Twenty-four

5.3K 101 9
                                    

4AM palang, gising na ako. Kahit na 10:30AM pa yung date namin. Siyempre, kelangan ko pang mag-prepare. Kelangan walang aberya. Siniguro kong handa ang mga dadalhin at gagamitin ko. Inihanda ko na yung wallet ko, bag, yung gift ko kay Krystal, yung pampaligo, pati na rin vanity kit ko.

Past 7AM na nung tinext ko si Krystal. Malay natin baka gising na siya. Tapos na din akong maligo nun at kasalukuyang namimili ng damit na susuotin.

Me:

Everyday is a blessing. Start your day right. Smile. :))

GOOD MORNING!

Giddy pa rin ako kahit na nasend ko na yung text. Hihi. Nakikita ko nang nakasmile si Krystal habang binabasa niya iyon. Hihi. After kong masend iyon, bumalik na ako sa pag-aayos ko. Dapat poging-pogi ako mamaya sa date namin. Dapat ako lang ang lalaking titingnan niya. Hihi.

Tapos na akong mag-ayos at ready to go na ako ng makarecieve ng text. Napatalon ako at napapadyakpadya sa tuwa nang mabasa kong si Krystal ang nagtext.

Destiny <3:

Morning! :D Aga mo namang nagising. Excited? Hehe.

Nag-good morning siya! Nag-good morning siya! EEEEIIII!!!

Me:

Hehe. Oo naman.  Makikita kasi kita ulit. :))

Hindi na siya nagreply pa. Baka nag-aayos na din. 7:57 na kasi. Sa pagkaka-alam ko matagal mag-ayos ang mga babae. Pwede ring kagigising lang niya. Di bale, text ko nalang ulit siya.

Me:

See yah later! :))

Kahit di siya nagreply, alam kong excited din siya. Bumaba na din agad ako ng kwarto pagkatext ko nun. Ayokong malate sa date namin no! tsaka, ang pangit pag pinaghihintay mo ang isang tao. Hindi magandang ugali yun.

“Saan ka pupunta baby?” tanong ni mama pagkaupo ko sa harap ng hapag-kainan.

“Diyan lang ma. May gagawin lang,” sagot ko.

Nagsimula na rin akong kumain ng almusal. Dapat, may lakas ako mamaya sa date namin at hindi ako lalampa-lampa.

“Sa araw ng Sabado? Baby, ang totoo,” pangungulit niya.

“Ma, studyante ako. Madami kaming activities pag Sabado.” Paliwanag ko. Medyo totoo yun. Marami talagang activities pag sabado. Hindi nga lang ngayong sabado. Kasi iba yung activity ko. AYIEE!

“Gaya ng?” usig pa niya.

“Basta madami!” sagot ko bago isinubo ang huling kutsara ng kanin at hotdog.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now