Chapter XX: Big Mistake

764 89 30
                                    

"NANDITO ANG isa sa mga miyembro ng Minari. We need to get a hold of him." Marahas na tinanggal ni Lora ang pagkakahawak ni Cyllan sa kaniyang braso. Ngunit wala pang isang segundo siyang nakakawala ay muli siyang nabihag ng kamay nito.

"Ano bang binabalak mo?" nakakunot-noong tanong ni Cyllan at binigyang diin ang bawat salitang kaniyang binitawan.

"Minari... menace... Pumupunta dito ang grupo nina Libby?" singit ni Yzra nang marinig ang nagaganap na sagutan sa pagitan ng dalawa.

"Iyon pala ang ibig sabihin no'n," pabulong na sabi ni Cyllan sa sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Arima.

"Not really. Minari is the origin word of the word 'menace'. It means to threaten," pagtatama ni Arima sa lalaking kasama. "You're always with Lora, I'm surprised you don't know about that."

"Let's just say my vocabulary is not as huge as hers."

"Kagaya nga ng sinabi ko, isa lang sa mga miyembro nila," pagsagot ni Lora sa tanong ni Yzra. "Ayon sa mga napagtanungan ko, isa siyang kinatatakutan na manlalaro rito. Maliban sa pagiging mahusay sa pakikipaglaban, siya'y isang likas na bayolente. Hindi siya titigil hangga't hindi nawawalan ng malay ang kaniyang kalaban," dagdag niya pa.

"Pero hindi iyon sumasagot sa tanong ko, Lora. Uulitin ko, ano bang binabalak mo?" seryosong tanong ni Cyllan at tiningnan ang dalaga diretso sa mga mata. Tinitigan naman siya pabalik ni Lora.

"Mom called earlier. Kinumpirma niya na ang Loris Saiz sa listahan natin ay parte nga ng isang organisasyon. Sa katunayan, siya ang sinasabing susunod na tagapamahala ng kanilang organisasyon," panimula ni Lora. Magsasalita na siya sana muli ngunit ito'y naputol ng biglaang pagtatanong ni Arima.

"So, from what organization is he from?"

"The Black," ani Yzra, dahilan upang lumaki ang mata ni Lora sa pagkabigla.

"You knew? Since when? Why didn't you tell us?" sunod-sunod na tanong ni Lora. Nanatiling blangko ang mukha ni Yzra bago binigyan ng isang kibit-balikat ang pinsan.

"Narinig ko lang kanina."

Tumikhim muna si Lora bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagpapaliwanag kanina. "Sinasabi ko nga kanina, katulad lang natin si Loris. Nangangahulugan na malaya siyang maglabas-pasok sa Frontier Horizon. Posibleng may mga nalalaman siya na hindi natin nalalaman na maaaring makatulong sa pagtugis sa mga cannibal," wika niya sa tatlong kasama.

"At iniisip mong kapag nalaman natin 'yon ay may magagawa tayo para makatulong kina mom kahit na nasa loob tayo, tama?" nakataas-kilay na tanong ni Arima.

"Exactly."

"Pero paano kung pareho lang din tayo ng mga impormasyon na nalalaman?"

"Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi magtanong, Cyllan? If you really want to help the organization, this plan is all we've got unless you can think of something else," inis na wika ni Lora bago hinarap si Yzra para humingi ng saklolo.

"He's violent you say? Then, let me handle him." Pagkatapos sambitin ang siyam na salitang iyon, nagsimulang maglakad si Yzra papalapit sa ring na makikita sa kalagitnaan ng unang palapag ng hostel.

"Your Highness-"

"I've already made my decision. Do not interfere."

L I B B Y

Nang magpaulan ng bala ang aming mga tauhan na nakasakay sa helicopter, agad kong kinuha ang tsansa at tumakbo papunta sa aking tiyo't tiya na ngayo'y duguan at walang malay na nakahiga sa damuhan. Sa aking pagtakbo, unti-unti ring bumabalik sa aking alaala ang nangyari noon, dahilan upang matakpan ng mga luha ang aking paningin.

