Fifteen

7.2K 141 22
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala habang nakaupo sa swing na yun. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Krystal, wala sa ulirat akong naglakad papunta sa park ng kabilang subdivision.

Ayoko kasing umuwi muna. Pag nakita ako ni mama, malamang mag-aalala yun. Baka din bumalik si Charlie. Hindi pa ako handang magkwento. Lalo na kay Louie. Kahit na malakas mang-asar yun, baka kung ano ang magawa nun pag nalaman niyang sinampal ako ni Krystal. Ganoon ka-protective si Louie sa aming mga bestfriend niya.

Tulala at wala sa sarili. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Krystal. Ayoko ng ganoon. Halos magunaw ang mundo ko. Never in my life that I saw a hate that much. Kasalanan ko din naman kasi. Kasalanan ko. Kasalanan ko.

I deserve this.

Niloko ko siya. I can't believe I am this stupid.

Siguro tama din siya, pati si Charlie dinadamay ko sa mga kalokohan ko.

When your down and troubled,

And you need a helping hand,

And nothing, nothing is going right,

 

Call my name and think of me,

And soon I will be there,

To brighten up even the darkest night.

Napatigil ako sa pag-iisip nang nakarinig ako ng kumakanta. Umangat ako ng mukha para hanapin ang pinanggagalingan ng boses. Paglingon ko sa kanan, nakaupo sa kabilang swing ang isang batang babaeng kumakanta.

Pamilyar ang mukha niya. Kaklase ko ata?

Tuloy-tuloy lang siya sa pagkanta. Maganda ang boses niya.

Just listening to this girl singing somehow lighten my mood. She's singing exactly what I need. Friends.

Habang pinakikinggan ko siya, naaalala ko sina Charlie at Louie. Magbestfriends kami. We're a team. Alam kong dadamayan nila ako. Kaya lang ayaw kong magalit sila kay Krystal gaya nung nagalit si Louie kay kuya Nile.

Pero the mere prescence of Charlie and Louie, knowing that they will support me no matter what, sapat na. Malalampasan ko din to. Sa tulong nila, mapapatawad din ako ni Krystal. Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko, at sa kanila.

Tumayo ako sa swing at lumapit sa kumakanta.

"Salamat ha!" sabi ko sa kaniya.

Namamaga pa siguro mata ko kasi parang ang pula niya. "Ah-eh, y-your welcome. Ah, w-wala naman akong ginawa eh."

Ngumiti ako sa kaniya. "Just singing that song was enough to brighten my mood. Thanks to you I realized I have friends who are always on my aid."

"Ah, g-ganoon ba. W-wala yun. M-masaya ako't napasaya kita," sagot naman niya.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now