Chapter XXII: The Book

497 78 22
                                    

L I B B Y

"How did Libby managed to get a hand of a twenty-century old book?" takang tanong ni Niana sa akin habang masuring tinitingnan ang librong kasalukuyan kong pinapagpagan. Napakibit-balikat na lang ako.

"You mean how did my parents managed to get this? I have no idea either," wika ko't maingat na binuklat ang aklat upang tingnan ang lagay ng bawat pahina nito.

"When did Tita Ranell and Tito Leo gave that book to Libby if Niana may ask?" Isinara ko ang libro bago inabot ito sa kaniya.

"Ang dami mong tanong. Basahin mo na lang kaya," mataras kong tugon sa kaniya. Nag-aalangan pa siya noong una ngunit wala na rin siyang ibang nagawa kung hindi kunin ang aklat.

"Hindi pa ba ito nababasa ni Libby kaya kailangan pang magbasa ni Niana?" Nangunot ang noo ko sa naging tanong niya.


"What? Inaasahan mo bang isasalaysay ko na lang ang kuwento sa'yo?"

"Niana and Libby can save more time if that's the case." Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na masyadong matandaan ang kuwentong nilalaman ng libro. Maii-stress lang ang ganda ko kung pipilitin kong alalahanin.

"Nevermind. Seems like Libby can't remember a thing about the content of this book," saad niya't binuklat ang libro upang simulang basahin.

"How dare you," inis na bulong ko habang pilit na isinasantabi ang pang-iinsulto niya sa akin ngayon-ngayon lang. Nang ibaling ko ang aking atensyon sa aklat, agad na nahagip ng aking mga mata ang pamilyar na pangalan.

"Mom, sino po si Dorothy?"

"Siya ang bida sa kuwento, sweetie."

"Katulad po ba natin siya?"

"Dorothy Javier. Kung hindi nagkakamali si Niana, si Dorothy ang unang taong nakasalamuha ni Ashanti sa mundong ito, tama ba?" Wala sa sarili akong napatango. Sunod-sunod na bumalik sa akin ang mga alaala.

"Wow! Naging kaibigan po ni Dorothy si Ashanti? Ako rin! Ako rin! Gusto ko pong maging kaibigan si Ashanti, mom."

"Hindi ba't marami ng kaibigan ang prinsesa ko? Nandiyan si Niana pati ako. Pero kung sabagay, mas marami, mas masaya."

"Mukhang ayaw nga po sa akin ni Niana, e. Lagi niya pong kinakalimutan name ko."

"Alam na ni Niana! Ang tiyo pala ni Dorothy ang nagtangkang pumaslang kay Ashanti kaya nagalit si Ashanti sa mga tao." Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Niana.

"Sandali... Ang bilis mo naman yatang magbasa, Niana?" Ningitian niya ako nang nakakaloko. "Hangal! Huwag mong lagpasan ang ilang parte. Mahalaga ang bawat detalye."

"Pero tinatamad nang magbasa si Niana," pangangatwiran niya. Gusto ko man siyang batukan ay hindi ko magawa. That kind of act is so not lady-like, so I'm gonna pass.

"Bahala ka sa buhay mo."

"Bakit hindi man lang po pinigilan ni Dorothy iyong tito niya? Hindi po ba kaibigan niya si Ashanti?"

"Kinulong ng sarili niyang tiyo si Dorothy sa kaniyang silid kaya ni balaan ang kaibigang si Ashanti ay hindi niya nagawa."

"Ang bad naman po ng tito niya! Kapag nakita ko 'yon, hindi ako magdadalawang-isip na kitilan siya ng buhay."

Nabaling ang atensyon ko muli kay Niana nang marinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Napangiwi na lang ako. Hindi ko na alam kung paano ko ibabahagi sa kaniya ang mga nalalaman ko. Oo, maaari kong ikuwento ang ilang bahaging natatandaan ko ngunit iba pa rin kapag nabasa mo ang mismong libro.

"Shantrini, ang babaeng sinasabi ni Libby na nagpalaganap ng kaguluhan. Ngunit ang pinagtataka lang ni Niana, bakit wala ang babaeng ito sa iba pang librong pangkasaysayan ng mga mafia?" tanong niya sa akin. Pasimple akong napatingin sa pahina kung nasaan na siya. Kung tutuusin, mababasa niya lahat ng kasagutan sa susunod na pahina.

"Iyang aklat na hawak mo ay kaisa-isahang epistolaryong nobela na sinulat ni Dorothy. Lahat ng nilalaman niyan ay base sa kaniyang mga karanasan, pananaw, mga naramdaman at nakita. Kung nagbabasa ka talaga, sinaad niya diyan na may mga bagay na kinimkim lang niya sa kaniyang sarili," pagsagot ko sa kaniya.

"Wala man lang nagtangkang magbasa ng nobelang ito bukod kina Libby at Niana?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon.

"Pinaniniwalaang nagtataglay ng sumpa ang libro at kung sinuman ang babasa o hahawak dito'y mamumuhay sa malas. But of course, that's not true. It's actually the opposite of it." Napapitik si Niana, mukhang nakukuha niya na ang pinupunto ko.

"Kaya nagkakagulo ay dahil walang nagbasa. Walang may alam kung ano ba ang dapat gawin."

"Kaya kung ako sa'yo, pagpapatuloy ko na ang pagbabasa nang matapos na." Nilipat niya ang aklat sa susunod na pahina.

"Nawawala po si Ashanti? Pero bakit po nagagalit si Shantrini kay Dorothy? Wala naman pong kasalanan si Dorothy, mom."

"Alam ko, darling, pero hindi iyon alam ni Shantrini."

"Paano na po ngayon? Kapag nag-away ang mga cannibal at mafia, masisira ang Frontier Horizon. Matatapos ang mundo."

"Para matigil ang kaguluhan, kailangang mahanap si Ashanti." Nawalan ng pag-asa ang mukha niya. Dahan-dahan niyang binitawan ang libro. "Kahit nga si Shantrini, kapatid at kapuwa diwata ni Ashanti, hindi alam kung nasaan siya. Paano pa kaya tayong mga mortal lang?"

Did I heard it right? She used first person pronouns? Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa pagkagulo. Ang dami nang nangyayari pero ang paraan ng pagsasalita niya pa ang nauna kong pansinin.

"May naisip ako. Simulan nating ipaalam kina Arima at sa mga kasama niya ang tungkol sa aklat na ito. Mas matutulungan nila tayong makagawa ng angkop na plano," suhestiyon ko.

"Nakasigurado na ba si Libby na mapapagkatiwalaan sina Arima? Paano sina Loris? Hindi ba sila babalitaan ni Libby at Niana?"

"Sa laban na ito, tayo-tayo lang din ang puwedeng magtulungan. Kailangan nating kuhanin ang loob at tulong ng bawat mafia na kilala natin."

-

Hi! So, I'm planning to make a spin off. It will be about the origin of everything. From the first meeting of Dorothy and Ashanti up until to Dorothy's encounter with Shantrini. I can't say it's coming soon since that will need a lot of brainstorming and this girl keeps on procrastinating.

If you have any suggestion, that will be much appreciated. Comment down below :>

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon