Chapter III: Departure

1.1K 120 85
                                    

Multimedia: Lora

-

A R I M A

"Do we really need to go?" I asked mom as she helps me to pack my things. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng aking sistema ang aming pag-alis. Ano namang gagawin namin sa Medallion?

"It's for your safety, Arima," malumanay na sagot ni mom sa akin, dahilan upang mapabuntong-hininga ako. Mukhang wala na talaga ako magagawa upang mabago ang isip nila ni dad. Kahit gusto kong manatili rito upang tulungan silang lutasin ang problema sa mga cannibal ay hindi ko magagawa dahil kailangan ko silang sundin.

"What is safety in the first place? We've been living in danger for our whole life." Sabay kaming napatingin ni mom kay Yzra na kasalukuyang nakatayo't nakasandal sa pintuan.

"You don't understand. You're gonna die." Ramdam ko sa boses ni mom ang kaniyang pag-aalala sa amin pero mukhang hindi naman nadala rito ang aking kapatid. Her face is still emotionless and her body is still stiff.

"We're gonna die? How about you? You'll live?" sarkastikong wika naman ni Yzra. Naiintindihan ko ang pinupunto niya at kahit papaano, alam kong nag-aalala siya para sa aming mga magulang. Pero wala ring mangyayari kung papagitna ako sa kanila ni mom.

"We... We're not sure about that. Ang mahalaga lang sa amin ng ama niyo ay mailigtas kayo," sagot naman ni mom at inilapag muna sandali ang damit kong kaniyang tinutupi. Tumayo siya't naglakad papalapit sa aking kapatid pero agad naman siyang itinulak nito palayo.

"Do not even try. Don't go near me unless you want me to be punished by father," pagbibigay ng babala ni Yzra bago inayos ang tayo't naglakad paalis.

"Yzra..." Nanatiling nakatingin si mom sa puwestong kinaroroonan kanina ng aking kapatid. Napabuntong-hininga na lang ako muli.

"I'll take care of her. Don't worry," I said to assure her that everything will be fine. Nilingon niya ako at binigyan ng isang malungkot na ngiti.

"Mag-iingat kayo doon, Arima. Wala kami ro'n ng ama mo para protektahan kayo," bilin ni mom sa akin bago lumapit sa akin at ikinulong ako sa isang mahigpit na yakap.

"Sila ang mag-ingat sa amin. Hindi kami miyembro ng organisasyon para sa wala lang," pabirong tugon ko upang pagaanin ang loob niya. Muli siyang umupo sa tabi ko at tinulungan ako sa pag-aayos ng aking gamit.

"You better get going." Binilisan niya ang paglagay ng mga gamit sa aking bag na tila may hinahabol kaming oras. May tanong na bumabagabag sa aking isipan pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil sa tingin ko ay hindi rin naman niya ako sasagutin.

- X -

"The contact lenses are making my eyes itch!" reklamo ni Lora habang paulit-ulit na kinukurap ang kaniyang mga mata. "I can't take this anymore. I'm gonna take it off."

"You can't," sita naman sa kaniya ng aking kapatid na kasalukuyang nakaupo sa tabi niya.

"Don't tell me what to do, blondie."

"Are you color-blind now, Lora? I'm a brunette now," sagot naman sa kaniya ni Yzra kaya natahimik siya.

"Bakit nga pala kulay olandes pa rin ang buhok mo, Lora? Hindi ba't pinapabago 'yan sa iyo ng emperatris?" tanong ni Cyllan, ang nakababata ni Lora at ang tatayong tagapagbantay namin sa buong pananatili namin sa siyudad.

Hindi ko pa siya gaanong kakilala kaya hindi ko pa siya tuluyang mapagkakatiwalaan. Maging si Yzra ay walang kahit anong alam tungkol sa lalaki naming kasama maliban sa pangalan niya dahil kanina lamang siya pinakilala sa amin ni Aunt Iris.

