Thirty-two

4.9K 87 3
                                    

Dahil sa pag-uudyok ni Diana, nagkaroon ako ng lakas ng loob upang i-approach si kuya Mason at kausapin. Ipagtatapat ko na sa kaniya ang kagustuhan ko na tumakbo sa Student Election at sumali sa partido niya. Hindi naman ako nabigo dahil um-oo naman si kuya Mason at ikinagagalak daw niyang makasama ako sa partido niya. Nilubos lubos ko na at humiling na kung pwede ako yung tumakbo bilang Vice President niya. labis namn akong natuwa nang pumayag siya. Nahatak ko din na tumakbo si Diana bilang Senator.

Gaya ng inaasahan, natuwa din sina Charlie at Louie sa pagtakbo ko. Pero yun nga lang, dahil likas na di mahilig si Louie mag-entertain ng tao, kaming dalawa ni Charlie ang naging punong abala sa pangangampanya. Bale si Charlie ang naging instant campaign manager ng partido namin. Sa Meeting de Avance namin ipinaalas ni kuya Mason ang galing namin sa pakikipag-debate. Doon napatunayan ng mga studyante, pati na rin ng mga guro na quiet persons mostly possess more wisdom than loudmouths. Kaya naman, pagdating ng election, we nailed it! Landslide ang partylist namin.

Dahil sa naging Vice President na ako ng campus namin, medyo dumami ang workload ko. Lalo pa’t kami ang mag-oorganize para sa induction naming mga new set of officers. At dahil third year na nga kami, mas lalo pang nagiging mahirap ang subjects namin. Minsan kelangan ko pang tumambay sa library pag Saturday.

“Good evening!” bati ko kay Krystal after niyang sagutin ang telepono.

“Good evening din!” sagot niya.

“Kamusta araw mo?”

“Eto, busy. Daming assignments. Tapos lagi pang may surprise quizzes.”

“Ganoon ba? Ok lang yan. Alam ko namang kaya mo yan.”

“Thanks. Hay, kahit papaano nagagawan ko naman ng paraan.”

“Nga pala, gusto sana kitang yayain sa Saturday. Medyo matagal na din yung huling labas natin eh,” paanyaya ko.

“Ha? Naku pasensya ka na Chan. Maggugroup study kami kina Rose sa Saturday eh. Sorry!”

“Ganun ba? Sayang naman. Sige ok lang.”

“Uhmm, pwede naman next week eh.”

“Next week? Tsk. May Seminar kami next week eh. Ako naman ang hindi pwede.”

“Ganoon ba? Sayang naman.”

“Oo nga. Di bale, makakahanap naman siguro tayo ng tiyempo.”

“Tama. Siguro nga.”

“Sige Krys, baka mapuyat ka pa. Good night!”

“Good night din Chan!”

“Bye.”

“Bye.”

Kahit na nag-bye na siya, hindi pa rin niya binababa ang tawag. Ako man.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now