Nine

10.4K 178 19
                                    

Naging maayos naman ang takbo ng huling taon ko sa elementarya. Kahit papaano, nagging magkaibigan kami ni Krystal. Lagi kasi siyang sunod ng sunod sa amin ni Charlie.

Naging valedictorian ako kaya binigyan ako ni Tita Charlene ng cellphone bilang regalo. Hindi ko naman masyado nagagamit ang cellphone kasi wala namang cellphone si Charlie at siya lang naman ang kaibigan ko. Di ko din alam kung may cellphone si Krystal. Pero sana mayroon para textmate kami. Hihihi!

Nung gumraduate ako ng elementary, napagdesisyunan ng magulang ko na sa UST ako maghahigh school. Wag daw akong mag-alala kasi dun rin daw mag-aaral si Charlie kaya may makakasama padin ako. Sayang lang at sa ibang school si Krystal.


Isa sa di ko malilimutang event sa buhay ko ay ang high school life. Halos ata lahat naranasan ko sa highschool. Saya, lungkot, kabaliwan, andami! Simulan natin sa orientation day.

Orientation day kaya naman naka-civilan akong pumasok ng uste. Naksuot ako ng loose shirt na maikli ang sleves, at skinny jeans. Mukhang bestida ang damit ko pero sabi ni tita Charlene, hindi daw. Yun daw ang uso ngayon. Tsaka sa men’s section niya yun binili. Mahaba pa ang buhok ko nun kasi tinatamad akong magpagupit. Pino-ponytail ko lang yun tapos nakabangs pa ako. May kulay din pala ang buhok ko na blonde. Bagay naman sakin kasi maputi naman ako eh. Haha.

Sabay kaming pumasok ni Charlie. Kaya lang, magkaiba kami ng section. Section 1 ako at section 5 naman si Charlie. Kinakabahan tuloy ako papasok ng classroom. Inasar na naman ako kanina. Bakit daw ako nakabestida. Kaya ayun. Todo paliwanag naman ako pero tinawanan lang ako ng walanghiya. Mukha ba talaga akong nakabestida?

Sabi ko sa sarili ko, it’s time to redeem myself. Dapat lalaking-lalaki na ang tingin nila sakin.

Nakayuko akong pummunta ng room ng section 1. Nahihiya kasi ako at humuhugot pa ng lakas ng loob. Pero kasi, new people in a new environment. Tapos, yung iba tingin pa ng tingin sakin. Nakakaasiwa kaya! Hindi talaga ako sanay na tinitingnan ng strangers. Nababato ako. Para medyo marelieve ang anxiety ko sa katawan, iniihip-ihipan ko nalang ang bangs ko. Nasa labas lang ako ng room. Naghahanap nga kasi ako ng lakas ng loob. Andami kasing tao sa room. Nakaka-conscious. Kelan ba kasi ako magkakaroon ng lakas ng loob para makipag-mingle?

Habang nagmumuni-muni ako, nakita ko yung isang batang babae. Nakatingin siya sa akin. Sabi ko sa sarili ko, “Uh-oh, tibo na naman ba to?”

 

Namiss ko tuloy bigla si Charlie. Yung tingin kasi nung bata mukhang mananapak. Pero kung andito si Charlie, siyempre ipagtatanggol ako nun. Hindi ako mapapaaway – si Carlie lang. Hahaha.

Nakita kong lumapit yung babae sa akin. Kinakabahan na talaga ako nun. Nakakatakot kaya!

“Psst! Tignan mo nga kung ano yung tinitignan nila sa likod ko. Tatalikod ako ha?” sabi nung babae. Grabe! Kinabahan ako. Akala ko mang-aaway na.

“H-ha? Ah-eh...” Di ako prepared. Nakakgulat kasi. Tumango nalang ako.

Nung tumalikod siya, nakita ko kuing ano ang pinagtitinginan ng mga tao. Kaya pala. Kadiri ha! Ke-babaeng tao ang dugyot. Di man lang ba to marunong gumamit ng napkin? Yung cottony soft o kaya yung with wings? Pwede ring tampons. Hahaha!

A Man's LifeWhere stories live. Discover now