"Libby!" rinig kong sigaw ni Niana mula sa 'di kalayuan. Nang subukan kong hanapin kung saan siya naroroon, isang cannibal ang tumalon papunta sa akin at ipinako ako sa lupa. Mula sa aking posisyon ay kitang-kita ko ang tulis ng kaniyang mga ngipin at kung paano siya maglaway na tila ba takam na takam.

"Die." Buong puwersa kong pinakawalan ang kamay kong may hawak na baril mula sa kaniyang pagkakahawak at pinasabog ang kaniyang bungo. Nangasim ang aking mukha nang tumalsik sa akin at maamoy ko ang mabaho niyang dugo. Kadiri.


Dali-dali akong tumayo't muling tumakbo sa kinaroroonan ng mga magulang ni Niana. Nang ako'y makarating, kaagad kong tiningnan ang kanilang pulso sa leeg. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko ang paltik ng kanilang pulso. Mula sa aking kinaluluhuran, sinenyasan ko ang isang helicopter na lumapag nang sa gayo'n ay makuha ang walang malay na mga katawan nina tito't tita at mabilis itong maibalik sa hideout.

"Bilisan niyo! Kalahating oras lang ang mayro'n tayo para mailigtas sila. Sa inyong daan pabalik, tawagan niyo na agad ang organisasyon ng mga Saiz para kumuha ng dugo na maisasalin sa kanila. Wala oras na dapat masayang. Move!" Pagkatapos kong sabihin ang aking mga bilin ay agad naman silang kumilos at maingat na nilipat ang lagay nila tito't tita sa loob ng helicopter.

"Hindi kayo makakaalis nang buhay rito!" sigaw ng isa sa mga cannibal at tumakbo papunta sa direksyon ng kasalukuyang paalis na helicopter. Walang pakundangan ko naman siyang pinatid at dinaganan. Itinutok ko ang dulo ng aking baril sa kaniyang bunbunan.

"Nakakagulat! Sinong mag-aakala na ang mga mangmang na katulad niyo'y matutong magsalita?" natatawang panghahamak ko sa kaniya. Galit na galit, sinubukan niyang kagatin ang aking kamay na malapit sa kaniya subalit hindi siya nagtagumpay pagkat marahas kong pinukpok ang kaniyang nagtatalasang ngipin ng batong nasa aking tabi, dahilan para madurog ang mga ito't magdugo ang kaniyang gilagid at labi.

"Masyado kang nagpapadala sa iyong inis. Nakakalimutan mo na yata na lason ang dugong dumadaloy sa akin. Ay, oo nga pala. Isa kang mangmang!"

Nabaling ang aking tingin kay Niana nang siya'y lumapit sa akin. "Kailangan nang umalis nina Libby't Niana rito. Mamaya-maya lamang ay darating na ang ibang cannibal," pamamalita niya pagkatapos tapusin ang buhay ng lima pang natitira na cannibal. Binalik ko ang aking atensyon sa cannibal na dinadaganan ko ngayon.

"Narinig mo 'yon? Kailangan na naming umalis ibig sabihin, kailangan mo na ring mamatay. Pero bago ang lahat, gusto kong malaman mo ang isang bagay." Nilapit ko ang aking hintuturong daliri sa gatilyo ng aking baril. "Isang malaking pagkakamali na pinagkatiwalaan niyo si Shantrini."

Walang pagdadalawang-isip kong ipinutok ang aking baril sa kaniyang noo't pinaulanan din siya ng bala sa kaniyang dibdib. Nagmamadali naman kaming kumapit ni Niana sa hagdanang iniladlad ng aming mga tauhan mula sa mga helicopter.

Napakuyom ang aking kamao sa galit. Isang malaking pagkakamali na kinalaban niyo kami.

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon