Nineteen

6K 109 26
                                    

A/N:

bago niyo basahin... eto muna...

Some scenes may not be suitable for very young readers... Strict Parental Guidance is advised... Ito ay maaring may Tema, Karahasan, Lengwahe, Sekswal, Droga o Horror...

Yun lang... ^_^ pero seryoso yaan...

========================================================================================================================

Kasagsagan ng pangangampanya namin ni Charlie noon para sa kandidatura sa pagiging bise-presidente ni kuya Mason sa Student Government. Ako ang laging katuwang ni Charlie sa pamimigay ng flyers at paglalagay ng posters at pag ru-room to room. Ambilis lang maubos ng mga flyers namin. Pati yung posters, tinatanggal ng ibang mga babaeng student tapos nilalagay sa bag.

One time, nag-overnight ulit ako kina Charlie dahil sa ginabi na ako kakagawa ng flyers. Doon ako nakaisip ng magandang ideya. Diba nga nanliligaw na ako kay Krystal? Kanino pa ba ako manghihingi ng tulong kundi sa mga experts. Dahil lagi namang pinag-aagawan ng mga babae ang mga kuya ni Charlie kaya naman naisip ko na humingi ng tulong sa kanila.

Ang una kong nilapitan ay si kuya Mason. Idol ko yun eh. Tsaka si kuya Mason kasi, andami paring nagkukumahog sa kaniya kahit na tahimik lang siya. Malay mo may secret weapon siya diba?

“Kuya Mason, paano po na manligaw?” tanong ko kay kuya Mason. Eto namang bespren ko, tinawanan lang ako.

“Tanungin mo diyan sa bestpren mong magaling,” tugon ni kuya na nakaharap padin sa computer.

“Ayoko na kuya! Ilang beses na akong napahamak dahil sa mga walang kwenta nilang suggestions ni Louie,” sabi ko. Grabe kaya. Lahat ng payo nina Louie at Charlie sakin di gumana.

“Ganito kasi yan,” biglang singit ni kuya Chuck na nakikinig pala samin. “Pakipot karamihan ng mga girls. Basta suyuin mo lang, bibigay din ‘yon.”

“Hindi kaya,” sabat naman ni kuya Mac. “Ang trip ng mga girls ngayon, ‘yung maginoo pero medyo bastos, hahahaha.” Di ko magets bakit tumawa silang dalawa ni kuya Chuck. Seryoso ba sila o nag-jojoke?

“Maginoo pero medyo bastos? Ano yun, kuya Mac?” tanong ko dito. Mabuti nang makasiguro. Para kung sakali, alam ko diba? Malay niyo gumana kay Krystal.

“Isang halimbawa ano, pick-up lines. Marunong ka ba nun?” tanong ni kuya Mac.

“Pick-up lines? Diba parang ang corny nun kuya?” balik ko.

“Ano ka ba Chan, uso yun ngayon. Mas gusto ng mga babaeng dinadaan sila sa pick-up lines,” segunda naman ni kuya Chuck. “Makinig ka kay kuya Mac mo. Hehehe.”

“Sige, tuturuan ka namin ng mga pick-up lines. Eto, ehem ehem.  Tatanungin mo siya, ‘Miss, kotse ka ba?’”

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon