One

14.6K 301 28
                                    

Let me tell you a story. A story even before a zygote that came to be was formed.

Ayon sa kwento ng mga tita ko, matagal bago nabiyayaan ng anak sina mama at papa. Halos 5 years na silang kasal pero di pa rin sila magka-anak. Pagkatapos ng maraming check-up, nabiyayan sila ng isang anak. Or to be exact, nabuntis din si mama. Nalaman nila na mababa ang matres ni mama kaya delikado ang pagbubuntis niya. Tumigil nga daw si mama noon sa pagtatrabaho para iwas stress.

Napag-alaman through ultrasound na babae ang magiging anak. Sobrang saya ni mama daw noon kasi pangarap talaga ni mama ang magkaroon ng anak na babae. Dahil doon, pinahanda nila ang kwarto ng magiging anak nila. Pink lahat. Andaming baby dress, manika, stuffed toys, basta kumpleto.

Turning seven months na ang dinadala ni mama when something unfortunate happened. Nakunan si mama. Sobrang depressed sina mama at papa noon. Naiiyak na ako sa part ng kwentong to kaya skip ko na.

Seven years later at nabuntis ulit si mama. Sabi nila, miracle daw kasi sobrang unexpected. Pero mas delikado na daw ang pagbubuntis ni mama kesa sa una. Kaya pati si papa, nag-lie low na din sa pagtatrabaho.

Ang isa sa pinakamahalagang bagay na hindi nila ginawa ay ang pagpapa-ultrasound. Bad vibes daw yun sabi ni mama kasi dahil daw nung nagpa-ultrasound siya sa una sanang anak niya, nakunan siya.

Dahil sa hindi nagpa-ultrasound si mama, nag-assume siya na babae ang magiging anak niya. Sabi daw kasi, pag medyo namamanas pag buntis, babae daw ang magiging anak. Hindi na nila binago ang room na pink. Well maintained naman kasi yun.

Dahil sa sobrang pag-iingat nila, naganap din ang dapat maganap. After nine months of waiting, a miracle happened inside the delivery room.

“UNGAAAAAAAAAAA! UNGAAAAAAAAAAAAAAA!” isang matinis at nakakabulahaw na tinig ang pumuno sa delivery room.

“H-how was… my… baby girl?” nanghihinang tanong ni mama sa kay papa.

“Hon, I think kelangan na nating magbago ng name, hindi na natin magagamit ang Shandi Ann,” sagot naman ni papa.

“B-bakit hon? Maganda naman ang pangalang naisip natin ah. Bagay siya sa baby girl natin. Narinig mo ba ang pag-iyak niya? Her name fits her voice,” depensa ni mama.

“Hon, hindi bagay ang Shandi Ann. Hindi naman babae anak natin eh. Lalaki.”

“W-what?”

“He’s a boy hon. He’s a boy.”

Nawalan ng malay si mama. The baby boy was named Sebastian. Sa kadahilanang katunog nito ang Shandi Ann.

And yeah, that baby boy was me. Sebastian. Sebastian Flores. Lalaki ako. Yun. Period.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now