Thirty-eight

4.6K 91 13
                                    

Dahil last summer vacation iyon ng high school life, dapat bongga. Si Louie sa Japan daw sila. Si Charlie naman sa La Union care of Louie. At ako? Hulaan niyo. Sikat ang lugar na iyon sa leon nitong ang buntot ay sa isda. Ito ay tinatawag nilang Merlion. Alam niyo na ba? SA SINGAPORE~

At dahil Singapore iyon, hindi ko pinalampas na bisitahin ang Universal Studios. Ansaya pa naman kasi mula kami sa Vivo City eh magke-cable car kami at ang baba noon ay Universal studios na. SUPER SAYA! Tapos pumunta pa kami sa museum na puro relics ng Titanic. Ang gandaaaaa. Tapos, nag-picture picture pa ako sa Sentosa. Pumunta rin kami sa Chinese Garden. ANDAMING TURTLES DUN! Three stops away lang yun mula sa Boonlay station kung saan malapit ang Hotel na tinutuluyan namin. Tapos dumaan din kami sa Mustafa. Doon naman bumili ng alahas si mama. Nakakita din ako ng kwintas at naisip kong ibili nun si Krystal. Sana magustuhan niya. Sobrang sulit ang one month na bakasyon namin sa Singapore. Trivia pala. Alam niyo ba na pag umorder ka sa fastfood or anywhere doon sa Singapore at gusto mong i-“take out” ay sasabihin mong, “take away.” Pag kakain ka naman, sasabihin ming “in here.” Sayang at di ko nakasama si Krystal. Pero ok lang yun.

Speaking of Krystal, naalala niyo pa ba yung kwento ko noong prom? Nang tinawagan niya ako? Ganito kasi ang nangyari pala noon. Sa kasamaang palad ay nakita ni Krystal ang tatay niya kasama ang bagong pamilya nito. Sobrang saya daw ng tatay niya. Nagkasalubong pa nga daw sila pero hindi siya pinansin. Naalala ulit niya ang sakit na naranasan niya noong bata pa siya. Buti nga at ako ang unang naisip niya eh. Pero diba? Dahil ako ang unang naisip niya ibig sabihin. KYAAAAA! Hihi. EHHHHH… Nu baaaaa!!!

Ay meron pa pala. Tinanong ko din si Diana kung ano yung sasabihin niya sakin na may “gusto.” Medyo na-bother ako eh. Ang sasabihin lang pala niya eh… gusto daw niya akong tumakbong president ng Student Council pagtuntong ng fourth year.

Well, yun naman talaga ang balak ko eh. Tutal eh nasimulan ko na, why not na ituloy-tuloy ko diba? ‘Go for the Go’ ika ng isang taga council. Kahit na ‘Go for the Gold’ naman talaga ang dapat. Tss. Anyway, ako na ang bagong President ng Student Council. Nakakatuwa diba? Ansaya.

Tapos, bumalik na ulit ang closeness namin ni Krystal. I mean, dumadalas na ulit ang date namin. Mas sweet pa nga kami ngayon eh. Pero, parang nanliligaw pa rin ako sa kaniya. Well, hindi ko pa rin kasi natanong kung kami na nga. Baka mamaya nag-aassume lang ako diba? Pero masaya na ako sa kung ano ang meron kami ngayon. Choosy pa ba ako?

Nga pala. Alam niyo bang miracles do happen? Kasi eto ha. Si Charlie kasi, akalain niyong napunta sa section two? At di lang yun. President pa ng section nila! Ahaha. Buti naman at kahit papaano eh nahawaan namin siya ni Louie. At speaking of Louie, nakakalungkot lang dahil sa Canada na daw siya magka-college sabi ni Charlie. Pero, ok lang yun. Magaling naman si Louie. Nakakamiss nga lang. Kahit na bully siya. At sa araw-araw nalang na ginawa eh nagagawa pa rin niyang barahin ako o pagtripan.

Mabalik tayo sa pagiging president ko. Vice ko na pala si Diana. Wala lang. Share lang. Dahil nga maganda ang pamumuno ng nagdaang administrasyon ng SC, eh kailangan kong magampanan ng maayos ang aking tungkulin. Hindi dapat pa puchu-puchu. Hindi lang dapat maintained ang integrity ng SC, dapat pang itaas to the next level.

At so far, wala namang reklamo ang mga constituents ko. Satisfied naman sila. Nga pala. Isang malaking hamon para sa akin ang napipintong intrams. Oo. Intramurals. Intramurals is derived from the words “intra” which means “inside” and “murals” which means “walls.” So to speak intramurals is an activity which is held inside the walls of the campus or school. Wala lang. Share lang ulit.

Sinuwerte pala ang mga bestfriend ko. Ang intrams kasi namin eh hindi yung usual na Freshies vs Sophies vs Juniors vs Seniors. Evenly divided ang lahat ng students from first year to fourth year in four teams: Green, red, blue, and yellow. Mantakin niyo at parehas napunta sa blue team sina Louie at Charlie? Edi sa kanila na agad ang basketball at softball. Magagaling kaya mga bestfriends ko sa larangan nila. Sila pa? Eh mga bestfriends ko yun eh.

Pero dahil nga sa Dugong Bughaw sila, kasama ang 1/3 ng officers ng council, naging meeting place ng mga ‘officers’ nila ang SC office. Ako? Neutral ako kasama ng Vice President, Secretary General at mga Senators ko. Kami kasi ang in-charge sa intrams diba? Ka-team din pala nila yung isang transferee na silip ng silip lagi sa office.

Dahil sa intrams na din lang ang topic natin ikukwento ko na. Alam niyo ba na naging muse si Charlie ng dugong bughaw? SERYOSO! Siya ang muse. Oo nga. Muse nga. MUSE! M-U-S-E. Kaya lang, may pakulo sila. Mantakin niyo ba namang ang escort ay pinagdamit babae? Naalala ko tuloy ang ginawa nina Charlie at Louie sakin dati. Hayys. Those were the days.

In short, nanalo ang Dugong Bughaw sa intrams. Ayoko na palang magbalik-tanaw. Nakakapagod.

Eto pa pala. May ikukwento pa ako. Naaalala niyo pa ba yung dahilan kung paano ako nabuko ni Krystal na nagpapanggap na Shan-Shan? Nakilala ko na. Well, hindi naman personal pero naikwento na ni Charlie sakin. Yung lalaking lagi daw nang-aaway sa kaniya, yung inampon daw nila nung bakasyon, yun daw yun. Hiro daw ang pangalan. Pinsan daw ni Krystal.

Oh well, matagal na naman nang nangyari yun kaya wala nalang sakin. Promise wala lang talaga. Nangyari na eh. Tsaka okay na naman na kami ni Krystal ngayon eh. We are now on our journey to our happy ending. Hihihi. Kasheeee. Nu baaaaa!

Ano pa bang nangyari? Hmm, yun lang halos sa first half ng fourth year life namin eh. Wala naman masyado. Akala ko nga tuloy-tuloy na ang magaang daloy ng fourth year high school life ko.

Pero after ng second grading…

Hindi pala.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now