Forty-two

4.1K 126 48
                                    

It’s already our second day dito sa Hong Kong. Grabe, puro chinese characters ang nakikita ko sa mga signs dito. Hindi ko naman maintindihan. Pero alam niyo ba kung paano kami napunta ng Hong Kong? Ganito yan.

 

“Ma, sige na po. Sa Hong Kong tayo magbakasyon this Cristmas. Please?”

 

“Hay nako baby. Magastos kung doon tayo magbabakasyon. Dito nalang tayo. I’ll treat you sa mga magagandang salon and massage parlor.”

 

“Mama naman eh. Ayoko nun. Gusto ko sa Hong Kong. Please! Tsaka, ga-graduate na ako ng Highschool oh! Sige na. Ma...”

 

“Baby, magastos bumiyahe,” pagmamatigas niya.

 

“Sige na kasi ma. Tignan mo ma ang passport ko oh! Isang page palang ang may marka. Sige na. Mag-Hong Kong tayo.”

 

“Hay nako baby. Kausapin mo ang papa mo.”

 

“Ibig sabihin payag na kayo ma? Payag na kayong magbakasyon tayo sa Hong Kong?”

 

“Kausapin mo ang papa mo,”

 

“Pero payag nga po kayo ma?” tanong ko nang nagniningning ang mga mata. Siyempre, nakausap ko na si papa eh. Sabi ni papa, pag pumayag si mama, ok sa kaniyang sa Hong Kong kami magbakasyon.

 

“Oo na. Oo na,” sabi niya.

 

“Yehey!” inangat ko ang cellphone ko at tinawagan si papa. “Pa! Sa Hong Kong daw tayo this Christmas vacation sabi ni mama. Hehe.”

 

“Hay nako. Ikaw talagang bata ka. Kung di lang kita baby. Hali ka nga baby. Pakurot nga. Achuchuchu,” hila sa akin ni mama. "Pa-kiss sa mumu."

 

So, ayun. Nandito na kami. Hehe. Pero until now, hindi ko pa rin nakikita si Krystal. Sayang nga eh. Two days nalang before Christmas pero di pa kami nagkikita. Huling usap namin ay noong flight namin sa Hong Kong. Pero siyempre, hindi ko binanggit na papunta akong Hong Kong that day. Surprise kaya ‘yon!

Pagkatapos kong mag-ipon ng lakas ng loob, sinubukan kong tawagan si Krystal. Muntik ko pang mabitiwan ang phone ko nang marining kong nagring sa kabilang linya.

 

“Chan-Chan napatawag ka?” bungad ni Krystal sakin.

“Ahm err, h-hello Krystal. Ahm err, N-nasa Hong Kong ako ngayon,” sagot ko.

“Really?” she exclaimed in excitement. “Nandito rin kami sa Hong Kong! Saan kayo dito nag-stay?”

“Ahm, dito kami sa Disneyland Hotel naka check in. Hehe. Kayo ba?”

“Ah, andito kami sa apartment ng tita ko sa may Mong Kok.”

“Ahh,” sagot ko. Kahit wala naman akong ideya kung saan yung lugar na yun. “Advance Merry Christmas pala.”

A Man's LifeWhere stories live. Discover now