Warning.
Slight gore scene. Mention of blood. Read at your own risk._____
Nakabalik kami ni Inka nang nasa kalagitnaan na ang laro ng third quarter. This time ay nagkapangabot na ang score ng magkabilaang team. Four points na lang at malamangan na ng Wild cat ang team ng SMU.
Anyare? Ba't biglang tumamlay ang buong Phoenix claw, lalong lalo na si Axel na parang aligaga pa at panay tingin sa kabuuan ng gym?
"San kayo pumunta?! Tagal niyong nawala!" pasigaw na tanong ni Cassey nang makaupo na kami ni Inka sa dating inuupuan namin. Sabay naman kaming napatingin sa kanya ng may pag tataka.
"Nag pa hangin nga lang kami, diba? Bakit?" si Inka na litong litong nakatitig kay Cassey.
"Umalis rin kase si Ms. Blanchette nung umalis kayo eh. Hanggang ngayon di pa siya nakabalik." aniya pa habang itinuro ang ngayo'y bakanteng inupuan ni Sorana kanina.
Wala nga siya don.
Bigla akong nakaramdam ng pag alala. Baka may nangyari sa kanyang di maganda.
Napansin kong titig na titig saken iyong best friend ni Sorana. Nakakunot ang noo nito at matalim ang tinging ipinupukol saken.
Problema nito!?
May inabot siya sa bulsa at nakita kong cellphone iyon saka doon itinuon ang atensyon.
Di ko maiwasang mapairap sa ere sa ginagawa nito. Ang laki ng galit nito saken kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Tsk! Galit siya dahil di ko tinatantanan bespren niya? Pake niya? Di naman siya yung kinukulit ko!
Di nga galit saken si Sorana kapag kinukulit ko siya. Sila tuloy nitong mag kakaibigan ang galit saken dahil pinag gagawa ko sa kaibigan nila. Edi wow!
"Rhyzhen!? San ka pupunta!?" asik na tanong ni Inka nang mabilis akong bumaba sa bleachers.
Di ko na sila sinagot o nilingon man lang. Nasa isip ko ngayon ay hanapin si Sorana. Nag aalala ako baka may mangyari sa kanya. Marami pa naman ang may plano sa kanya lalo na't nasa ibang unibersidad kami ngayon.
Mahirap na't baka mapahamak siya.
Nilibot ko ang tingin nang makalabas na ako ng gym. Shit! Paano't saan ko si Sorana? Ang laki rin kaya ang kabuuan ng New state. Tangina naman oh!
Lakad takbo ang ginawa ko habang nililibot ang tingin sa paligid ko at baka makita ko kahit anino man lang ni Sorana. Hanggang sa may nabangga na ako.
"Shit! Sorry Ms. Di ko sinasadya..." tarantang hingi ko ng paumanhin rito saka siya tinulungan sa pag kuha ng mga gamit niyang nalaglag sa sahig.
"Okay lang. Aligaga ka? May hinahanap ka ba? Paiyak ka na rin." aniya pa nito. Marahang napahilamos naman ako sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"S-sorry... May hinahanap kase ako. K-kilala mo ba si Blanchette Desmond?" hopeful ko pang tanong rito.
Natigilan siya sa pagkuha ng pouch niya sa kamay ko saka napatitig sa mukha ko. "Oh~ taga SMU ka pala. Si Ms. Desmond ba? Nakasalubong ko siya kanina nang paalis ako ng open field. Baka dun siya tumungo sa kanina." aniya habang pinagkatitigan ako na parang kinikilala niya ako.
Weird.
Mabilis na tumayo ako, " Salamat! Di na kita matutulungan. Kailangan ko siyang puntahan agad. Pasensya na!" nag mamadaling saad ko rito saka kumaripas na ng takbo at tinahak ang coverd pathway papuntang open field.

VOCÊ ESTÁ LENDO
𝚁𝙾𝚂𝙴 𝚃𝙰𝙸𝙽𝚃𝙴𝙳 𝙷𝙴𝙰𝚁𝚃𝚂
Romance•𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦𝗘𝗫• Blanchette Sorana Desmond. Your typical cold hearted queen bee. Came from a prominent family, the elites of all the elites and the standard everyone dreaming of. A straight snob bitch who don't give a fuck about everything but her...