CHAPTER 1

43.9K 780 240
                                    

SINKING DEEP
(Serendipity)


Klinngg Klinngg!!

Tunog ng bell sa pinto ng coffee shop nang binuksan ko ʼto. Galing ako sa library para magrest and study na rin kasi malapit na midterms namin and I need to study kasi kaonti nalang ang oras na natitira or else hindi ako bibigyan ng kotse ni Daddy.

"Nakakairita bakit hindi nalang ako bigyan agad ni Daddy ng sasakyan para naman hindi na ako mag commute minsan, " sabi ko habang paupo sa bakanting upuan.

Punuan ang coffee shop dahil siguro sa hapon na at dagsaan ng nga studyanteng kasabay ko sa library kasi nga midterms na kaya todo kayod pwera nalang kung tatamad mag-aral.

I'm Freyja Elie Mercedez, a second year Art student who take Bachelor of Fine Arts (BFA) in Painting. Nung bata pa lang ako mahilig na ako mag paint at nanalo na ng ilang beses sa mga painting contest at palagi akong nananalo mapa division man o national. Ang mga parents ko ang nag pursue na kunin ang course na ʼto because of my artistic skills even though hindi naman sila artist.

Kaya nag re-review ako sa midterms kasi gusto ko ng kotse. Ayaw ako bilhan ni Daddy. Pag hindi ko raw mapasa ang exam hindi niya ako bibilhan. Sakit.

And here I am, nasa coffee shop, magtatambay. Magrerelax muna ako rito, sabagay dito naman talaga ako pumupunta ang ganda kasi ng ambience and super aesthetic ang design ng shop, talagang nakaka-relax.

I saw Min, the coffee shop staff na palangiti at palakaibigan, nakangiti itong papunta sakin habang hawak ang dala-dala niyang menu.

"Good morning Frey, what's your order?" tanong nito sakin.

Magkasing-edad lang kami ni Min but we don't have the same status of living, kaya siya nagtatrabaho ay para makabayad siya sa tuition niya sa college. Same school rin kami pero 3rd Year na siya at todo kayod pa rin kasi walang sumusuporta sa kanya.

I admire working students for their kindness and determination. Despite lacking the privileges that other students have, they relentlessly pursue their dreams through hard work and self-reliance.

"A cup of cappuccino with icing on top and two cupcakes with no sprinkles." I answered.

"Parang hindi ka blooming ngayon, pansin ko, " sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Alam mo naman na madaming student na nagre-review for midterms, kasali na rin ako doon. Tsaka huwag mo na pansinin ang eyebags ko papansin lang ʼyan." Nai-istress kong sabi sa kanya.

"I know but don't push yourself," sagot niya. "Your coffee will be ready in a minute. Just wait and relax." She said while maintaining her professionalism. Even though she became my friend hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging professional when it comes to customers mapakilala niya man o hindi.

"Thank you, " Tugon ko sabay kuha ng small paintboard sa messenger bag ko at paint brush rin para saan pa edi mag paint.

I always bring miniature paint board and brush with small color pallette because of my hobby. Random lang din ang pinipinta ko dito kasi 3 inches lang ang board. Nilalagay ko sa room ko ang mga naipipinta ko with the date kung kailan ko ʼto pininta at oras at kung saan. Iniikot ko ang paningin ko sa shop, wala akong maisip na ipipinta. Marami na rin akong napintang mga strangers kaso ngayon iba ang hinahanap ko.

After a few minutes, the bell on the counter rang, indicating that my order was ready kaya pumunta na ako sa counter saka kinuha ang cappuccino and cupcakes sabay balik sa table. Kinagat ko ang cupcake habang nag-iisip kung ano ang ipipinta ko. Dumaan ang limang minuto na wala pa rin akong maisip na ipipinta, hindi pwede. Dapat meron. I won't let a day pass without painting in my small canvas.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now