Chapter VIII: Survivor

532 69 30
                                    

Y Z R A

Tahimik akong nakaupo sa backseat habang pinapanood ang tanawin sa labas. Kung tutuusin ay wala na akong masyadong makita maliban na lang sa pagsayaw ng mga sanga ng puno sa hangin dahil sa sobrang dilim.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa bagong imbensyon ni Lora, ang self-driving model one o SEDRIMO kung tawagin niya. Mula sa components hanggang sa mechanism, lahat ng ito ay galing sa malawak na kaisipan ni Lora. Sinigurado niya ring mahigpit ang system nang sa ganoon ay walang sinuman ang makaka-hack nito.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Arima na nakaupo sa tabi ko. Wala sa sariling napailing ako't kinuha ang earphones mula sa aking bulsa. Ipinasak ko ito sa aking tainga ngunit iniwan itong walang tugtog. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at iniwan muna ang realidad.

- X -

"Nakikita kong may bago ka na namang sinasaliksik. Maaari niyo bang sabihin sa akin kung tungkol saan ito, mahal na prinsesa?" Nanatili ang tingin ko sa test tube na naglalaman ng sample ng 'dugo' mula sa lalaking pinatay namin kanina ni Arima.

"May nakita ba kayong kakaiba sa dugong inyong hawak-hawak?"

"This isn't a blood, Eden," sagot ko sa kaniya bago maingat na nilagay sa slide ang isang patak ng sample gamit ang dropper. Pagkatapos ay inilagay ito sa stage ng microscope.

"Kung ganoon, ano iyan?" tanong niya sa akin kaya napairap na lang ako. Ayoko sa lahat nang may nang-iistorbo sa akin sa tuwing may ginagawa ako.

"You're showing emotions again, Your Highness."

"Then stop asking question, Eden. I'm trying to figure out what kind of chemical or element this is. I'm positive that it's also a conductor of electricity," pagpapaliwanag ko't muling tiningnan sa ilalim ng microscope ang sample. Walang epekto ang niligay kong formula. Napakamot na lang ako sa aking noo. Nauubos na ang mga paraan na alam ko.

"Electricity?"

"May particles ng copper sa liquid. Besides, that guy is an android. It needs eletricity to function." Itinuro ko ang ulo ng lalaki na kinabitan ko ng iba't ibang aparatus.

"Are you planning to create an android of your own?" Muli akong napairap sa kaniyang naging tanong. Kung hindi lang siya si Eden, kanina ko pa siya pinalabas ng laboratoryo ko.

"Well, what do you think?"

"Androids will be a threat to the mankind someday. That's what I think, Your Highness..."

"Your Highness!" Iminulat ko ang aking mata't nakitang malapit sa akin ang mukha ni Cyllan. Napakurap ako nang ilang beses bago napagtanto ang nangyayari sa paligid.

Napatingin ako sa labas ng bintana at halos wala na akong makita dahil sa sobrang bilis ng aming takbo.

"SEDRIMO, slow down!" Lora commanded the system. Kita ko sa kaniyang galaw ang pagkapanik. Ang kaniyang mga daliri ay halos mapudpod sa bilis niyang magtipa ng mga code.

"System error."

"SEDRIMO, reboot!"

"System error."

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now