Twenty-nine

5K 93 7
                                    

Wala sa plano ko na itago sa pamilya ko ang namamagitan sa aming dalawa ni Krystal. Pero parang yun na din ang nangyari. Tsaka, ano nga ba ang namamagitan sa aming dalawa ni Krystal? Let us say na we're exclusively dating. Puro naman kami date eh. Di pa rin niya ako sinasagot kahit ilang buwan na akong nanliligaw. Dumaan na ang Cristmas at bagong taon. Ayoko naman siyang pilitin kasi baka mamaya umurong bigla. Dapat ma-realize na niyang destiny kami sa isa't isa.

It was around March nang mahuli ako ni tita Charlene. Although sabi ko nga, hindi ko naman talaga tinatago. It's just that, hindi ko nasabi sa kanila yung pagdedate namin. At bago tayo mawala sa ikinukwento ko, eto na.

Gaya ng nakagawian namin ni Krystal tuwing nagdedate, dumaan muna kami ng DQ bago pumunta ng Comic Alley. Pipila na sana ako upang umorder ng Mudpie Blizzard...

"Chan-Chan baby?"

"Aaaahh!" Napasigaw ako sa gulat. "T-tita? A-ano pong ginagawa niyo dito?"

"Ang sakit naman sa tenga ng tili mo Chan-Chan baby! Tsaka kita mo namang may hawak akong ice cream diba? Malamang bumili ako. Alangan namang nagtinda ako dito diba? Observe observe din pag may time!" litanya ni tita.

Daming sinabi. Pwede namang sabihing bumili siya ng ice cream. Ano kaya yun. Ay teka. HALA!

"Ikaw naman ang tatanungin ko. Bakit ka nandito? Oh wait. Alam kong bibili ng ice cream pero. Napayagan kang gumala sa mall on a Saturday?"

"Teka lang tita pila muna ako pwede? Nakakahiya naman po sa ma nasa likuran ko," sabi ko bago umayos ng pila.

Sinundan naman ako ni tita at tumabi sakin. Buti nalang at nasa labas si Krystal. Pero... paano yun pag umorder na ako? Edi malalaman niya na may kasama ako. Homaygad!

"Sino kasama mo? Hindi ko nakikita ang dalawa pang miyembro ng Tres Marias ah! Nasa labas ba sila?" luminga-linga siya sa labas.

"WALA PO SILA!" sambit ko. Baka kasi makita pa niya si Krystal.

"Eh sinong..."

"TITA! Huwag mo na akong alalahanin! May pupuntahan ka pa eh. May gagawin ka pa alam ko. Mas importante po kaya iwan mo na po ko dito," asik ko sa kaniya.

"Okay! Sabi mo eh. Bye Chan-Chan baby!" sabi ni tita. Bineso-beso niya ako bago siya umalis.

Teka... sinabi ba ni tita na Tres Marias? Grrrr! Pero buti nalang at umalis na siya. Tamang-tama at ako na ang kasunod. After kong makuha ang order namin ni Krystal, tinungo ko na ang kinaroroonan niya. Luminga-linga pa ako. Baka kasi nasa paligid pa si tita. I have to make sure the coast is clear.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Krystal nang mapansing linga pa rin ako ng linga.

"A-ah, wala! Akala ko kasi... nakita ko si..."

"Si?"

"SI CHARLIE! Oo, tama. Akala ko nakita ko siya," palusot ko.

"Andito si Charlie? Asan?" Luminga-linga din siya.

"WALA! Hindi siya yun. Nagkamali lang ako. Tara na!," sabi ko sabay hila sa kaniya palayo.

"S-sigurado ka?" nagdududang tanong niya.

"Oo, nagkamali lang ako. Hehe."

Hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko. Mukha kasing hindi. Pero, hayaan na! Ayokong masira date namin. Pero hindi ko din magets kung bakit ko ginawa iyon. Kung bakit hindi ko sinabi kay Krystal na nakita ko si tita, at kung bakit hindi ko sinabi kay tita ang totoo. Bahala na nga. Everything will be okay naman siguro eventually.

Binilhan ko si Krystal ng Reborn plushie. Ahaha. Ang cute cute kaya. Tsaka tuwang-tuwa naman si Krystal. Binilhan naman ako ni Krystal ng mimiature Ulquiorra. And CUTE! Since ang Comic Alley ang last stop sa WHOLE DAY DATE! As in WHOLE DAY DATE namin ni Krystal, hinatid ko na siya sa sakayan pagkatapos.

Bumalik ako sa loob ng mall matapos kong maihatid si Krystal. Nauhaw ako eh. Gusto kong mag buko juice. Malapit na ako sa Buko Juice kiosk nang may mapansin akong pamilyar.

"Yana!" Tawag ko.

Di nga ako nagkamali. Si Diana nga. Kumaway naman siya sakin paglingon niya at agad na lumapit.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" balik niya.

"Wala lang. Ikaw ba, anong ginagawa mo rito?"

"Wala lang din. Nakakatuwa naman at nagkita tayo! Hahaha!" aniya.

"Oo nga eh. Teka pauwi ka na?" tanong ko dito.

"Oo eh, ikaw ba?" balik niya.

"Pauwi na din. Pero bibili muna ako buko juice. Sabay na tayo umuwi ha! Gusto mo?"

"Ng alin? Ng buko juice o ng sabay umuwi?"

"Both!" sagot ko atsaka ngumiti.

"Oo naman! Ahaha. Libre mo ah!"

"Ang alin? Ang buko juice o ng pamasahe pauwi?"

"Both!" sagot niya bago kami nagtawanan.

Aside kina Charlie at Louie, itong si Yana ang masasabi kong ka-close ko na babae.

Matapos kong makabili ng buko juice, ay sabay na kaming naglakad papuntang sakayan. Malapit na kami actually sa exit ng mall.

"So it's true. Tama nga ang sinabi ni Charlene. May kasama kang babae. Sebastian, aantayin kita sa kotse. Mag-tutuos tayo sa bahay!" sabi ni mama bago siya tumalikod at umalis.

Potek!

A Man's LifeWhere stories live. Discover now