Chapter XXX: Just Like You

371 58 6
                                    

L O R A

"Upo!" utos ko sa dalawa at magkasabay silang tinulak papaupo sa sofa. Halata ang inis sa mukha ni Loris, ngunit nanatili lang siyang tahimik. And I must say, he made the wisest decision, for I have no patience to deal with him anymore. I might end up killing him.

"Magpapalit lang ako ng damit," paalam ni Yzra at nagtungo sa kaniyang kuwarto nang hindi kami nililingon. Wala naman akong ibang magawa kung hindi bumuntong-hininga na lamang. We're all wasted.

"Hey, gorgeous! I'm Trever, what's your name?" Puno ng pagtataka kong tiningnan ang lalaking kasama ni Loris nang ilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. Anong sa tingin niya ang ginagawa niya?

Agad namang pumagitna sa amin si Cyllan at matalim na tiningnan si Trever diretso sa kaniyang mga mata.

"Back off," wika niya na may halong pagbabanta sa kaniyang boses. Hindi naman na nagpumilit pa si Trever at dahan-dahang binawi ang kaniyang kamay.

Mabilis akong napaatras nang ibaling niya sa akin ang kaniyang tingin. Hindi ko naman maiwasang maging balisa dahil sa kaniyang kakaibang aura.

"Magbihis ka na."

"Ayoko."

"Don't make me repeat myself, Francé." Napairap na lang ako at padabog na tinungo ang aking silid upang magpalit ng mas komportableng damit.

Kasalukuyan akong naghahanap ng susuoting pantulog sa aking damitan nang makarinig ako ng sunud-sunod na kalabog na nanggagaling sa labas. Ipagpapasawalang-bahala ko na lang sana ito ngunit bigla akong kinutuban, dahilan upang ako'y mataranta at kumuha na lang ng isang t-shirt at pambaba. Hindi na alintana kung magkaterno ba ang aking nakuha.

Matapos makapagbihis ay dali-dali akong lumabas ng aking silid-tulugan. Doon ko nadatnan sina Cyllan at Loris na nagtututukan ng kutsilyo sa leeg ng isa't isa. Pilit silang pinapakalma ni Trever ngunit hindi naman nakikinig ang dalawa.

"Sinasabi ko na nga ba..." Napahawak na lang ako sa aking sentido at dahan-dahang lumapit sa kanila.

"Drop your weapons, both of you!" sita ko sa kanila pero hindi pa rin sila natinag at mas lalong diniin ang mga kutsilyo sa leeg ng isa't isa.

Sakto namang lumabas ng kaniyang kuwarto si Yzra. Ang kaniyang mukha'y nanatiling blangko ngunit halata sa kaniyang aura na hindi niya ikinatuwa ang kaniyang nadatnan. And with just a snap, the atmosphere got heavier.

Bull spit.

"Did you just disobey me, marquess? I said drop your weapon," mahinhin kong utos sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay na may hawak-hawak na kutsilyo. Umigting ang kaniyang panga.

"I'm not putting it down-"

"Gabriel!" Unti-unting bumaling ang lingon niya sa akin at itinutok sa akin ang kutsilyo.

"What did you just call me?" bulong niya ngunit punong-puno ng galit ang mga salitang kaniyang binitawan. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil nanigas na ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

"Don't freaking move, Lora," madiin na saad ni Yzra. Lilingunin ko na sana siya nang biglang bumagsak si Cyllan sa aking harapan. Maigi na lamang at agad ko siyang nasalo. Agad ko namang napansin ang maliit na karayom na nakatusok sa kaniyang leeg. Yzra shot him with tranquilizer.

"Take him to his room. I'll handle the situation here."

Y Z R A

"Bakit dito mo kami dinala?" pagbabasag ni Loris sa katahimikan habang pinupunasan niya ang dugong tumutulo mula sa mababaw na sugat na natamo niya sa leeg. Sinilid ko naman ang baril na ginamit ko upang patulugin si Cyllan at maingat na kinuha ang M1887 na kanina pa nakaabang sa pintuan ng aking kuwarto upang hindi ito gumawa ng kahit anong ingay.

"What do you think?" tanong ko pabalik habang inaayos ang pagkakatutok sa kanila ng hawak-hawak kong shotgun. If Trever wasn't just too busy worrying about his friend, they could've lived longer. But sadly, he's too naive. They're too naive.

"I have no idea--" Naputol ang sasabihin ni Loris nang ako'y kaniyang lingunin. Checkmate.

"Not a bad place to be your graves, don't you think?" tanong ko sa kanilang dalawa at kinasa ang hawak kong baril. They raised their hands up as a response.

"Dude, mamamatay na ba tayo?" Trever asked and laughed nervously.

"Let me explain, Alvarez."

"There's no explanation, Saiz. You sabotaged us."

"Sabotage? You told me we're helping them, dude!"

"You can't kill us, Alvarez. It's in the codex," ani Loris ngunit ito'y aking pinasawalang-bahala. I'm a part of the pantheon. I can easily bend and change the codex.

"Sorry na, Yzra! Si Loris lang naman ang nagsama sa akin, e."

"You're selling me off?"

"Sorry rin, dude, pero marami pa akong pangarap. Kailangan ko pang mabuhay."

"Last words?" malamig na tanong ko sa kanila habang unti-unti ko nang nilalapit ang aking hintuturo sa gatilyo.

"Our deaths will wage a war between three families. Hindi magugustuhan ng ama mo kapag nalaman niya ang gagawin mo sa amin," wika ni Loris, dahilan upang bahagya kong ilayo mula sa gatilyo ang aking daliri.

"The bomb earlier... Why didn't it explode?" tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang tinginan nilang dalawa.

"Wala tayo sa mundong kinalakihan natin, Alvarez. Sa siyudad na ito, hindi normal ang mga pagsabog."

"They why did you create a bomb in the first place, Saiz?" Tuluyan ko nang ibinababa ang baril mula sa pagkakatutok sa kanila. "Tell me, what do you know about their protocol?"

"They may be untouchable with bullets, but an explosion can deal them severe damages. Escape Protocol is one of the androids' protection programmed by their creator."

"Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito?"

"Noong nalaman kong isa ka sa mga taong gusto nilang patumbahin."

"E 'di ba noong uwian mo lang din nalaman iyon, dude?" singit naman ni Trever na sinagot ni Loris ng isang tango.

"They're targeting me, but why?" Sumandal ako sa pintuan ng aking kuwarto at hinimas-himas ang M1887 na aking hawak. The urge to hunt them clouded my mind.

"With a simple reason. They're planning to tear the pantheon down and they're starting by taking down each representatives of organizations. Just like you, Alvarez."

-

Note:

Cyllan and Lora Fanart by KyriaArtemisa_! Thank you very much! Love yah~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cyllan and Lora Fanart by KyriaArtemisa_! Thank you very much! Love yah~

April 25, 2020 UPDATE
Not edited

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon