Thirty

5K 101 22
                                    

Pasensya ka na Diana kay mama ha! Mukang hindi kita masasabayan pauwi. Nagmarathon na naman ata siya ng Koreanobela kagabi kaya ganun siya," paliwanag ko dito.

"Okay lang ako Basti. Huwag mo na akong alalahanin. Sige, sundan mo na yung mama mo. Mukang galit ata," sabi niya atsaka tipid na ngumiti.

Napabuntong-hininga naman ako. "Pasensya na talaga ha! Ge, mauna na ako."

"Huwag! Bata ka pa," sabi niya bago tumawa ng bahagya.

"Adik. Sige na! Ingat ka pauwi!" paalam ko dito bago tumalikod at naglakad paalis.

"Kaw din!" pahabol nito habang naglalakad ako palayo.

Tinungo ko ang parking lot mag-isa. Ok lang kasi marami namang ilaw at maliwanag. Hindi ko pa alam kung saan nakaparada ang sasakyan ni mama kaya naman inikot ko ang buong parking lot. Sa ikatlong palapag ng parking lot ko nahanap ang kotse namin. Hapong-hapo na ako at pawis na pawis. Parusa to!

Malayo palang ay nakita ko na ang figure ni mama na nakasandal sa pinto ng kotse niya. Ano na naman kayang kadramahan ang naisip ni mama? Nakahalukip-kip pasiya at nakatingin sa akin.

Actually, medyo kinakabahan na ako kasi nakakunot ang noo ni mama at halatang galit. Hayy ano na naman bang kasalanan ko? Hindi ko namannpinagtataksilan si Krystal my Destiny ah! Hihihi. Ansarap talaga pakinggan amg phrase na Krystal my Destiny.

"Sebastian Flores," tiimbagang sabi ni mama.

"PO!"

Nanlamig ako bigla. Daig pa kasi ni mama ang principal pag nagalit. Baka mamaya bawasan nia ang supply ko ng lotion, facial wash, at facial scrub. Huwag naman sana.

"Bilisan mo at pumasok ka na sa kotse," sabi niya bago binuksan ang pinto sa driver seat at saka pumasok.

Dali-dali ko namang binuksan ang pinto ng passenger seat atsaka umupo. Doon ako pimwesto sa likod niya para hindi niya ako mahagip mula sa rearview mirror. Tahimik kaming dalawa buong biyahe. Pagdating sa bahay, agad akong bumaba sa kotse at tumakbo sa kwarto ko.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ko sa kwarto, nagring ang cellphone ko. Si mama. Sinagot ko ang tawag niya.

"Bumaba ka sa sala Sebastian, ngayon din!"

Saglit muna akong nagdasal for my safety bago ako lumabas ng kwarto at bumaba. Sinundan ako ng tingin ni mama nang makapasok ako sa area of visibility niya hangang sa nasa harap na niya ako. Isang nakakabulabog na katahimikan muna ang nanaig bago siya nagsalita.

"Explain."

Such simple single word but have a HUGE impact. Papa ko! Save me!

"A-ano ma. C-Classmate ko l-lang po yun."

A Man's LifeWhere stories live. Discover now