Chapter L: The Alvarez Incident

154 35 48
                                    

WALANG PAG-AALINLANGANG sinugod ng mga cannibal si Yzra. Ang kanilang mga nagtatalasang kuko ay humihiwa sa kaniyang balat, ngunit hindi ito alintana ng dalaga. Sa kaniyang isipan, nais niya lamang patumbahin ang bawat nilalang na makikita niyang gumalaw.

Mariin namang pinikit ni Arize ang kaniyang mga mata at sinandal ang kaniyang likod sa malaking troso ng narra. Hindi man niya nasasaksihan ang kasalukuyang nangyayari, malinaw sa kaniyang mga tainga na isang madugong labanan ang nagaganap. Mula sa kaniyang kinaroroonan, rinig na rinig niya kung paano mapunit ang mga balat ng mga cannibal. Nasisimula na ring bumalot sa kaniyang ilong ang metalikong amoy ng dugong dumadanak. Dahilan upang manumbalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noon.

Kasalukuyang nag-uusap sina Izeno at Arize para sa nalalapit na unyon nang marinig nila ang malakas na hiyaw ng dalaga. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng binata.

"It's father again. I need to help Iris. I promise, I won't be long," paalam ni Izeno sa nobya. "You stay here, okay?"

"Don't worry about me. Just make sure Iris is alright," tugon naman ni Arize habang pinapanood ang nobyong tumakbo papalabas ng silid.

Sa bawat minutong lumilipas, dumadagdag ang kaba sa dibdib ni Arize. Upang mapanatag ang kaniyang loob, napagdesisyonan niyang alamin ang nangyayari sa pamamagitan ng pagsilip sa bintana. Sa labas ng mansyon ay natanaw niya ang kaniyang nobyong nakatayo sa harapan ng kapatid nitong duguan at walang malay. Nakita niyang gumalaw ang bibig ng kaniyang nobyo, ngunit masyado itong malayo upang mabasa ang mga salitang tinuturan nito. Napaatras na lamang siya sa mga susunod na pangyayari.

Nasaksihan niya kung paano pinunit ni Izeno ang kamay ng ama nito mula sa kaniyang katawan. Nagsimulang umingay ang paligid—puro sigaw at daing ang maririnig. Muling sinilip ni Arize ang nangyayari at nakitang kahit sinong humadlang sa kaniya ay kaniyang kikitilin ang buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ni Arize na nagtataglay ang kaniyang nobyo ng Keres' Blood. At base sa pagkakakilala niya kay Izeno, alam niyang hindi nito aatakihin ang sariling ama kung wala ito sa impluwensya ng kaniyang dugo.

"Mijo!" Mula sa labas ay narinig ni Arize ang boses ng Ginang Alvarez at ang pagbukas-sarado ng pinto. Agad na natauhan siya't sinundan ang ginang palabas, ngunit bago pa man niya ito maabutan ay napaslang ito sa kaniyang harapan. Napatakip siya sa kaniyang bibig at pilit pinipigilan ang kaniyang pagsigaw.

Nais man niyang tumakbo ay napako na kaniyang paa sa lupa. Ang kaniyang tuhod ay lalong nanghina nang dahan-dahang maglakad papalapit sa kaniya ang binata. Napalundag ang kaniyang mga balikat nang bumagsak ang binata sa kaniyang harapan.

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon