Seventeen

6.5K 118 24
                                    

Dahil sa epic fail yung unang attempt, humingi ulit ako ng tulong kina Charlie at Louie. Malay natin diba? They still have something up their sleeves.

“Cookies ulit! Daya mo di ko natikman yun eh!” suhestiyon ni Charlie.

“Ay nako Charlie. Pag pagkain talaga!” sabat naman ni Louie.

“Ano nga? Ano pa? Ano pa naisip niyo? Suggest naman kayo ng maganda,” pangungulit ko.

“Ano, bigyan mo ng teddy burr!” suhestiyon ulit ni Charlie.

“Pwede, pero mas maganda pag hindi material things,” sabat naman ni Louie.

“Ano naman kaya?” tanong ko.

Napatahimik kaming tatlo at nag-isip.

“Grabe talaga girl kanina sa jeep! The badjao kid is so kadiri. Inabutan ako ng filthy envelope with his filthy hands. And then nagtambol pa singing songs na I can’t understand! Like eew!” kuwento ng isang babae sa kaibigan niya nang mapadaan sa harap namin.

Ansama naman ng ugali ng babae. Ang arte-arte. Hindi ba niya alam na nakaka-degrade yung sinabi niya? Nakalimutan ba niya na isa ang badjao sa ancestral tribes dito sa Philippines? Baka nga doon pa siya nanggaling eh.

“I got it!” biglang sabi ni Louie.

“Ang alin?” sagot naman ni Charlie.

“Why don’t you sing a song to her? Diba? Hindi magastos tsaka mas may effort. I’m sure mapapatawad ka na nun,” sagot ni Louie.

“Ang galing mo bespren! Ang ganda ng naisip mo! Kakanta ka tas tutugtog ng gitara!” sabi naman ni Charlie.

“Eh? Hindi naman ako marunong kumanta eh! Lalong di ako marunong mag-gitara,” sagot ko.

“Edi tuturuan ka namin!” sagot naman ni Louie.

Mag-dadalawang linggo na akong tinuturuan nina Charlie at Louie. Buti nalang madali lang yung chords. G – E minor – C – D. At ang kantang napili ay… Hawak Kamay.

Pag busy sina Charlie at Louie, nag eensayo ako mag-isa sa park. Para naman hindi nakakahiya pag kinanta ko na sa harap ni Krystal diba?

G – Eminor – C – D.

Minsan madarama mo kay bigat ng problema~

Minsan nahihirapan ka at masasabing "di ko na kaya~"

“Marunong ka palang mag-gitara?” Napabalikwas ako nang may narinig akong boses. Napahinga ako nang maluwag nang makitang si Diana lang pala.

“Ah, ano. H-hindi naman. Ito nga lang ang inaaral ko. Di ko pa nga kabisado masyado. Medyo nahihirapan pa ako,” sagot ko naman.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now