Chapter XXXV: Damsel in Distress

339 51 10
                                    

L O R A

"How I wish we can come with you," ani Arima habang bumababa sila ni Yzra mula sa sinasakyan naming landaulet.

"Sa'yo na rin mismo nanggaling-- we should stick to the rule," wika ko naman, dahilan upang siya'y mapanguso sa pagkadismaya. "Nakakabagot, 'di ba? Now you know how it feels," dagdag ko pa na may kasamang pang-aasar.

"Oo na! Oo na! Magpakasaya ka diyan sa misyon mo," naiirita naman niyang turan at nauna nang pumasok sa gusali. Mahina naman akong napatawa dahil sa kaniyang naging reaksyon.

"I know you don't need it, but good luck," walang emosyon sabi ni Yzra habang siya'y nakayuko at nakasilip sa bintanang malapit sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako bibilinan na kuhanan ng video ang gagawin ko mamaya?" pabiro kong tanong sa kaniya.

"You can't do that, stupid." Tumalikod siya't nagsimulang maglakad papalayo. Nanlaki naman ang ang aking mata nang mapagtanto ko kung ano ang tinawag niya sa akin.

"Did you just insult-- How dare you!" sigaw ko ngunit imbis na ako'y kaniyang lingunin ay itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at ito ay kaniyang kinaway. Natatawa naman akong napairap.

"Is it just me or Princess Yzra is improving?" tanong ni Cyllan sa akin bago inapakan ang silinyador, dahilan upang magsimulang umandar ang kotseng aming sinasakyan.

"Well, Uncle Izeno's not here. She does not need to limit the words that will come out from her mouth."

"Are you saying that Emperor Izeno is the reason behind her silence?" Nakakunot-noo ko siyang tiningnan.

"You seriously don't know?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa daang aming tinatahak.

"Nope, and this is the first time you ever said that to me." Habang papalapit kami nang papalapit sa sentro ng Medallion ay padami rin nang padami ang mga gusaling nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Huwag na nga natin iyan pag-usapan. Yzra despises people who talk behind her back. Why don't we talk about your first theraphy session last night instead? Anong sabi sa'yo ni Duke Thunder?"

Dahan-dahang inapakan ni Cyllan ang preno nang makita niyang nagpula ang ilaw trapiko. Binaling niya ang kaniyang tingin sa akin habang nakatigil ang sasakyan.

"He said it's a process. Kailangan naming unti-untiin ang mga hakbang para maging maganda ang resulta. He'll see me again next week," turan niya at huminga nang malalim. "I was actually pretty tense and scared when we started. Kumalma na lang ako noong pumasok ka na nang kuwarto."

"Hay nako. . . Paano ka na lang kaya kung wala ako?"

Nagberde ang ilaw trapiko, dahilan upang ibalik ni Cyllan ang kaniyang tingin sa daan at muling paandarin ang landaulet. Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa bangketa.

"I heard Emperor Loren gave you a birthday gift yesterday," pagbabasag niya sa katahimikan. Nanatili ang tingin ko sa labas.

"Mom. It's mom who gave the gift. Pinakisuyo niya lang kay dad na ibigay sa akin," paglilinaw ko.

"What did you get?"

"A ring."

"A ring?" Bakas sa kaniyang boses ang pagtataka. Maging ako ay hindi siya masisisi dahil ganiyang-ganiyan din ang aking naging reaksyon nang makita ko ang regalo na inihandog sa akin ni mom.

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon