Four

10K 228 43
                                    

Mga three years old ata ako nung naisipan ni mama na magtrabaho ulit. Para daw mas maganda ang future ko. Si papa naman, once a year umuuwi at tumatagal siya ng one month. Nung time na yun, nagwoworry na si mama sa akin kasi hindi talaga ako lumalabas ng bahay. Lagi nalang talaga ako sa kwarto.

Sa point na yun pumasok ang mga tita at mga pinsan ko sa buhay ko. Dahil nagtatrabaho si mama sa araw, ang mga tita at pinsan ko lang ang kasama ko.

Nung hindi pa kasi nagtatrabaho si mama, bantay-sarado ako sa bahay. Isa yun sa dahilan kung bakit wala ako masyadong kaibigan. Lagi akong mag-isa, hindi lumalabas ng bahay, walang kalaro, in short, forever alone. Laging si Basti, Care Bears, My Little Pony, at ang iba ko pang mga stuffed toys at pati na rin pala si Ken – which I hope di niyo kilala – ang mga kalaro ko.

So ayun na nga, when mom started to work ulit, I was stuck with my cousins and my aunties. At dahil nakulong ako sa girly environment, na-adapt ko yung pagiging feminine. Feminine lang ha! Feminine lang talaga. Sa tagalog, medyo malamya lang ng konti pero konting konti lang naman. As in konti lang talaga.

That being said, namulat ako sa mga laro gaya ng bahay-bahayan, piko, chinese garter, hulahoop – gosh maisip ko lang yun nakakahiya. Actually, madami pa. Gaya ng paper dolls and such. Okay I’m getting myself more shame. Nasabi ko din ba na every weekend meron kaming tea party? Kasama naming ni Basti ang mga pinsan kong sina Aida, Lorna at Fe? Kasama yung mga pet dolls nila? HUWAG NIYONG IKUKUWENTO KAY CHARLIE AT LOUIE YUN HA!

Sa lahat ng mga relatives ko, mayroon talagang namumukod-tangi. Walang iba kundi si tita Charlene. Si tita Charlene, maganda, matangkad, diyosa. Marami siyang manliligaw. Naalala ko isang beses habang iginagala niya ako sa mall. Six years old na ako noon at mag ge-grade one na sa pasukan.

“Chan-Chan baby, maganda ba?” tanong niya sa akin habang pinapakita ang blue hairclip. Nasa store kami na puro accessories ang mga tinda.

“Opo tita, maganda po. Kulay blue,” sagot ko naman. Favorite ko kasi yung sky blue. Cute niya tignan. Peaceful, parang nakatingin lang ako sa langit.

“Sige, sabi mo Chan-Chan baby eh. Wait ka lang ditto ha? Bibilhin lang ni tita,” sabi niya sakin. “Teka, may gusto ka ba sa mga tinda dito?”

“Yun pong bracelet tita no blue po o, gusto ko po nun,” sagot ko naman.

“Sure Chan-Chan baby. Sigurado akong bagay tong mga to sayo. Ang cute cute mo talaga!” Kinurot pa ako ni tita sa cheeks.

“Chicha machakit” reklamo ko.

“Sorry Chan-Chan baby, gigil lang si tita. Kiss ko nalang para mawala.” Hinalikan ako ni tita sa cheeks tsaka binayaran na rin niya yung binili niya.

Pag balik ni tita, dinala niya ako sa CaféFrance. Pagdating naming doon, pinagtitinginan siya ng mga lalaki. Head turner kasi talaga si tita. Ganda nun eh. Umorder kami ng Hickory Baby Back Ribs with Potato Salad. Naka-settle na kami sa upuan nang may lumapit sa amin na mag-ama.

“You have a beautiful daughter, mana sayo,” sabi nung lalaki kay tita Charlene. Busy naman ako sa pag ngata ng Peach Croissant kaya di ko sila pinapansin. Ang naalala ko nalang, tumabi sa amin yung mag-ama.

“You’re pretty,” sabi nung batang lalaki. Agree ako sa kaniya, maganda kasi talaga si tita Charlene. “Dad, she’s pretty pero suplada. She’s not talking to me.”

Napatingin ako sa kaniya. “You’re wrong! Tita’s not suplada kahit na she’s pretty.”

“Mas pretty ka, bagay sayo yung blue hairclip mo. I like you,” sagot naman nung bata.

Siguro umabot ng sampung segundo bago ko na-absorb ang sinabi nung bata.

“TITA OH! He’s bullying me. I’m *hik* not pretty! *hik* Di naman ako girl eh!” umiiyak na talaga ako noon.

That day, nalaman ko na ang mga batang lalaki, hindi nagsusuot ng hairclip.

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon