Chapter XXVIII: Slumber Party (Part II)

342 62 5
                                    

A R I M A

"What?" Naningkit ang aking mga mata dahil sa pagtataka ngunit nanatili ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Arima's in luck, because Niana and Libby know lots of guys Arima might be interested in," ani Niana, dahilan upang mangunot ang aking noo sa pagtataka.

"At sinu-sino naman?"

"Let's save that for later," singit ni Libby at sumeryoso ang kaniyang mukha. "Actually, Arima, we didn't invite you without a reason. May gusto talaga kaming sabihin sa'yo," pagtatapat niya na aking ikinabigla.

"Kathnyce is still in doubt, pero natatakot ako na baka maubusan na tayo ng oras at hindi na namin masabi sa inyo." Inabot sa kaniya ni Niana ang isang napakalumang libro. Nilapag naman niya ito sa aking harapan, dahilan upang mas lalo ko itong masilayan.

The Curtain Fall by Dorothy Javier

"Dorothy Javier? The Dorothy who betrayed the deity, Ashanti?" tanong ko sa kanila upang maliwanagan. Sinagot naman nila ako ng tango.

"Iyon ang akala ng iba pero sinulat ni Dorothy sa librong 'yan ang buong katotohanan tungkol sa nakaraan," saad ni Libby kaya ako'y lalong naguluhan.

"Curtain Fall? That's how we call the blood running through our veins, right?" tanong ko ulit na muli naman nilang sinagot ng isang tango.

"Saan mo nakuha ang aklat na ito? Kahit ang intelligence ng The Parliament ay walang kopya ng ganitong libro."

"Let's just say my parents were historians. They found this book and they gave it to me before they died."

Sa panahong ito, hiniling ko na sana taglay ko ang utak ng aking kapatid at pinsan. Nagsisimula pa lang silang sabihin sa akin ay pakiramdam ko, hindi na kinakaya ng utak ko ang mga impormasyon na aking nalalaman.

'Before they died'? Hindi ko inaasahang wala na pala sa mundong ito ang mga magulang ni Libby. Parehas pala sila ni Cyllan ng sitwasyon. I wonder how it happened, but I know it's not the right time to ask.

"I'm sorry to hear that."

She shoved her hand and replied, "That was long time ago. I'm happy that they've already found peace."

"Can you tell me what's written in this book?" I asked, changing the topic. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Of course! Pero kaunti na lang din ang natatandaan ko sa laman ng libro na 'yan dahil sampung taon na rin simula nang huli ko 'yang mabasa," pagpapaliwanag niya. Parehas kaming nabigla nang mamatay ang ilaw. An intruder?

"Story time!" masayang wika ni Niana at tumalon-talon sa kama habang hawak-hawak ang isang remote. Sabay na lamang kaming napailing ni Libby.

- X -

"Okay, isa-isahin natin. Matalik na magkaibigan sina Dorothy at Ashanti. Kinagigiliwan ni Ashanti noon ang mga avarie. Nainggit ang avaries sa taglay na kapangyarihan ng diwata. Ang tiyuhin ni Dorothy ang namuno sa pagpatay kay Ashanti."

"That's right! But there's more." Napahinga na lang ako nang malalim. You got this, Arima. Tandaan mo lang lahat ng sinabi sa'yo ni Libby.

"Bago mamatay si Ashanti, sinumpa niya ang mga avarie at biniyayaan ang mafias at cannibals. Sa pagkamatay ni Ashanti, nagalit ang kapatid niyang si Shantrini at gumanti sa pamamagitan nang paghahasik ng lagim at pag-uudyok ng himagsikan sa pagitan ng cannibals at mafias."

"And the last part?" Napapikit na ako nang tuluyan. Ano nga ba ang huling kinuwento sa akin ni Libby?

"Mapapawi lang ang galit ni Shantrini kapag nahanap ng mga tao si Ashanti?" walang kasiguraduhang saad ko. Ngumiti naman sina Libby at Niana.

"You've got it!" masayang sigaw ni Libby at mahigpit akong niyakap.

"Paano naman natin hahanapin si Ashanti?!" I shouted in frustration, dahilan para mapabitaw sa akin si Libby.

Para kaming binigyan ng solusyon at pag-asa pero agad din itong binawi sa amin. Patay na si Ashanti, imposible nang mahanap pa namin siya.

"Look, Arima. Alam ko napakaimposibleng pakinggan, pero wala ring mangyayari kung hindi natin susubukang maghanap," pangangatwiran ni Libby na may punto naman.

"Do Arima think Yzra and Lora will be willing to cooperate?" tanong ni Niana sa akin. Napahawak ako sa aking baba upang mag-isip.

Mahirap makipagkasundo kay Lora at mahirap kuhanin ang interes ni Yzra. Ngunit kung tungkol naman sa mga cannibal at mga mafia ang pag-uusapan, sa tingin ko ay walang magiging problema.

Pero kung sasabihin ko lang sa kanila ang mga sinabi sa akin ni Libby at Niana ngayon nang walang hawak na pruweba, hindi nila ako paniniwalaan. Gagawin lang nila akong katawa-tawa. I need to borrow the book.

"Will you lend me the book?" paalam ko.

"You need this to convince them, don't you?" tanong naman pabalik ni Libby sa akin. Marahan akong tumango.

"Pangako, ibabalik ko sa'yo ang libro nang kung anong itsura nito nang ipahiram mo sa akin," sabi ko't tinaas ang aking kanang kamay bilang tanda ng aking panunumpa.

"Very well. Naniniwala rin naman akong mas makakapag-imbestiga kayo nang maigi kapag nasa inyo ang libro. You got a Bourbon on your side kaya! When it comes to intelligence and investigations, Bourbons are undefeatable," pagpayag ni Libby at iniabot sa akin ang libro.

"Kapag tuluyan mo silang napapayag, bumalik kayo sa amin at sisimulan natin ang pagpaplano," bilin niya. Tumango-tango naman ako at maingat na nilagay ang lumang libro sa bag na aking dala-dala.

"Now, let's go back to the topic!" Niana giggled. Puno ng pagtataka naman namin siyang tiningnan ni Libby.

"What topic?" sabay na tanong namin sa kaniya ng kaniyang pinsan. Bahagya naman siyang umirap.

"Duh? Nakalimutan na kaagad nina Libby at Arima? Watashitachi sakihodo otokonoko no hanashi o shi teru no!" Napapalakpak naman si Libby dahil sa sinabi ni Niana.

"Of course! Boys, we're talking about boys earlier!"

"C'mon, girls. I'm just kidding," sabi ko ngunit hindi nila ako pinakinggan.

"Ah, ah, ah! There's no turning back now. Let's make this slumber party a real slumber party! Niana, get some paper and ballpen."

"Got it!"

"Now, anong tipo mo sa lalaki?"

-

March 19, 2020 UPDATE
Not edited

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now