Forty-four

3K 98 10
                                    

Excited na ako sa last quarter ko sa High School. Tatlong buwan nalang na pagsusumikap at gagraduate na kami. Liban pa doon, may klase na naman edi lagi na naman kaming makakapag-date ni Krystal. Hihi. At balak ko, bago kami gumraduate ay maconfirm ko kung ano ba talaga kami. Ehh! Excited na ako!

Naging madalas na din ang pagtetext namin ni Clinton, or better said, ang pagtetext niya. Nakakainis na nga minsan. Di man lang pumapalya. May  good morning, good noon, good afternoon, at good evening. Kulang nalang ata pati good midnight. Pumuputok tuloy ang inbox ko sa messages. Nakakapagod magbura. Pero speaking of text, isang convo list lang ang hindi ko binubura. Kanino pa eh di convo list namin ni Krystal!

Gaya ngayong family day. Magkatext kami. Nasa school daw nila si Krystal. May practice daw kasi sila para sa prom nila. Meanwhile, dito sa school, sa hapon pa naman ang program kaya nasa classroom pa ako. Si Louie? Ewan. Wala naman kasing class ngayon kaya konti lang kaming nandito. Duh, it’s a Saturday. And speaking of family day, hindi ko na pinapunta si mama. Lalong lalo na si tita. Who knows kung ano na namang kababalaghan ang ipagkakalat nila. Don’t get me wrong ha! I love them at proud akong kasali ako sa angkan namin. Pero hindi mo rin naman ako siguro masisisi kung ayoko silang dalhin dito diba? Baka mamaya dalhin pa yung forbidden photo album ko. Kawawa na naman ako.

Besides, doon nalang ako makikipamilya kina Charlie. Para ko na rin naman silang kapatid lahat eh. Ansaya diba? Para kaming seven alpha males. Ay oo nga pala. Babae nga pala si Charlie.

Saan na nga ba kinukwento ko? Ayun. Kami ni Krystal. Hihi. As I had said, magkatext kami. Naisip ko bigla na magtext ng isang corny na banat.

Me:

Krystal, sorry kasi… hindi ako pwedeng maging superhero mo.

Abot tenga ang ngiti ko maiisip ko palang ang isasagot ko.

Destiny <3:

Ano na naman yan? O bkit?

Napahagikgik ako kasi alam kong kumagat siya sa pick-up line.

Me:

Hindi ako pwede maging superhero mo kasi bukod sa IKAW ang kahinaan ko, hindi pa ako makalipad kasi palagi akong nahuhulog SAYO. <3

Ay grabe! Parang gusto ko maglumpasay sa kilig. Hihi. Malamang ganun din si Krystal.

Destiny <3:

Enko sayo! Ang korni.. :P

EHH! Sabi na nga ba kinikilig din si Krystal eh. Hihi.

Maya-maya pa ay nagtext si Charlie na susunduin niya daw ako dito sa room at sabay na daw kaming pumunta sa program. Napagpasyahan ko na ding lumabas ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko, bigla nalang may umakbay sakin.

“Hey… Nandito ba si Louie?” tanong ng estranghero. Adik ba ‘to? Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao? Tsaka, di ko siya kilala. And I don’t just give my bestfriend’s whereabouts sa mga ‘di-kilalang tao.

A Man's LifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin