CHAPTER 5

18.4K 571 237
                                    

SINKING DEEP
(Imbroglio)


Bumalik ako sa room at naabutang walang professor na pumasok kaya medyo may kaingayan ang room namin dahil sa walang tigil na pagpuputak ng mga colleagues ko. May sakit raw si Prof. Smith kaya hindi makapasok.

Nakatulala ako malapit sa bintana habang nakatingin sa malayo, naglo-loading pa rin sa braincells ko ang nangyari kanina.

"Hoy teh!" sigaw ni Charlotte sabay hampas ng libro sa table kaya nagulat ako.

Litseng babae ʼto.

"Ano bang kailangan mo? tsaka pwede ba huwag mo ako gulatin." Naiiritang sabi ko kay Charlotte na ngayoʼy tawang-tawa sa ginawa niyang pang-gugulat sakin.

Hinayaan ko lang siyang tumawa nang tumawa hanggang sa tumigil na nga ito.

"What happened between you and Ma'am Rhea? anong ginawa niyo roon?" tanong nito sakin.

"Nag confessed ako," I answered. "But she thinks that this feelings is just infatuation." I added.

"Tigil mo na ʼyan! you don't have a chance," she responded.

I sighed, "Hindi ako titigl. I will not stop until she realize na gustong-gusto ko siya."

"Bago ka pa lang dito at wala ka pang kaalam-alam sa mga nangyayari sa campus natin, you better roam around and check it for yourself." She respond with a serious voice.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Gusto mo malaman?" tanong nito sakin sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Of course," sagot ko sabay layo ng mukha ko.

"Sav and Raya is the key, " she said while chuckling.

Naguguluhan man ay gusto ko pa rin malaman kung ano nga ba ang dapat kong malaman. Parang may tinatagong meaning ang sinabi sakin ni Charlotte kani-kanina lang. Mas lalo akong na-curious.

"Excuse me, Miss Mercedez?" biglang sabi ng isang lalaki na may kasama lalaki rin, mga colleagues ko.

"Hello," I responded.

"I'm Ethan and this is Lohan," pagpapakilala niya sabay turo sa kasama niya. "Gusto ka lang namin makilala nang harapan kasi kahapon kakausapin ka sana namin kaso hindi mo kami nabigyan ng chance e." Dagdag ng lalaking Lohan ang pangalan.

"Ahh sorryy, it's nice to meet you pala." Sabi ko sabay lahad ng kamay sa dalawa para makipag shakehands.

Nagkwentuhan kami nila Ethan and Lohan, may sumali rin na ibang colleagues ko kasama na rin si Charlotte. Iba-iba ang topics namin at minsan ay nakaka-relate naman ako pero mostly parties and other activities ang topic na hindi ko pa na-try kaya medyo na out of the world ako pero okay lang at least maganda ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusapan nang pumasok si Ma'am Suarez kaya nagsiuwian sa kanya-kanyang upuan ang mga student except sakin na nasa table ko lang.

Sa totoo lang ang ganda ni Ma'am Suarez kasi swabi ngumiti, maganda at magaling rin manamit, magaling magturo kaso hindi siya si Ma'am Rhea kaya no for me.

Nakatayo na sa harap si Ma'am Suarez saka inilibot ang mga mata samin lahat nang makita niya ako ay ngumiti ito nang matamis sakin na agad ko namang sinuklian ng ngiti.

Iba talaga siya ngumiti sakin parang...parang iba ang dating ng mga ngiti sakin ni Ma'am Suarez, hindi ko matukoy pero...is she interested in me?

Nag-start na siyang magturo at expected na magaling rin siya magturo same as Miss Alvarez na sobrang galing din. Sila sigurong tatlo ang pinakamagaling na magturo sa unibersidad na ʼto.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now