Forty-three

4K 117 47
                                    

Ano kaya ang feeling ng may kapatid?

Actually, matagal ko nang naiisip yan. Lalo pa’t may mga kapatid yung mga kaibigan ko. Naisip ko tuloy, bakit ako mag-isa lang? Bakit sila tiba-tiba sa kapatid?

Pero sabagay, di kakayanin ni mama ang isa pang supling. Sakin pa nga lang hirap na siya. Hay.

Sa totoo lang, hindi naman yan ganoon ka big deal sa akin – ang magkaroon ng kapatid whatsoever. I have friends naman kasi na kapatid na rin ang turing sa akin so what more can I ask for diba? Naisip ko lang naman ulit yang tungkol sa bagay na yan noong umuwi kami sa Batangas. After naming magbakasyon sa Hong Kong.

Hindi ko ineexpect kasi na uuwi din ang kapatid ni papa na sa pagkaka-alam ko ay sa America naninirahan. Never ko pa nakita ng personal ang kapatid ni papa. Sa pictures lang. Pero para ko na ding nakita ang kapatid niya pag nakikita ko si papa. Like duh! Kambal kaya sila.

Ay, di ko pa ba naikukwento na may kakambal si papa? Sabagay, kasi nga naman sa buong existence ko dito sa earth ngayon ko lang siya nakita ng personal. And besides…

Huwag kayong maingay ha!

Ang balita ko kasi, pasaway si tito Arnold. Balita ko, nag-away daw sila ni lolo at parang tinakwil siya. Pero gaya ng kwento ng Prodigal Son, nagbalik loob siya sa pamilya. Nagkapatawaran naman. Gosh! Naiiyak ako. Sobrang touching kasi nung moment na niyakap ni tito si lolo. Tapos naiiyak din si lola sa sobrang tuwa. Yung tagpong ang higpit ng yakap ni lolo na alam mong miss na miss na niya talaga ang anak niya an matagal na niyang hindi nakikita. Grabe talaga.

The true love of a father really is strong. Hindi kayang tiisin ng ama na habang-buhay mapalayo sa kaniya ang anak niya. Pag alam niyang taos-pusong humihingi ng tawad sa kaniya ang anak niya, he would take back his child and proceed like nothing had ever stained their relationship.

At alam ko, at damang dama ko… ang bakasyon nay un ang pinakamasaya. Kaya sa susunod na family reunion, kumpleto na ulit ang pamilya Flores.

At dahil napag-uusapan ang unprecedented reunions na yan, magpapatalo ba ako? Sana nga wala akong ganyan diba? Ayoko ng mga gulat gulat na yan. Pero, you really can’t avoid the inevitable. And those are quite horrific!

Dalawang araw na ang nakakalipas buhat nang makauwi kami dito sa Batangas. Kahapon naganap ang makabagdadmdaming pagtatagpo sa pagitan nina lolo, papa at tito Arnold. At dahil buo na ulit ang pamilya Flores, may surprise treat daw si lolo.

Kaya naman pinag-empake niya kami ng mga gamit. Punta daw kaming resort. Naisip ko, adik ba tong si lolo? Ang lamig lamig na nga eh, tapos magreresort pa? Pero malay natin, baka maganda naman yung pupuntahan. Sino ba naman ako para magreklamo diba?

Sosyalen talaga si lolo. Di ko akalaing pupunta kami ng Pico de Loro. Sa pagkaka-alam ko kasi mahal doon. Yun pala, member si lolo doon. Sabagay, saan pa ba naman niya gagamitin ang pension niya eh parehas na economically stable na ang mga anak niya. For his own personal use nalang talaga ang pera niya.  

Sobra pa akong nagulat dahil pagdating namin doon, andoon rin si tita Charlene. May ikakasal daw kasi doon bukas at siya ang kinuhang image stylist. Sosyalen din si tita. Sila na.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now