Fourteen

12.1K 134 19
                                    

"Chan-Chan ano ba? Kanina ka pa palakad lakad diyan nahihilo na ako ha!" bulyaw ni Louie.

"Oo nga. Mag pishbol ka nalang," sang-ayon ni Charlie bago isinubo ang limang piraso ng fishball.

Ano ba kamo ang nangyari? Ganito kasi yun. After naming makauwi galing Timezone, sinubukan kong tawagan si Krystal. Yung totoong number niya. Pero hindi na niya sinasagot. Ang malala, pinapatay agad niya sa tuwing tumatawag ako.

Malakas ang kutob kong kakilala niya yung tumawag sa akin kahapon. Malamang alam na din ni Krystal ang totoo. Galit yun sakin malamang. Aaminin ko naman kasi talaga eh. Nag-aantay lang naman ako ng timing.

Kaya naman paparoot-parito ako sa harap nina Louie at Charlie.

"Ara-araaay!" Pinatid kasi ako ni Louie. "Ano ba Louie? Ansakit ha!"

"Ayaw kasing pumirme," sagot naman niya.

"Tsk." Nagsimula ulit ako maglakad.

Inakbayan naman ako ni Charlie. "Aerm mo kashe beshpren, hinji naman makakachulong yang nigawa mo eh," sabi niya habang ngumunguya ng fishball. Tiningnan naman namin siya ng masama ni Louie na sinuklian lamang niya ng isang peace sign habang nakangiti. Napairap nalang si Louie.

"Hay naku Charlie! Kung sana lahat ng problema nadadaan sa pagkain," sabi ko.

"Oo naman! Kaya yan. Akong bahala." Tumusok ulit siya ng fishball, isinawsaw sa maanghang na sauce saka inabot sakin.

Akong bahala…

Akong bahala…

Akong bahala…

"Tama! Ang galing mo Charlie. Thank you! Yes!" Napatalon pa ako. Oo nga no? Ba't di ko naisip agad yun?

"Eh? Ako magaling? Oo naman! Pero bakit? Anong ginawa ko? Louie alam mo?"

"Ewan ko diyan kay Chang! Baka dahil nilibre mo siya ng fishball?" sagot naman ni Louie.

"Ha? Oy oy oy! Hindi libre yang pishbol! Nitusok ko lang para sayo!" sabi naman ni Charlie na nanlalaki pa ang mga mata.

"Hindi yun Charlie! Pag sucsessful, ikaw pa mismo ang ililibre ko!" sabi ko naman.

"Sige sige. Gusto ko yan! Sabi mo yan ha! Wala nang bawian. Teka, ano ba yun? Anbang gagawin?" Kita mo to. Nauna pang pumayag bago nalaman kung ano ang gagawin. Nakarinig lang ng libre. Nagniningning pa ang mga mata.

Ikinuwento ko naman sa kanila ang naisip ko. Naisip ko kasi na since sina Charlie ang may pakana ng pag papanggap ko, tutulungan nila akong magpaliwanag kay Krystal. Si Louie naman naghugas kamay pero susuportahan parin naman daw niya ang gagawin. Tss. Si Charlie naman excited. Hula ko sa pagkain. De joke lang, baka excited dahil magkaka-ayos kami ni Krystal. Sus! Sinong niloko ko. Charlie is Charlie.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now