Twenty

6K 111 27
                                    

Bago mag-botohan, may naisip na bagong pakulo si Charlie sa pangangampanya para sa pagtakbo ni kuya Mason sa pagiging president ng Student Government. Magtatayo daw kami ng kissmark booth. Yaman at walang lipstick si Charlie dahil hindi nama marunong gumamit yun. Kahit nga pag-apply ng simpleng foundation di ata nun alam eh. Ni hindi nga rin ata alam kung ano ang tamang kulay at kapal ng foundation na ilalagay sa mukha depende sa skin tone. O di kaya na kelangang lagyan ng concealer ang ibang parts ng mukha para magmukhang pantay ang kulay ng mukha. Ay teka bakit ba napupunta ako sa paglelecture sa paglagay ng foundation? Eh hindi naman yun ang topic.

Pero alam niyo ba? Nahirapan akong manghiram ng lipstick?

“Tita Charlene,” simula ko. Pumunta kasi ako sa salon ni tita.

“Oh?” sagot niya habang nagbabasa ng magazine.

“Tita…” sabi ko ulit. Mas malumanay na ang pagkakasabi ko.

“Bakit?” tanong niya habang nagsa-scan sa page kung saan mino-model ang bagong style ng damit.

“Tita Charlene…” mas malambing kong sabi.

“Bakit Chan-Chan baby? Ano yun?” tanong niya. Ibinaba niya ang magazine at tumingin sakin. Napangiwi ako inside sa ‘Chan-Chan baby’ kasi diba? Malaki na ako.

“Kasi po tita… may favor po sana akong hihingin sayo,” simula ko.

“Ay naku baby, sinabihan na ako nina ate na sapat na daw ang allowance na binigay sayo kaya huwag ko na daw dag-dagan baka ma-spoil ka daw masyado. Sorry baby,” sabi ni tita. Napatanga ako sa sinabi niya. Grabe naman si tita. May favor lang na hihingin pera agad? Agad-agad? Although sayang. Isa pa naman yun sa pakay ko. Pero… well.

“Hindi po yun tita. Iba po,” sabi ko.

“Ah ganun ba? Oh sige. Kung kaya ko why not diba? Spill.”

“Eh kasi po… wag po sana kayong magagalit tita ah!” Grabe talaga. Kaya ko ba to?

“WHAT? YOU’VE DONE THAT ALREADY?” gulat na sambit ni tita. Pati ako napaatras ng bahagya sa reaksyon niya. Ano ba yun?

“DONE WHAT TITA? ANO YUN?” tanong ko in the same manner nang pagkagulat niya.

“Ay. Wala. Nevermind. Go on,” sabi niya. Hindi muna ako nagsalita at tinitigan ko lang siya. Kapamilya ko ba talaga siya? Siya? Siya? Sure ba? “Go. On,” usig pa niya.

“Eh kasiii… hihiram po sana ako ng…” hininaan ko ang boses ko nang pabulong para walang ibang makakarinig ng sasabihin ko, “lipstick.”

“Ay anu ba yan? Dami mo pang segue manghihiram ka lang pala ng lipstick,” sabi niya saka tumayo at naglakad apuntang make-up box niya kung saan nakalagay ang mga lipstick niya. “Anong kulay?”

Yun lang yun? Ni hindi man lang siya magtataka or magagalit dahil manghihiram ako ng lipstick?

“Yung Blaze lang po o kaya Geranium. Pwede ring both,” sabi ko. Kinuha naman ni tita Charlene ang hinihiram ko at iniabot sakin.

“Di man lang po ba kayo magtataka? Or magagalit dahil nanghihiram po ako nito sa inyo?” tanong ko habang naglalakad kami palabas ng salon niya./ siyempre uuwi na ako. Nakuha ko na pakay ko eh.

“At bakit naman ako magtataka or magagalit?” balik na tanong niya.

“Kasi po nanghihiram ako kahit lalaki ako?” balik ko naman.

Ngumiti si tita ng malapad. “Ano ka ba naman Chan-Chan baby, siyempre close tayo. At isa pa, I see the future… may chance. Take care baby, ingat pauwi.”

Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ni tita. Di ko siya maintindihan. PRAMIS! HINDI KO TALAGA NAINTINDIHAN ANG GUSTO NIYANG IPAHIWATIG. HINDI TALAGA!!! HINDI NGA KASI! 

Kinabukasan, isinakatuparan namin ni Charlie ang plano niya. Sayang at wala si Louie. Sobrang KJ nun eh. Ayaw tumulong sa kapatid ng bestfriend niya. Ang korni niya no? Palibhasa lumalablife. Edi siya na masaya. Pero, inassure naman niya kami na si kuya Mason ang iboboto niya.

Pero alam niyo ba kung ano? Nung uwian? Ay ayoko na palang ikuwento. Mas nakakasuka at mas nakakadiri kasi. Si Charlie kasi, ang harot harot. Yan tuloy. EW!

Maiba tayo. Dun muna tayo sa pagkakaroon ni kuya Mason ng crush kay Louie. Dahil nga sa kasunduan namin, minamatyagan ko ang kilos ni Louie. Siyempre kung ako ang papipiliin para sa bestfriend ko, mas gusto ko si kuya mason para sa kaniya. Parehas silang matalino kaya magkakaintindihan sila.

Pero diba? May ibang tinatangi si Louie? Si kuya Aidan ng college department? Edi love triangle yun. Ang gulo nila no? Pero siyempre maka-Mason ako. Though hindi naman vocal ang pagsupporta ko kasi nga, secret lang yun - kahit si Charlie di alam. Tsaka, may sarili akong pinoproblemang lovelife. Hihihi. Kaya tumutulong nalang ako as best as I can.

Simple lang naman ang ginagawa ko para kay kuya. Binabalita ko lang sa kaniya ang activities ni Louie. Daily basis yun ha! Tinetext ko siya kung may lakad. Pero siyempre, ang ikinukwento ko lang ay yung mga bagay na feel ko eh importanteng malaman ni kuya. Ayokong bigyan siya ng useless info like very minor things like food na kinakain ni Louie during lunch. Kasi diba? Parang ang petty masyado. So yun lang naman.

Dito naman tayo sa magandang part. Sa panliligaw ko kay Krystal.

Diba nga tutulungan ako ni kuya? Edi siyempre, sinusunod ko yung mga payo niya. Actually, na-eexcite ako eh. Feeling ko talaga ang laki-laki ng chance ko dahil tinulungan ako ni kuya Mason.

Kaya naman yung unang payo niya, sinunod ko agad.

Which is…

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon