CHAPTER 20

18.3K 467 66
                                    

Hello, I'm Freyja, 19 years old, still hopeless due to numerous rejections from my professor. Now, I'm keeping my distance from her as she doesn't wish to have any interaction with me.

Mabilis akong lumabas ng building pagkatapos ng pangyayari, halos liparin ko na ang entrance ng building dahil sa hiya na nadama ko. Siguro kahit ayaw niya akong makita pagtatawanan ako nun.

Sana naman hindi niya nakita kung anong kulay ang panty ko.

Pink.

I quickly ran towards my car kung saan nag-aantay si Charlotte sakin. Wala pa yatang balak umuwi si bruha tapos iniwan na siya nila Savannah at Soraiya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko dito pagkalapit ko sa kotse ko.

"Inaantay kita, bawal ba?" nakangisi nitong sagot sabay baba ng cellphone niya. Kanina kasi kahit sa malayo ka kitang-kita mong aliw na aliw siya sa cellphone niya.

I quickly grab her phone from her hand at tiningnan kung sino ang kausap niya, "Samantha?" I abruptly said.

"Akin naa! Gaga mo akin na ʼyan!!" pagpupumilit niya, hindi ko binigay ang phone at binasa ko ang convo nila.

"Message ka nang message hindi ka naman pinapansin," sabi ko habang nag-scroll sa convo nila.

"Malay mo diba mag reply siya, tsee! Napaka-pakealamera mo!" galit na sigaw nito.

Napakunot noo nalang ako nang tingnan ko siya ulit, "Paanong magrereply ginawa mong listahan ng mga bibilhin mo ang account niya, corny pa ng banat mo oh sayo na ʼyan!" sabay balik ko sa cellphone niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA sa tingin mo Frey, may pag-asa ba ako doon?" ngisi nitong tanong sakin.

"Mukha ka bang may pag-asa doon? Puro ka nga lang kalokohan tapos ang babaera mo pa," napangiwi naman siya sa sinabi ko.

"Nagbago na ako," pagsisinungaling nito.

"Talaga?" nakangising tanong ko.

"Oo naman hindi ka lang updated e."

"Hala! Ang ganda oh! Ang puti ng legs!!" sabay turo ko sa likod niya pero wala naman talaga.

"Ha? Saan!?" dali niyang lingon sa likod tapos kinaltok ko ulo niya.

"Sinasabi na nga ba, ayan ba ʼyong nagbago na?" natatawang gawad ko dito.

Natawa naman siya at tinampal ako sa balikat pagkatapos ay binuksan ko na ang kotse saka pumasok pero nagulat akong pumasok rin siya.

"Anong ginagawa mo?" I abruptly asked.

"Sasakay??" simpleng sagot niya.

I groaned in silent. Ewan ko talaga sa babaeng ʼto kahit kailan talaga.

"Where the heck is your car?" pinaandar ko na ang makina ng kotse ko at ready to exit na sa parking lot.

"Andito lang," sagot nito sabay ngiti sakin ng nakakaloko.

"Bakit hindi mo gamitin?"

"Kasi...hehehehe" nakakalokang tingin niya sakin.

"May binabalak ka Samonte?"

"Gurl like...like can you do me a favor?" sagot niya sabay pa-cute ng mukha kahit hindi naman bagay sa kanya.

"No" I coldly replied.

"Pleasee??" pagmamakaawa niya.

"Pinasakay ka na nga dito tapos gusto mong pagbibigyan pa kita, masyado ka ng kumakapal beh ha." I stated.

"Sige naman ohh.. promise babawi ako sayo kahit ano gagawin ko." Patuloy na pagmamakaawa niya. Huminga muna ako nang malalim habang hawak ang maneuver.

"Ano?"

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now