Chapter I: Uncalled Meeting

3.2K 166 106
                                    

Multimedia: Arima

-

A R I M A

Madilim at malawak. Bawat taong nakakapasok dito ay iyan ang sinasabi. But that's normal, isn't it? Especially when the place is built for 'squeezing informations' and 'cleaning up mess'.

Nabalik ako sa realidad nang umingay ang paligid. The loud engines of chainsaws filled the whole building. Wala na akong magagawa. Mas pinili niyang ubusin ang pasensya ko kaysa magsalita.

Hindi mawala-wala sa aking labi ang ngiti habang pinapanood ko silang paghiwalay-hiwalayin ang katawan ng walang malay na lalaki. Nagtatalsikan ang dugo nito sa aking puting damit ngunit ayos lang. In fact, it gives me more satisfaction.

Sa wakas ay wala na rin ang lalaking nagbigay ng hirap sa akin sa loob ng isang oras. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon para magsalita pero sinayang lang niya ang mga ito. Mas pinili niyang maging walang silbi. Wala kaming nakuha kahit isang impormasyon kung bakit nila kami sinusundan at kung sino ang nag-utos sa kanila. Tuluyan niya lang inubos ang libre kong oras.

Nilingon ko si Yzra na nakatayo sa aking tabi't walang emosyong pinapanood din ang pagkitil sa buhay ng lalaki. Ang kaniyang mga mata ay blangko. Hindi na rin naman bago sa akin 'yon. Simula nang humantong siya ng tatlong taong gulang, hindi ko na siya nakitang ngumiti o umiyak man lang. Hindi ko nga alam kung nagagawa niya bang masaktan. Ilan beses na rin siyang sumailalim sa test ngunit iisa lang ang resulta. She can't feel anything except rage.

"What's the plan?" tanong ko sa kaniya, dahilan upang lingunin niya ako. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.

"You're the eldest, you should know." Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya ko siya tinatanong para malaman kung may iba pa siyang balak. Napatingin ako sa aking relo bago binalik ang tingin sa aming mga tauhan.

"Knights," pagtawag ko sa mga lalaking nakaitim na kasama namin sa organisasyon. Agad ko namang napukaw ang kanilang atensyon. "Kayo na ang bahala rito. Linisin niyo ang dugo't sunugin niyo lahat ng ebidensya pati na ang katawan niya. You already know what to do with the ashes."

"Roger-"

"Leave his head untouched. It's mine," dagdag ni Yzra kaya bahagyang kumunot ang noo ko. "For your collection? That's risky," pagsalungat ko sa kaniyang ideya.

"For researches," tipid na sagot niya kaya lalong kumunot ang noo ko. "Hindi ba dapat dugo niya ang kuhanin mo?" nakataas-kilay na tanong ko.

"I already did but that won't be enough. Let's go," aya niya sa akin at nauna nang maglakad papalabas ng Butchery.

- X -

Pagod na pagod kong isinabit sa coat rack ang hinubad kong black coat. Ngayon lang ako napagod nang ganito sa buong buhay ko. Nanunuyo ang aking lalamunan at nagsasakitan ang aking katawan. Unti-unting nagbabadyang bumagsak ang aking mga talukap. Mukhang kailangan ko nang bumalik sa pag-eensayo bukas.

"Saan kayo galing?" Napatalon ako sa gulat nang may kumausap sa akin. Ngayon ko lang narinig ang boses niya. Huwag mong sabihing...

Napahawak ako sa dagger na nasa bulsa ng aking puting pantalon at nilingon ang taong kumausap sa akin. Agad akong napabitaw nang makita ko ang kaniyang mukha.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now