Sinubukan kong magtanong kay Lora tungkol sa kaniyang nakababata at ilang impormasyon lang ang aking nakuha mula sa kaniya. Una, siya ang markes ng Bourbon. Hindi kataasan at hindi rin kababaan ang kaniyang ranggo. Pangalawa, tulad ko ay nasa labing-walong taong gulang na rin siya ngunit mas nakakatanda siya ng isang buwan. At pangatlo, huwag na huwag ko siyang tatawagin sa kaniyang pangalawang pangalan na 'Gabriel'.

"Which empress? My mother or my aunt?" Napabuntong-hininga na lang si Cyllan. "Hindi naman na kailangan. Madalas din namang magpakulay ng buhok ang mga avarie kaya normal na ito sa kanila," pagpapaliwanag ni Lora. Napailing na lang ako. Wala talagang batas ang makakapagpasunod sa kaniya.

"Walang permanente sa mundo. Kailangan mo rin 'yang pakulayan kinalaunan," pagkontra sa kaniya ni Cyllan.

"Huwag ka nang mag-alala sa kaniya, Cyllan. Kung tutuusin nga, noong isang araw ay malaya kaming nakapasok sa mall ni Yzra. Without changing anything in our appearance. Though we were wearing sunglasses that time," singit ko sa kanilang dalawa.

"May sumusunod sa atin," wika ni Lora kaya agad akong napatingin sa side mirror na nasa kanan ko lamang. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang makita ko grupo ng cannibal na mabilis ang pagtakbo at pilit kaming hinahabol.

By the way they run, you can already tell how dangerous they are. At kahit hindi sila gaanong kalapit sa amin ay kitang-kita ko mula sa aking kinauupuan kung gaano katulis ang kanilang mga ngipin.

Habang tumatagal ay hindi ko na kinakaya ang aking nakikita at tuluyang bumalot ang kaba sa aking puso. Mula nang marinig ko ang balita sa kanilang ritwal, sa tingin ko ay hindi na mapapanatag ang loob ko sa tuwing makakakita ako ng uri nila.

Napalingon ako kina Lora nang may marinig akong magkasa ng baril. I witnessed how fast Yzra loaded her AK. Hindi na siya nag-aksaya pa ng segundo at walang pakundangang binuksan ang bubong ng sinasakyan naming landaulet.

"Your Highness, that's dangerous!" sita ni Cyllan sa aking kapatid pero binalewala niya lang ito at umalingawngaw sa buong lugar ang pagputok ng kaniyang baril. Nakita ko naman ang pag-irap ni Lora sa sinabi ng kaniyang kababata.

"Hindi ka na lang sana sumama kung magiging hadlang ka lang sa mga gusto naming gawin," pagtataray ni Lora bago kumuha ng baril mula sa ilalim ng upuan at inabot sa akin.

"As if I want to go," sagot pabalik ni Cyllan at diniinan ang pag-apak sa gas pedal, dahilan upang mas lalong bumilis ang aming pagtakbo.

"Yeah? From what I've heard, you volunteered," she replied and laughed with no humor. Napailing na lang ako dahil sa kanilang inaasta na animo'y mga bata.

Sumilip ako sa bintana't tinapat sa isang cannibal ang aking baril. Nang masiguradong nasa tamang posisyon na ang aking kamay ay pinaulanan ko ito ng mga bala, dahilan upang magtalsikan ang itim niyang dugo sa kalsada.

"Disgusting," kumento ko at binalik sa daan ang aking tingin. Bahagyang nangunot ang noo ko nang mapansin ko mula sa rear-view mirror na parang wala lang kay Lora ang nangyayari sa labas at nagawa pa niyang kuhanin ang kaniyang laptop.

"We can use some help, you know?" I scoffed which made her focused on me. She raised her eyebrows.

"Then I let you decide. You let me make the report or you'll make the report?" Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit kailan ay wala kaming bagay na mapapagkasunduan.

"I need no help." Nabaling ang atensyon namin kay Yzra nang ibaba niya ang kaniyang baril at bumalik sa pagkakaupo. Sabik na sabik ko namang sinilip ang likuran at nakita roon ang mga cannibal na humahabol sa amin kanina ay nakahilata na ngayon sa mainit na sementong daan at walang buhay.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now