Thirty-six

4.8K 94 19
                                    

Magsisimula na ang program nang makarating kami sa venue ng prom. Nagmadali akong pumasok kasi isa nga ako sa organizers diba? Malamang kailangan ng tulong ko. Kahiya naman sa kanila. VP pa naman ako. Tinext ko din si kuya Mason na dumating na kami.

Pagpasok ko, agad bumungad sakin si Diana. Simple lang ang suot niya pero pinalitaw nito ang kaniyang ganda. She’s wearing a green dress na above the knee lang. Tapos may design na black laces from the shoulders na sinusundan ang V cut sa harap at naka-envelope sa waist. Bagay sa kaniya ang suot niya.

“Nuks naman. Bagay sayo ang suot mo. Ang ganda mo tingnan,” bungad ko sa kaniya.

Napayuko naman siya sa sinabi ko.

“Kamusta na pala dito?” tanong ko.

“Ok naman. Naayos na namin kanina,” sagot naman niya.

“Pasensya at di ako nakapunta kanina ha! Si mama kasi. Tsaka nagsabi na ako kay kuya Mason,” paliwanag ko.

“Ano ka ba, ok lang yun! Madami namang nagvolunteer dito kanina eh.”

“Volunteer? O vo-landi?” sabi ko at sinundan ng tawa.

“Hahaha. Tingin ko vo-landi! Hahaha!”

“Tara na nga,” aya ko. “Baka mamaya may makarinig pa satin dito. Makuyog pa tayo.”

Tamang-tama ang pag-alis namin ni Diana sa bandang gitna nang pinatay ang ilaw para sa sayaw. Napansin ko si Diana na nakayuko parang may gustong sabihin. Inangat niya ang ulo niya at akmang magsasalita nang hilahin siya ni Geno.

“Basti! Hiramin ko muna si Diana ha. Kelangan kasi siya dun sa backstage,” paalam ni Geno.

“Sige lang. See you later nalang Yana. Mag-iikot ikot muna ako dito. Punta muna ako ng registration boot para ma-check yung list ng pumunta,” paalam ko sabay talikod.

Matapos kong i-check ang registration booth, bumalik ako sa loob upang mag supervise.  Nakasalubong ko din si kuya Mason at hinanap sakin si Charlie. Sinabi ko naman kay kuya na hindi ko alam kasi nagkahiwa-hiwalay nga kaming tatlo nina Louie. Pero, saan na nga kaya si Charlie? Baka mamaya napano na yun.

Nagpatuloy lang ako sa pag ikot-ikot sa venue. May mangilan-ngilang nag-aaya sakin na sumayaw pero tinanggihan ko. Sinasabi ko nalang na hindi ko sila mapagbibigyan kasi nga, kailangan kong siguruhing maayos ang event. Ine-encourage ko yung mga nagiging wall flowers na makipag mingle, sinusumbong ang mga nag-aaway, pinapagalitan at sinusumbong yung mga nambabastos.

Sa kalagitnaan ng pag-iikot ko, namataan ko si Charlie. Nagulat ako kasi nga, hindi na siya nakagown. Pinili ko nalang na iwasan siya kaya nagmadali akong umalis. Baka kasi mamaya iisyu na naman ako ni Nile. Baka mamaya niyan eh…

“Chan-Chaaaannn!!! Sorry na bespren. Sorry na talaga,” narinig kong bulahaw ni Charlie.

A Man's LifeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz