Chapter XLI: Broken Barrier

276 37 77
                                    

L O R A

"What's happening. . ." mahinang bigkas ni Arima at natulala. Maging ako ay hindi rin maintindihan ang nangyayari. Anong ginagawa ng tatlong cannibal sa loob ng siyudad? Paano nila nalagpasan ang Frontier Horizon?

"No way. Did the barrier just break?" nababahalang tanong ko sa aking sarili. Imposibleng nagtagumpay sila sa kanilang ritual. Wala namang nabanggit kanina si Saiz na may nagaganap na kaguluhan sa Area 77.

"Let's go, Galen!" utos ni Arima. "Continue driving the car!" sigaw niya't sinimulang yugyugin si Da Silva, na siyang ikinabigla naman ng binata. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi. Hindi siya maaaring makita ni Da Silva na nagkakaganito.

"Arima, calm down," pagpapakalma ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.

"Ano bang ginagawa mo?! Bakit hindi ka kumikilos?! Patakbuhin mo ang kotse!" pagwawala niya't mas nilaksan pa ang pagyugyog kay Da Silva.

"Arima, I said calm down!"

"Calm down?! How can I calm down?! We're going to die! Hindi tayo p'wedeng mamatay! Ayoko pang mamatay—"

Agad siyang natigilan nang lumapat sa kaniyang pisngi ang aking palad.

"Listen to me, Arima." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. "Get it together, okay? Hindi tayo mamamatay. Kaya natin silang labanan," pagpapalakas ko ng kaniyang loob pero mukhang hindi nakakarating sa kaniya ang aking mensahe. Nanatili ang kaniyang tingin sa mga cannibal na nasa labas.

Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang takot. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at malamig din ang pakiramdam ng mga ito.

"Hindi natin sila p'wedeng hayaang makalapit sa mga tao. We have to go, Lora. Arima can't fight with her state right now," ani Cyllan habang hinahanda na niya ang kaniyang sarili sa magaganap na labanan. He wore his thick black jacket and reload his gun's magazine.

"You think we can handle them?" tanong ko sa kaniya habang kinakasa na rin ang sarili kong baril. Napabuntong-hininga na lang siya.

"If I say run, you better run, Lora."

"If you die, I'll kill you for the second time."

Palabas na sana kami ng sasakyan ni Cyllan nang hawakan ni Arima ang tig-isa naming braso. "Please be safe," saad niya na parang isang batang humahabol sa magulang nito bago umalis.

"Don't worry, we got this," paninigurado ko kay Arima. "Da Silva, I trust you to stay and protect Arima," bilin ko naman sa aming kasama.

"Are you sure you two can manage?" tanong niya naman sa akin. Tumango ako bilang sagot bago naglakad patungo sa kinaroroonan ng tatlong cannibal na aming nakita.

"Keres' Blood will be quite handy right now. We barely have a gun," ani Cyllan habang papalapit kami. Napabuntong-hininga na lang ako.

Sa buong buhay naming pagsasanay, palaging kapuwa mafia lang ang aming nakakatunggali. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na cannibal ang aming makakaharap. At hindi lang isa, kung hindi tatlo pa. Kung sinusuwerte nga naman kami.

Bukod sa taglay nitong lakas na lagpas sa kakayahan ng isang normal na tao, wala na kaming alam tungkol sa kanila.

"Let's hope that the few bullets we have are enough to deal with them," sagot ko sa kaniya bago pinangunahan ang labanan.

Since we didn't manage to bring extra ammunitions, I targeted their heads, chests, and stomachs first where the three vital organs are. Bahagya silang napatigil at napaatras sa aking ginawa, ngunit hindi nila ito alintana at nagsimulang tumakbo papunta sa aming direksyon.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now