Forty-eight

3.3K 102 50
                                    

A few weeks left at Graduation na namin! Woohoo! Excited much na talaga ako. At the same time ay malungkot din. Ang dami dami kong mamimiss dito sa High School. So much memories. Haayy, nakakaiyak just thinking about it.

If you are thinking na hayahay ang nalalabing panahon ko sa High School, pwes it is all a big lie! In-assign kasi akong head ng graduating batch. Naisip ko nga eh, bakit hindi nalang si Louie? Tutal siya naman ang class Valedictorian. Pero ang sabi kasi ng teacher in charge, since na ako ang president ng council at Salutatorian, ako nalang daw. Kinalaman naman ng pagiging Salutatorian ko? Bakit di nalang akuin ng teacher-in-charge diba? Kasi nga teacher-in-charge siya. Pero ano naman ang magagawa ko? Hayy hayaan na nga lang. Ibinigay na sakin eh kaya pagbubutihin ko nalang. Susubukan ko nalang namnamin at tanggapin ang appreciation mula sa mga guro, ang walang kamatayang self-imposed na "self-satisfaction" kahit wala naman talaga, at ang forever pampalubag loob na bragging rights.

Ako na umasikaso ng schedule ng pictorial at ng pagsukat ng toga, ang naghanap ng gagawa ng yearbook, pati sound system! Buti nalang at hindi kasama ang collection of fees. Kung pati iyon binigay, ay nako mapapa-table flip na talaga ako. Pero siyempre sa isip lang. Baka hindi nila ako pa-graduate-in pag ginawa ko iyon. Kawawa naman parents ko. Matapos nilang igapang ang pag-aaral ko sa High School hindi ako makaka-graduate ng ganoon ganoon nalang? No way!

Asan na nga ba kinukwento ko? Ayun.

More on student concerns lang talaga ako. Hindi na ako namroblema sa paghahanap ng magpaparent ng toga. Pero pagdating sa pictorial, grabe! Sinaid energy ko. Letters, permits, publisher ng yearbook, lahat ng iyon, ako gumawa. Buti nalang andyan si Diana. Siya kasi ang pinapapirma ko ng mga letters. Nagtalaga din ako ng mga representatives per class para kumuha ng profiles ng mga students.

Kay tita Charlene na ako nagpatulong maghanap ng photohouse. Marami kasing alam si tita. Siyempre image stylist. Dahil si tita ang naghanap, libre ako sa yearbook at sa pictorial. Kung sakaling hindi, ipupush ko talagang libre ako. Sina tita na din ang make-up artist para sa pictorial. Tested and proven naman na magagaling ang mga personel ni tita eh.

Pero actually, nagpapasalamat na din ako at ibinigay sakin ang task. Dahil doon, mas naging busy ako. Hindi ko na naiisip si Krystal. Minsan nalang. Minsan nalang talaga. Mga bandang gabi bago ako matulog, or nasa byahe pag-uwi. Hindi na palagi. Minsan nalang.

In short, naka move on na ako. Promise!

"Hay nako, ang cute talaga!"

"Oo nga mars! Bet na bet!"

Dinig kong usapan ng mga make-up artist ni tita habang inaayusan ako. Ngayon kasi ang araw ng pictorial ng section namin. Ofcourse, ang awkward ng feeling ko. Kahit na di ko maintindihan ang ibang pinagsasabi ng nag-aayos sakin sa kadahilanang gay lingyo ang namumutawi sa kanilang mga labi, alam kong ako ang pinaguusapan nila. May mga terms kasi sila na naiintindihan ko naman. Siyempre, lagi ako sa Salon ni tita eh.

"Oh Candy, Apple, bawal i-harass ayng pamangkin ko. Off limits yan," sabi ni tita habang papalapit sakin mula sa likuran.

Lumingon naman ang dalawa sa kaniya.

"Ay atche! Behave kami ah! Wiz namin inaanez ang pamangkin mo," sabi ni Apple.

A Man's LifeWhere stories live. Discover now