Thirty-nine

4.6K 95 19
                                    

Have you ever felt that awkward moment? That creepy awkward moment when someone is looking at you? I mean a stranger looking at you eyefully? Brrr. Gives me the chills.

It was around October.

Siguro naman alam niyong parehas kaming matalino ng bestfriend kong si Louie. Pero unlike Louie, hindi ako pinapanlaban sa Math and Science Quiz Bees. Ewan ko nga eh. Sabagay, mas mabilis naman kasing mag-compute si Louie kesa sakin. Tsaka, may lag time ako pag nag-iisip. Lalo na pag analytical problems.  Pag sa math at science, iniisip ko muna lahat ng mathematical formulas na alam ko bago ko tini-trim down sa kung ano ang pwedeng magamit sa solution. Tapos ang pinakamadali at pinaka-suitable ang ia-apply ko. Pag analytical problems naman, iniisip ko muna lahat ng possible outcomes tapos uumpisahan kong mag-deduct. Ang mga matitirang outcome eh pagninilay-nilayan ko pa ang cons at pros bago ako magde-decide sa kung ano talaga ang pinaka-pwedeng solution.

Ang isa sa pinakamatagal kong pinag-isipan na umabot siguro sa 30 minutes ang lag time ko ay Euthanasia. It is a situational problem kung saan magdedecide ka kung ano ang gagawin mo. Euthanasia per se is what people call mercy killing. Parang ganito:

 

Your loved one is currently in a comatose situation for a month now. Only the medical equipment is sustaining her life. You have no money left because all of it were spent during her hospital days in order for her to survive. But then again, to no avail. She did survive but still unconscious. So the doctor will let you choose if you will continue the medical equipment to keep her alive or you take it away from her.

Oh diba? Ang hirap? At ngayon, nakadepende na yan sa kung paano mo ija-justify ang sagot mo. Iniisip ko nga minsan, diba parang pang law yung tanong? Pero kung magaling ka naman mag-isip ng back-up sa sagot mo at the end justifies the mean eh ok naman.

Teka nawala na ako sa topic. Saan na nga ba tayo? Yun. October. Ako ang ipinadala sa isang socio-political seminar. Tutal, doon naman daw ako nag-e-excel. And besides, ako nga kasi yung president. So paano ako makakahindi diba? Duh!

Sa UP Diliman ang venue ng Seminar. Ang gara. Andaming kalahok. Halos lahat ng High School sa NCR nandoon. Oh well. Isang araw lang naman yun eh. Sa umaga is yung seminar proper tapos sa hapon eh essay writing.

Maganda ang seminar. Isa itong eye-opener sa lahat. Nai-tackle ang youth situation. Yung bilang ng mga kabataan na nag-aaral. Nakakalungkot isipin na sa daang daang bata na pumapasok sa elementary, hindi lahat nakakapagtapos. At ang natitirang iyon na pumasok sa high school, tapos nababawasan pa. At iilan nalang talaga ang nakakatuntong sa college at hindi rin lahat ng tumuntong sa college ay nagtatapos. Ayon sa kanila, sa 100 na tumuntong sa grade 1 sa elementarya, 66 lang ang nakaka-tuntong sa grade 6. 58 sa mga ito ang nakakatuntong sa 1st year high school na kung saan 43 lamang ang umaabot sa 4th year. 23 sa mga ito ang makakapasok sa kolehiyo at 14 lamang ang nakakapagtapos o nagkakaroon ng degree.

Tapos nagkaroon din ng diskurso sa lagay ng education sa Pilipinas. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula; budget cut sa edukasyon; ang mga nagsisiksikang mag-aaral sa mga eskwelahan; mga nagkukulang na guro, aklat, upuan, classrooms; mga kakulangan sa pasilidad ng mga paaralan. Ayon pa sa kanila, 22% ng eskwelahan sa buong bansa ay walang Science laboratories; 20% ng klasrum ang walang maayos na bentilasyon; 27% ang walang sapat na ilaw; 55% ang walang kuryente; 25% ang walang kisame; 80% ang walang tubig; at, 60% ang walang CR. Nakakabagabag at nakakahabag talaga kung tutuusin at kung iisipin. Yung minsan mapapa-iling ka nalang.

At meron pa! Pati ang pamumuno ng gobyerno tinalakay din! Kaka-overwhelm.

Sa kabuuan, sulit naman at masaya ang seminar. Liban nalang sa sobrang creepy na nangyayari habang nasa seminar ako. Ramdam ko kasi pag tinitingnan ako. Ewan ko. May pagka-sensitive ako eh. At di nga ako nagkamali. Mayroon isang lalaking nakatingin sa akin. Delegado rin sa seminar. Ewan ko ba. Ang creepy niya. Hindi naman siya mukhang bading. Pero kung makatingin kala mo.

Naalala ko nanaman tuloy ang isang usapan sa salon ni tita. Na yung ibang bading daw ngayon mga maton na din kumilos. Mas mahirap na daw silang ma-distinguish. Kaya naman kinikilabutan ako. Kahit na noong essay writing. Nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Uuuggghh!

Pilit ko nalang itinuon ang atensiyon ko sa essay na ginagawa ko. Ang topic pa naman namin eh “Ikaw at ang Gobyerno.” Grabe hardcore ito! Kailangan talaga ng lakas ng loob upang maihayag ang saloobin. Naisip ko nga din eh. Diba kadalasan sa gumagawa ng mga ganito eh miyembro ng publikasyon? Pero kung dadalumatin natin, ang Council ang namamahala sa mga estudyante. Ang publikasyon ay boses. Maaring ang publikasyon ang magsasatinig ng hinaing ngunit ang sulosyon ay manggagaling sa amin bilang administrasyon. Kung maayos ang pamamalakad ng isang administrasyon malamang eh walang hinaing na idudulog ang mga studyante diba? Say niyo?

Pero carry naman. Nairaos din ang seminar. At wag kayo! Siyempre ang essay ko ang pinarangalan. Nakuha ko ang unang gantimpala para sa pagsulat ng sanaysay. Nakakatulong din talaga minsan ang pagiging observant ko. Maliban na lang dun sa lalaking tingin ng tingin sa akin na nung marinig ang pangalan ko ng tawagin ay tila nagningning ang mga mata niya.

Bothered pa rin nga ako kahit nung pauwi kami eh. Napasandal na nga lang ako sa bintana ng kotse pauwi. Creepy kasi talaga. Lalo na nung tinawag ang pangalan ko. Parang siyang-siya siya. Nagniningning ang mga mata niya. Naalala ko tuloy.

Potek huwag naman sana.

Di kaya…

Shit.

Shit.

SHIT!

========================================================================================================================

A/N:

HEEEEP!!... wag kayong masyadong ma-overwhelm sa nabasa niyo sa seminar nina Chang...

actually... those data came from a seminar na na-attendan ko po... mehehe... those were of statistical data as of May 2012... bale po last year... sana lang eh hindi na yun ganoon ngayon... pero who knows diba?... sana kahit papaano natugunan... mehehe...

malalaman niyo din po in time kung bakit ikinuwento ni Chang yan... mehehe...

A Man's LifeWhere stories live. Discover now