Forty-five

3.1K 122 26
                                    

Adik talaga yung si Charlie.

Kung makasabi ng kinidnap si Louie wagas. Eh nagtext naman na 'di sila nagkita ni Hiro. Pero nung Lunes medyo kakaiba nga lang ang ikinikilos niya. Mas out of focus siya ngayon eh. May problema na naman ata. Ayaw naman magsabi. Makikinig naman kami. Pero sabagay, Louie is the type of person na hangga’t kaya niya, kakayanin niyang mag-isa.

Anyways, dahil sa medyo malaki ang naipon ko, ay naisipan kong bawasan iyon upang may magamit para sa date namin ni Krystal.

Through tita’s connections ay nakapagpareserve ako sa Sofitel. Doon ko balak mag late night dinner kami. Ang mahal pala doon! Partida isang gabi lang yun pero libo ang presyo. Buti nalang talaga at malawak ang network of friends ni tita kaya halos 50% din ang discount ko.

Akala niyo ba madali? Hindi no! Ilang beses akong nagmakaawa sa harap ni tita para lang payagan ako. Masyado daw magastos ang naisip ko. High school palang naman daw ako at wala pa akong kakayahang magsagawa ng ganoon. Alam kong tama naman siya pero, I just wanted it to be special para sa amin ni Krystal. Pati birthday ko isinangkalan ko na. It’s not a good thing pero, wala eh. Gusto ko talaga eh. Kaya napapayag ko si tita.

I already prepared our itinerary. Manunuod muna kami ng ballet sa Aliw theater, then magliliwaliw sa Star City bago mag late night dinner sa Sofitel. Sobrang excited na ako. Alam ko si Krystal excited na din. Ramdam ko.

Three days bago ang date namin ay hindi na nagtetext si Krystal. Hindi na rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Medyo kinakabahan na ako pero mas nag-aalala pa rin ako. Di ko alam kung kumusta na siya? Kung ok lang ba siya? Pero naisip ko na baka sobrang busy lang sa school. Graduating na din siya diba? Kaya baka ganoon. Tsaka, baka tambak ng exams.

February 11 ng gabi ng tumawag si Clinton.

"Chan! birthday mo ah! Luluwas ako para makibirthday sayo," bungad sakin mula sa kabilang linya.

"Huwag na. Di naman kami magse-celebrate eh. Magfa-family dinner lang kami. And besides, may date ako," sagot ko.

"Sigurado ka bang may date ka? Baka naman sinasabi mo lang yan?"

"Ano na namang kaartehan 'yan Clinton? Valentines day kaya yun! Siyempre may date kami ng nililigawan ko!"

"Talaga lang ha? Mukhang sure na sure kang magde-date kayo ah!" kumento niya na parang sigurado siyang walang date na magaganap.

"Oo naman. Mas marunong ka pa ah! Tsaka speaking of date, i-date mo nalang ang girlfriend mo kesa sa pumunta ka dito mas sasaya ka pa," medyo asar na sabi ko.

"Wala na akong girlfriend. Break na kami. Tsaka, kung ipagtabuyan mo naman ako. Ayaw mo ata talaga akomg makasama sa birthday mo. At isa pa, masaya kaya ako pag magkasama tayo."

"Ewan ko sa buhay mo! Ang dami mong kadramahang alam. Mag-artista ka nalang!” singhal ko.

"Uy, pikon."

"Sino ba naman ang di maasar? Kung ano-ano pa ang pinagsasabi mo. Anong ineexpect mo? Maglupasay ako sa tuwa?"

A Man's LifeWhere stories live. Discover now