Seven

9.4K 177 13
                                    

Wala na talaga akong balak kausapin pa si Charlie mula ng pangyayaring yun. Pero nagulat ako isang araw ng binigyan niya ako ng stuffed toy. Si Kon yun. Ang cute cute. Gusto ko kasi yung Anime na Bleach kaya naman tuwang tuwa ako. Tapos ayun, bati na kaming dalawa. Hindi daw kasi niya inakala na lalaki ako kasi daw maganda ako at mukha daw talaga akong babae.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Ang mahalaga, may bago akong stuffed toy. Pero kung akala niyo na laging good times kami, diyan kayo nagkakamali. Asar talo ako lagi kay Charlie. Pag nagkakapikunan kasi kami, tinutukso niya akong bakla. Pagsinasabi niya yun, NAKAKAINIS TALAGA! Pero katagalan, nasasanay ako sa kaniya kaya naman pagsinasabihan niya akong bakla, sinasabihan ko din siya ng tibo. Kaya lang ang nakakaasar, pag siya inaasar ko ng tibo, automatic na ang batok.

Pero bestfriends padin naman kami kahit ganoon. Kahit na sa isang all-girls school si Charlie nag-aaral eh nakakapaglaro parin naman kami pag may time. Isa sa pinaka pinagpapasalamat ko sa pagiging magkaibigan namin ni Charlie ay dahil sa kaniya, nakilala ko si “Destiny.”

Grade five na kami noon. Niyaya ako ni Charlie na sumama sa school nila. Intrams daw. Sumama naman ako kasi mukhang masaya. Masyadong active kasi si Charlie sa sports na siyang kabaliktaran ko.

Ayoko kasing sumali sa mga larong ganyan. Naalala ko dati sa allboys school niyaya akong magbasketball. Sumali naman ako kasi nga diba panglalaking laro yun. Di pa ako marunong magdribble noon. Tsaka parang ang bigat ng bola kaya di ko maihagis. Ang masaklap pa, pinasa sa akin ang bola ng kasama ko pero di ko kalkulado kaya ayun sa ulo ko tumama. Plakda. Pag gising ko, nasa clinic na ako at binabantayan ni Clinton.

Doon ko napagpasyahan na ayaw ko na sa active sports. Kaya naman nadiscover ko ang wonders ng board games. At sa school namin, isa ako sa pinakamagaling maglaro ng chess. At siyempre, full support lagi si Clinton.

Anyway, mabalik tayo sa good memories. Ayun na nga. Pagdating namin sa school nila, andaming tao. Doon ko nalaman na sikat pala si Charlie. At maraming tibo sa school nila. Kasi naman masyado silang obvious. Para silang mga asong naglalaway. Tapos nung makita ako na kasama si Charlie kung makairap sila sa akin wagas. Naiinggit ba sila kasi bestfriend ko si Charlie? Tapos narinig ko pa yung isa na nagsabi na pangit daw ako. Ano nga ba tawag sa babaeng aso? Nakalimutan ko. Pero narinig yun ni Charlie.

“Anong sabi mo sa bestfriend ko?” bulyaw ni Charlie dun sa schoolmate niya.

“Ah-eh, wala Charlie. S-sabi ko cute din siya,” sagot naman ng isa.

“Yan? Cute?” sabi ni Charlie at tinuro pa ako. Mukhang alam ko na ang kasunod niyang sasabihin. Sasabihin niyang maganda ako. Kakainis.

“Charlie naman eh!” reklamo ko.

“AHAHAHA. Tara na nga. Iyak ka na eh.”

Nagsimula na ang laro ni Charlie. Sa softball siya napasali noon. Andoon lang ako sa bleachers nakaupo ng biglang naihi ako. Kaya naman hinanap ko kung saan ang CR. Sige na, tanga moment ko na to kasi hindi ko naman kabisado ang lugar. Ayun. Naligaw ako.

Di ko alam ang gagawin kaya ayun. Naupo ako saka umiyak.

“Bata, bakit ka umiiyak?” narinig kong tanong sa akin. Pag-angat ko ng mukha, parang nag-slowmotion ang lahat. Tapos parang ang liwanag. Anghel ba tong nakita ko? “Bakit ka umiiyak?”

“Ah… n-nawawala k-kasi a..ko,” sagot ko na medyo sinisinok pa.

“Saan ka ba pupunta? Samahan na kita,” aya niya.

Ang ganda talaga niya. Naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ang mgaShōjo na nabasa at napanuod ko. Ito na ba yun? Wow. Love at first sight do happen. Pero teka lang. Ang bata ko pa para sa love kaya naman… crush ko siya. Oo. Yun nga tawag doon.

“A-anong…”

“Ay ma’am. May bata pong naliligaw,” tawag niya sa isang teacher na napadaan.

“Ay, talaga? Sige na. Ako na ang bahala sa kaniya,” sabi ng teacher sabay kaladkad sa akin papuntang faculty room.

Pagdating doon, hiningi nila ang number namin sa bahay tapos tinawagan si mama at pinasundo ako. Muntik nang magalit si mama noon kay Charlie pero sabi ko naman na ako yung umalis at walang kasalanan si Charlie kasi nga naglalaro. Alam ko naming hindi magagawang magalit ni mama sa akin kaya naman nakalusot ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Charlie na uuwi ako. Ang masaklap pa, hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng crush ko.

Come to think of it, hindi man lang nagtaka si Charlie sa biglaan kong pagkawala noon. Hindi man lang niya ako tinanong kung saan ako nagpunta at kung bakit nauna akong nakauwi kesa sa kaniya. Tapos puro pa siya kwento sa nangyari sa kaniya ng araw na yun. Sabagay hindi ko na rin naisip yun. Kasi ang laman lang ng isip ko noon… walang iba kundi si crush.

Na na-confirm kong “Destiny” ko pagtapak ko ng grade 6.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now