niya, alam mong ma-experyensado talaga.



“Para pa rin ba to sa babaeng nililigawan mo o may bago na?” tanong nito. Tumingin pa siya saken na may makahulugang ngiti sa labi nito. Di ko rin maiwasang pamulahan sa tanong nito.

“Wala naman pong bago...” nahihiya ko pang sagot. Alam naman kase ni nanay na baluktot ako at suportado naman siya saken dahil isa sa mga anak niya ay ka-federasyon ko rin.

“Aba naman! Consistent ka pala. Ba't hindi yan makita ng nililigawan mo't sagutin kana? Mag tatatlong taon ka nang nanliligaw sa kanya, diba?” tumango ako. Alam niyang ilang taon na kong nanliligaw dahil ilang taon na rin akong pabalik balik rito sa shop niya.



Somehow I feel down. Matagal na nga pala talaga akong nanliligaw kay Sorana, tatlong taon, ngayon lang may progress yung pagpapansin ko sa kanya. Ahaha! Worth it naman pag tatyaga ko. Konti na lang talaga, mapapasakin na siya.



“Okay lang naman po saken, di ko naman po siya pinipilit. Di naman ako magsasawang ligawan siya higit sa aking makakaya. Mahal ko po iyon eh kaya maghihintay ako hanggang sa maging akin na talaga siya.” I'm so emotional right now. Basta talaga pag si Sorana na ang pag uusapan, nanghihina ako.

Napabuntong hininga naman siya at tumingin saken na may malamyos na ngite sa labi nito. “Mahal na mahal mo talaga siya ano?” aniya, she sounded like a proud mom, my heart swell at the warm feeling. Namumulang tumango ako rito.



𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂Where stories live. Discover now