Eleven

7.6K 136 11
                                    

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. PRAMIS!

"A-ano... ah, n-nice to meet you," sabi ko ulit gamit ang ipit kong boses. HELP!

"Ang ganda mo naman," tugon ni Krystal.

"Ah, d-di naman m-masyado," sagot ko.

"Wag ka nang mahiya. Teka, ba't nga pala di ka pinakilala ni Chan-Chan? Di man lang noya sinabing may kakambal pala siya."

"A-ano kasi. S-sa mga grandparents ko ako lumaki. Tama, yun nga yun. Tapos madalang lang kaming magkita ni Chan-Chan. Kaya ganoon."

"Ah, ganoon pala. Dito ka din mag-aaral?"

"H-hindi. Ano lang... nagbabakasyon?"

"Talaga? Eh bakit sa pasukan ang bakasyon niyo?"

"Hindi ko alam eh."

Napaisip si Krystal sa sagot ko. Sinipat niya ako ng tingin.

LAGOT! MABUBUKO NA YATA AKO. EPIC FAIL! Ang puri ko. Ang dangal ko. Si destiny. Lahat mawawala nalang bigla. Huhuhu!

"Tara, gala muna tayo. Girl bonding. Bago ka lang dito diba? I-text mo nalang si Chan-Chan."

S-si destiny. Niyayaya akong makipag date! Magdedate kami ni Krystal. Ang saya!

"S-sige," sagot ko. Hindi ko na din maitago ang ngiti ko.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Krystal.

"Kahit saan. Basta kasama ka," sagot ko naman.

"Hahaha. Nakakatuwa ka naman. Parang bumabanat lang ah. Hahaha!"

Ang ganda talaga ni Krystal pag tumatawa o ngumingiti. Natutunaw ang puso ko.

"Gusto mo mag mall na lang tayo?" tanong ulit ni Krystal.

"Sige. Tara."

Edi ayun. Pumunta kaming mall. Andaming kinuwento ni Krystal sakin. Masaya naman sana. Kaya lang. Ang kwento niya, puro ganito.

"Alam mo ba, ang galing galing talaga ni Charlie."

"Ang galing ni Charlie mag-softball!"

"Ang cute ni Charlie!"

"Ang bait ni Charlie!"

"Ang bubbly ni Charlie!"

"Ang sarap kasama ni Charlie!"

"Ang cute tingnan ni Charlie pag kumakain!"

Charlie. Charlie. Charlie. Puro Charlie nalang naririnig ko. Kulang nalang sabihin niyang crush niya si Charlie. Pero alam ko namang hindi mangyayari yun. Parehas kasi silang babae. Tsaka pag tiningnan mo si Krystal babaeng babae talaga. Kung mangyari pa na si Charlie ang magka-crush kay Krystal ay maniniwala pa ako. Who knows diba? Pero mukha namang hindi din mangyayari yun. May crush na lalaki yang si Charlie eh. Sino? Edi si kuya Nile. Paano ko nalaman? SECRET!

Hanggang sa kumain kami ni Krystal sa Tokyo Tokyo ng Ramen ay puro pangalan padin ni Charlie ang binabanggit niya. Kanina ko pa inaabangan ang pangalan ko pero wala talaga eh. 'Gang sa di ko na kinaya.

"Alam mo ba, si Charlie-"

"Ano naman tingin mo kay Chan-Chan?" putol ko sa kanya.

Sorry na. Di ko lang talaga matiis sarili ko.

Napatigil si Krystal at napaisip. Hala. baka nagalit na. Huhu!

"Si Chan-Chan? Mabait din naman." Tapos bigla nanamang lumiwanag ang mukha niya. "Eto pa pala."

Bigla akong naexcite. Eto na yun! "Nakakatawa talaga tong si Charlie. Nung minsan..." Si Charlie na naman? Akala ko ako na. Hays! Pero di ako susuko. "...tapos nung ano-"

"Bukod sa mabait si Chan-Chan, ano pa?" singit ko ulit.

"Hmm... matalino din naman siya. Siya yung Valedictorian namin eh," sagot niya.

"Yun lang?" follow-up ko.

"Teka, diba kambal kayo? Dapat alam mo na yun!" sagot naman niya. Waaaaa!

"Oo nga. Pero iba pa din pag galing sa iba diba? Lalo na sayo!"

"Hahaha. Ako talaga? Pwede namang kay Charlie eh! Speaking of-"

"Hindi ka ba naku-cute-an sa kay Chan-Chan?" tanong ko ulit bago pa niya maituloy ang ikukwento niya na malamang sa malamang ay tungkol na naman kay Charlie.

"Siguro cute din siya. Ang ganda ganda mo kasi!" Muntik na akong mapanganga sa sinabi niya. Ibig sabihin all this time hindi niya ako masyadong napapansin? "Pansin ko lang, bakit ako lang ang nagkukwento? Kwento ka naman tungkol sa sarili mo!"

Hmmmm... May naisip ako bigla na magandang ideya. Hihi.

"Ok. Alam mo ba, si Chan-Chan..." simula ko.

Kung si Krystal puro si Charlie. Ako naman, i-bubuild up ko ang sarili ko sa kaniya. Puro tungkol sakin ang ikukwento ko para mapansin niya din ako. Bawi-bawi din pag may time. Hahaha.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now