Twenty-seven

5.4K 92 17
                                    

Speechless.

Duh! Nakakashock kaya. Kasi diba? Hello!

Magdamag akong gising. Hindi dahil sa sobra akong masaya sa date namin ni Krystal, kundi dahil sa sinabi ni mama. It's funny how in one moment sobrang saya ko then in an instant... BOOM! Everything falls out in pieces.

Kahit kelan hindi ko naisip na sasabihin ni mama ang bagay na yun. Ganoon ba talaga niya kagusto magkaroon ng anak na babae to the point na hihilingin niyang maging binabae ako? Huwag naman ganoon. Sayang ang genes. Di ba niya alam ang quote na "Be careful with what you wish for 'cause you just might get it?"

Pero HOY! Di ko sinasabing mangyayari yun ah! The idea is too absurd! Takot ko lang kay papa no! Tsaka, walang dahilan para i-give up ang pagiging lalaki ko. Lalo na't improving ang relationship namin ni Krystal. Kahit medyo platonic. Atleast we are getting there. May pag-usad.

Buong lingo akong binagabag ng sinabing iyon ni mama. Hindi ko na rin iyon kinuwento kina Charlie at Louie. Oo bestfriends ko sila, pero may mga bagay din talaga na mas maiging sarilinin. Actually medyo nahalata ata nilang may iniisip ako. Pero dahil lagi ko namang pinoproblema ay yung future namin ni Krystal, malamang inassume nilang yun.

Hay, ang hirap lang kasi talaga.

“Anak, may problema ba?” tanong ni papa habang nanunuod ako ng Bleach: Memories of Nobody.

“Wala naman po pa, bakit?” balik ko.

Lalong ayaw ko din sabihin kay papa yun. Baka mamaya mag-away pa sila ni mama. Babalik na nga lang ulit si papa sa Singapore tapos mag-aaway pa sila? Ayoko naman nun.

“Anak, sabihin mo na ang problema mo. Huwag ka nang mahiya,” pilit niya.

“Wala nga po pa. Okay lang ako.”

“Sebastian, sampung minuto na ang nakakalipas buhat nang natapos yang pinapanuod mo pero nakatulala ka pa rin diyan sa screen. Tapos pansin ko, nitong mga nagdaang araw ang tamlay mo. Tapatin mo nga ako. Babae ba?”

Huminga ako ng malalim bago pinatay ang TV at component.

“Hindi po pa. Pagod lang po siguro ako sa mga activities sa school. Sige pa, punta muna akong kwarto. Papahinga po muna ako. Mamaya nalang po ako bababa pag maghahaapunan na.” Tumayo ako pagkasabi at pumanhik sa kwarto ko.

Dumeretso akong humiga sa kama pagpasok ko ng kwarto. Tiningnan ko si Chu na nagmamasid sa akin mula sa kinatatayuan niya. Pinaypay ko siya para lumapit. Nakakainis. Ang tamad. Hindi man lang siya gumalaw. Pero on the thought of it, baka pag gumalaw nga si Chu, malamang kakaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Hindi dahil sa baka sinapian siya ng multo kundi dahil... baka may masamang tao sa loob niya na nagtago! Oo. Yun nga. Diba?

Kaya naman kinuha ko nalang sina Klang-Klang at Kleng-Kleng na nasa tabi ko lang. Niyakap ko sila ng mahigpit. Pumikit ako at huminga ng malalim. Maya-maya pa, narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko bago ito bumukas at nakita kong sumilip si tita Charlene.

A Man's LifeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum