Chapter XII: Monster

840 73 29
                                    

Y Z R A

"Don't look at me that way, Yzra!" Nanlilisik ang aking mga mata at pakiramdam ko ay malapit na akong sumabog. Hindi ko mapigilan ang galit na unti-unting bumabalot sa akin. Kung wala lang ang mga kadena sa aking dalawang kamay ay baka kanina ko pa naagaw mula sa aking ama ang baril na nakatago sa kaniyang bulsa.

"What? You're scared?" pangangantsaw ko sa kaniya. Labing-tatlong taon na ako at sampung taon ko nang dinadanas ang ganitong rutina. Hindi magdadaan ang isang araw na hindi ako nakukulong sa Tartaros kaya sanay na ako.

Isang malakas na tunog ang nilikha ng latigo nang tumama ito sa aking balat. Umalingawngaw ito sa buong silid. Wala namang akong ibang magawa kung hindi kagatin na lang ang aking ibabang labi at pigilan ang sarili sa pagsigaw. Paulit-ulit niya akong hinataw ng latigong hawak-hawak niya hanggang sa rumagasa ang dugo mula sa mga sugat na aking natamo.

"Iyon na 'yon? Wala na bang mas sasakit pa rito?" panghahamon ko sa pagitan ng aking mabibigat na paghinga. Mula sa aking pwesto ay kitang-kita ko kung paano niya ikuyom ang kamao sa sobrang galit.

"Magpasalamat ka na lang at itinuturing pa kitang anak." Isang malakas na tawa ang kumawala mula sa akin. Nakakatawa. Sobrang nakakatawa.

"Anak? Since when did you become a father towards me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Everytime I approach you, you always push me away. Lagi kang may oras para kay ate pero 'pag ako na ang pinag-uusapan, lagi kang wala. I'm doing everything I can to make you proud, but why it's so hard to swim in your ocean? Why I always end up drowning?"

"Silence!"

"And now, you're commanding me to stop talking. For how long should I have to conceal my feelings? I'm already wearing the façade you wanted me to wear. I forbade myself to cry. I prevented myself to feel fear. I made myself believe that being happy is completely out of my league-" Napatigil ako sa pagsasalita nang marahas niyang hinawakan ang aking mukha.

"Stop wasting my time with your nonsense!" poot na poot na sigaw niya't inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "I'm treating you like what you deserve to be treated."

Parang libo-libong kutsilyo ang sumaksak sa aking dibdib, dahilan upang ako'y tuluyang mamanhid sa sakit. Wala nang kasingtalas ang mga salitang nagmula sa kaniya.

"Huwag mong hintayin na tuluyang magdilim ang paningin ko sa'yo, Yzra. Dahil sisiguraduhin ko, hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari." Pinasadahan ko siya ng tingin. Paniguradong hindi nakakatanggap ng ganitong salita si ate. I wonder how unfair life can get.

"What could you do worse, father? Unti-unti mo na akong pinapatay, hindi pa ba sapat 'yon?" walang emosyong tanong ko sa kaniya.

"Nothing won't be enough until I see you dead." Once again, his words like bullets pierced, but that's okay. One day, the time will come and every scar will heal and by then, I won't be able to feel anything. Even pain. Just rage.

"Just kill me already."

"Aren't you an impatient one?" natatawang kumento niya. "Huwag kang mag-alala, anak ko. Darating din tayo sa ganoong punto." At sa kaniyang pagtalikod ay ang pagbagsak ng aking mga talukap. Nakakapagod din pa lang maging malakas.

"Princess!" Muli akong napadilat nang may tumawag sa akin.

"Eden? What are you doing here?" takang tanong ko nang siya'y tuluyang makalapit sa akin. Ngunit imbis na ako ay sagutin, mabilisan niyang tinanggal ang pagkakakadena sa aking dalawang kamay. Nang tuluyan akong mapakawalan ay agad niyang tiningnan ang aking mga sugat.

"Palala nang palala ang mga natatamo niyong sugat. Kailangan na itong maagapan kaagad," aniya at akmang bubuhatin ako pero mabilis ko siyang napigilan.

"What do you think you're doing?" matigas kong tanong sa kaniya, nagpapahiwatig na hindi ko nagugustuhan ang kaniyang mga kinikilos.

"Inyong ipagpaumanhin," saad niya't lumuhod sa aking harapan. "Lubos lang akong nag-aalala sa inyong kalagayan, kamahalan. Kapag nagpatuloy pa ang pagdurugo ay natitiyak kong malalagay sa peligro ang inyong buhay," pagpapaliwanag niya na kinibit-balikat ko lamang.

"Then so it be. Who knows, father might have a change of heart after I get rid of this blood of mine."

"Imposible ang nais niyong mangyari, mahal na prinsesa," pagsalungat niya sa aking naging pahayag.

"Then I'll make it possible, Eden."

"You'll surely die in the process, Your Highness." I can't help but to scoffed. Bakit ba ang hilig nilang magpatawa?

"Bakit, Eden? Mukha pa ba akong buhay sa kalagayan kong ito?" tanong ko habang nakaturo sa aking sarili at pekeng tumawa. "I'm slowly dying inside; I'm just suffering."

"Natitiyak kong malulungkot ang inyong ina kapag nalaman niyang ganito ang inyong nararamdaman." One word for this statement- lies.

"I appreciate you giving me false hope, Eden, but it's funny no more. I'm being punish for consecutively ten years for something I can't change yet she made no act," walang emosyon kong wika. Napalunok ako na lang ako nang guluhin niya ang buhok ko. Father always dishevels Arima's hair whenever she did a great job.

"She made that choice to protect you, Your Highness. Hindi niyo pa maiintindihan ngayon pero malalaman niyo rin ang rason sa tamang panahon. Pagkatiwalaan niyo lang ang iyong ina," nakangiting saad niya. I'm so confused. I don't know if he's comforting me or convincing me.

"Kung gusto niya talaga akong protektahan, siya dapat ang mas higit na nakakaalam na mas mapoprotektahan niya ako kung nasa tabi ko lang siya. Bago siya lumayo, dapat pinaintindi niya muna." Hindi ko na naiwasang pumiyok nang bigkasin ko ang huli kong sinabi. Gusto ko mang paniwalaan si Eden dahil maaaring mas may alam siya pero lahat ng mga pinagdaanan ko ay pilit na pumipigil sa akin. I just can't.

"Not everything goes with that idea of yours, Your Highness. May kaniya-kaniyang paraan ang mga magulang kung papaano nila pinoprotektahan ang kanilang mga anak," pagpapaliwanag niya, sinusubukan pa rin akong kumbinsihin.

"Enough with the sugarcoat. I have something I can't manipulate, that's the reason for sure," pagsalungat ko sa kaniya. "I'm a ticking bomb waiting to go off, Eden. I'll surely kill everyone with this blood of mine when I've gone mad. I'm dangerous. I am no human. I'm a monster."

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon