Thirty-three

4.7K 89 7
                                    

Dahil ang may alam lang naman ng consequence ni Louie sa pustahan ay silang dalawa ni Charlie, nagulat talaga ako noong nalaman ko kung ano.

Lunch break noon nang sabihin ni Charlie kay Louie ang consequence. Actually, hindi naman ako kasali doon. Papunta kasi ako dapat ng Council. Eh na-curious ako sa consequence nila kaya nag-eavesdrop ako. At hayun nga! Ang consequence ay magtatapat si Louie kay Kuya Aidan na may gusto siya sa huli. Agad kong naisip si kuya Mason.

Paano na silang dalawa kung aaminin ni Louie kay kuya Aidan? Paano kung itetake advantage ni kuya Aidan yung nararamdaman ni Louie? Tapos magiging sila? Paano na si kuya Mason? Kaya ng narinig ko yun, agad kong tinawagan si kuya Mason. Habang tumatawag ako, tumatakbo na din ako para sundan si Louie. Potek. Bakit kasi ambilis niyang tumakbo. Ang hirap pag athletic ang mga bestfriends mo.

“Kuya! Si Charlie, yung pusta niya,” agad kong sabi pagkasagot ni kuya Mason. “Mag-‘I love you’ daw si Louie kay Aidan. Tumakbo na papuntang college de psi Louie, kuya! Dapat ko ba siyang pigilan?”

“Chan, please—”

Yun lang ang hint na kelangan ko. “Okay po kuya,” sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Nakakainis! Nag-uusap na sina Louie at yung gurang niyang crush. Pero, sabi ng intuition ko, hindi pa nakaka-amin si Louie. Hindi ko na din kaya ang pagod. Hapong-hapo na ako.

“Louieeeee!!!” tawag ko. Napasalampak na din ako ng upo. Di ko na kaya! Pagod na pagod na ako.

“O bakit? Hindi ko pa nasabi,” sabi naman niya sabay taas ng iPod. NO! hindi niya pwedeng sabihin!

“Ang ano ba yun?” tanong naman ni gurang. Di mo dapat malaman.

“Ah Aidan, magtatanong lang si Louie kung a-ano… kung ano… ang…” isip Chan-Chan. Isip! “Ano… Ang f-favorite flavor ng cake na gusto mo. Consequence kasi niya yun…”

Sana lang naniwala ka.

 

Si louie, halatang naguguluhan. Para din to sa kapakanan mo Louie. Para sa future niyo ni kuya Mason.

 

“Ahh. Yon ba? Blueberry Cheesecake,” sagot ni gurang bago ngumiti.

“Wow! Masarap nga yon!” sabat ni Louie.

Buti nalang sinakyan niya. pero nagningning ang mga mata niya eh. Hay! Malala na to.

“Oy Louie, malapit nang matapos ang break kaya tara na. Sige Aidan.” Hinila ko na si Louie palayo.

Saglit namang nagpaalam si Louie bago sumunod sakin. Agad ko ding tinext si kuya Mason upang sabihin ang good news na napigilan ko ang pagtatapat ni Louie. Kinulit pa nga ako ni Louie kung bakit ko daw ginawa yun.

Ang malala, pinagbintangan pa akong may gusto ako sa kaniya. Like duh! Ako? Magkakagusto kay Louie? As if! Edi para ko na ding sinabi na sawa na ako sa buhay ko? Like duh! Unang una sa lahat, may Krystal na ako – kahit na nagkakalabuan. Pangalawa, hindi ako manunulot. Totoong kuya na ang turing ko kay kuya Mason at wala akong balak sulutin yung napupusuan niya. you simply don’t do that. Ayokong masabihan ng ‘You don’t do that to me!’

Sapagkat likas na mabigat ang kamay ni Louie, ayun! Hinampas ako kaya ayun. Plakda. Ansakit kaya! Nagkapasa pa ako nun. Ang hirap pa namang alagaan ang sensitive skin ko.

Days after nun ay kinausap ako ni Diana.

“Basti, totoo ba?” tanong niya habangkumakain kami ng merienda sa SC office. Kakatapos lang kasi ng meeting namin.

“Ang alin?” balik ko.

“Na may gusto ka kay Louie?” Napabuga ako ng juice na iniinom ko sa narinig ko. Buti nalang hindi ako nakaharap sa table at sa sahig ko lang naibuga.

“Uhugh… uhugh! Ehem. Sa—ack. Saan naman nanggaling yan?” tanong ko dito. “S-sorry, naibuga ko tuloy.”

“P-pasensya na. N-narinig ko lang sa tabi-tabi. May kumakalat kasi na chismis. May nakarinig daw kay Louie kung may gusto ka sa kaniya. Tapos nagalit siya at hinampas ka,” kwento niya.

Napaluwa naman ang mga mata ko sa narinig ko.

“GRABE NAMAN YAN! Hindi. Wala. Wala akong gusto kay Louie no! Tsaka, may nangyari lang nun kaya ganoon. Pero wala yun!” depensa ko.

“Ahh, ganoon ba?”

“OO no! Over maka-chismis ha.”

Pag ito nakarating kay kuya Mason ano nalang ang sasabihin nun? Na tinatalo ko siya? At isa pa, may Krystal na ako no! Hala. Paano pag nakarating kay Krystal yun? Kainis naman. Hindi naman totoo yun eh. Hindi naman siguro ganoon kalala ang chismis upang makarating kay Krystal diba? Tsaka. Ako? Magkakagusto kay Louie? Like, EW!

Nagmatyag ako sa palipaligid ng mga sumunod na araw. Mukha namang hindi malala ang kalat ng chismis. Infact, ayon kay Diana ay nag die out na ito. Buti naman. Mukhang hindi rin ito nakaabot sa pandinig nina kuya Mason at Krystal. Buti nalang talaga. Grabe naman kasi yun.

Ay. Sabagay. Obviously hindi yun kakalat. May mas matinding nangyari eh. Kay Louie. Pero… ayoko munang ikwento. Saka nalang.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now