Twenty-two

5.5K 107 6
  • इन्हें समर्पित: makuletcute
                                    

Hindi ko na kinuwento kina Charlie at Louie ang nangyari sakin. Nakikinita ko na kasi ang mangyayari. Parang ganito…

“Seryoso Chang? Nagbigay ka ng sampaguita? HAHAHA! You’re so lame. Di ka ba nag-iisip? HAHAHA” sasabihin ni Louie.

 

“Hahaha! Boooo! Hahaha! Eh kung pagkain nalang ibinigay mo,” sasabihin ni Charlie.

 

Puro pambubully aabutin ko sa dalawang yun. Tapos sasakalin ko si Charlie. Kasi siya ang nagbigay ng ideyang yun sakin. Naalala ko pa nung tinanong ko siya nung Grade Six kung anong magandang bulaklak at sabihin niyang sampaguita. Tapos tuwang-tuwa pa si Krystal noon.

Kaya di ko namang sasabihin sa kanila. Hayys. Buhay. Lovelife. Destiny.

Anong nangyari sa sampaguita? Iniwan ko sa St. Jude. Nag novena nadin ako na sana matulungan ako ni St. Jude para magkatuluyan kami ni Krystal.

Pagkauwi ko sa bahay, tinext ko agad si Krystal.

Me:

Krystal… sorry pala kanina. Galit ka ba sakin?

Tinitigan ko ang phone ko. Lumipas na ang limang minuto, wala pa ring reply. Ten minutes. Fifteen minutes. Twenty minutes. Twenty-five minutes. Twen—

“Baby, kakain na,” tawag sakin ni mama.

“Opo ma, bababa na.”

Nag send nalang ulit ako ng bagong message kay Krystal bago bumaba.

Me:

Krystal, sorry talaga. :’(

After kumain, dali-dali akong bumalik ng kwarto para titigan ang cellphone ko. Wala pa ring message.

Me:

Sorry na pls. T_T

Wala pa ring reply. Napagpasyahan ko nalang na gawin ang mga assignments ko at magrecall ng lesson habang naghihintay ng reply ni Krystal.

Me:

Uy, sorry na.

Napatakbo ako sa desk ko nung umilaw ang cellphone ko.

Destiny <3:

Ano b Basti! Wala k bang ibang alam itxt kundi puro sorry?

Ngiting-ngiti ako na kinakabahan dahil nagreply siya. Magrereply sana ako ng isang sorry pa ulit. Kaya lang baka lalong magalit si Krystal.

Me:

Pasensya. Akala ko kasi magugustuhan mo yung sampaguita. Naalala ko kasi nung grade6 na natuwa ka nung bigyan kita ng sampaguita.

Pagkatapos kong mabasa ang kalahati ng chapter ng Botany, nakarecieve ulit ng text mula kay Krystal.

Destiny <3:

Ay nako. Santo lang ang magkakagusto s sampaguita. Tsaka wla k namang binigay sakin nun a? ang naaalala ko si Charlie ang may binigay nun.

Me:

Sakin parin galing yun.

Hinintay ko ulit ang reply niya. Habang naghihintay, nagbasa muna ulit ako. Natapos ko na ang buong chapter ng Botany, nasagutan ko na ang assignment ko sa English. Nakagawa na rin ako ng take-home essay sa Social Studies, wala pa ring reply.

Baka nakatulog na. 10:30 na din kasi. Pero baka gising pa. Sinubukan ko siyang tawagan. After ng dalawang ring, sinagot niya.

“Bakit?” bati niya.

“Uh, gising ka pa ba?” tanong ko dito.

“Ay hindi. Tulog ako. Tulog na tulog,” sarkastikong sagot niya.

“S-sorry. Di ka na kasi nagreply. Sorry talaga.”

“Ano ba Basti? Wala ka ba talagang ibang alam na sabihin kundi sorry? Pag ikaw narinig ko nanamang magsabi ng sorry bababaan na kita,” ramdam ko ang pagkairita niya mula sa kabilang linya.

“S—ah, g-galit ka ba sakin?”

“Sakto lang. Bakit ka nga pala napatawag?”

Sakto lang? Ibig sabihin nabawasan na galit niya? Kung galit man siya, ibig sabihin hindi na masyado?

“Ah, i-itatanong ko lang sana kung... ano ang paborito mong bulaklak?”

“Japanese Honeysuckle,” sabi naman niya.

“ahhh…”

“Yun lang? Sige na. Matutulog na ako.”

“G-goodnight.”

“Kaw din. Bye.”

“B-bye.”

Naibaba na niya ang tawag pero nakadikit padin sa tenga ko ang cellphone. Nag-goodnight din siya sakin. Ayiee. Hihihi. Grabe! Heaven ang feeling. Di ko na napigilan ang sarili ko kundi tumalon-talon sa kama bago niwrestling si Chu.

“Chu!!! Ang saya ko. Hindi na daw masyado galit sakin si Krystal! Nag-goodnight siya pati! This calls for a party! Ken, Mik-Mik, Ken-Ken, Chu-Chu, Clang-Clang, Pen-Pen, Let-Let, Lot-Lot, Min-Min, Cha-Cha, Ven-Ven, Pau-Pau tsaka kayong lahat, tea party time!”

Simula nang gabing yun, gabi-gabi na ako tumatawag kay Krystal. Hihihi. Magkausap kami gabi-gabi. Hihi. Kasheee. Yung tipong tatawag ako tas tatanungin siya kung kamusta araw niya tapos sasagot siya ng ok lang tapos mag-gugoodnight na siya at ibababa na ang tawag. Hihihi. Progress diba?

Kaya naman laking tuwa ko nang sabihin ni kuya Mason kung ano-ano pa ang pwede kong gawin na makakatulong sa panliligaw ko.

A Man's Lifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें