Chapter XXIV: Failure

429 74 20
                                    

L O R A

Napabuntong-hininga na lang ako't binagsak ang aking katawan sa kama. Wala naman kaming masyadong ginawa sa unibersidad pero pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Siguro ay dahil wala pang pahinga ang aking utak sa kakaisip.

Kagabi pa ako hindi tinatantanan ng aking konsensya. Napagtanto kong tama ang mga binitawang salita ni dad sa akin simula nang magising ako matapos ang aksidente. Hindi mawawala nang tatlong araw si Yzra kung hindi ako nagmatigas. Hindi mapupuruhan sina Arima at Cyllan kung hindi ko pinilit ang gusto ko.

Akala ko kasi magagawa nila akong maipagmalaki kapag sinubukan ko silang tulungan ngunit kabaliktaran pala ang lahat. Sa bawat beses na pumapalpak ako, dumadagdag lang ako sa mga aalalahanin nila. Tunay nga namang nakakadismaya.

Ilang taon nila akong sinanay para maging perpektong anak, para maging perpektong lider ng organisasyon sa hinaharap. Ngunit nabalewala ang lahat dahil lagi kong hindi ginagamit ang karunungan ko nang maigi. Aanhin ko ang pagiging marunong sa teknolohiya kung ang isang operasyon nga'y hindi ko magawang planuhing mabuti.

Hindi mangyayari ang aksidente kung tiningnan ko lahat ng posibilidad. Hindi kami malalagay sa alanganin kung napag-isipan ko lang lahat ng maaaring mangyari. Bakit ba ang palpak mo, Lora?

"Just as I thought. You're really not okay," ani Cyllan na basta-basta na lang pumasok sa aking silid. Pasalamat siya't wala ako sa wisyo para makipagsagutan sa kaniya.

"I'm tired," tipid kong sagot sa kaniya. Napailing na lang siya't umupo sa aking tabi.

"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling? Baka nakakalimutan mong halos sabay tayong lumaki," saad niya't tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata. "Anong problema?" nag-aalalang tanong niya.

"I'm just really tired." Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. Mas lalong bumibigat ang loob ko dahil sa ginagawa niya, kung alam niya lang.

"Magpapahinga na ako. Lumabas ka na," pagtataboy ko sa kaniya habang pilit na tinatago ang panunubig ng aking mga mata. Tumayo siya't pumunta sa aking harapan.

"Noong namatay ang pamilya ako, ikaw mismo ang nagsabi sa akin na may mga bagay talagang hindi mo makokontrol. Na kahit anong pigil mo, mangyayari't mangyayari pa rin. Ganoon din ang sitwasyon ngayon. Maraming hindi inaasahan na mga bagay ang dumadating. Kaya kung ano man ang nangyayari, huwag mong sisihin ang sarili mo," saad niya upang pagaanin ang loob ko subalit wala naman itong epekto.

"You can say that because you're not in my position. Nasa akin lahat ng pressure dahil ako ang nag-iisang anak nila mom at dad. Wala akong kahati sa responsibilidad. And just like what dad said, with one mistake, I can drag the whole organization down. Lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko, maaaring mawala sa isang maling galaw," pagpapaliwanag ko.

"Hindi naman porket nagkamali ka ay isa ka ng palpak kung maituturing."

"Pero kapag may gampanin akong hindi natugunan, kahit isa, guguho ang lahat."

"D'yan papasok ang tinatawag nating backup plan, Lora. Matalino ka, 'di ba? Sigurado akong alam mo na ang solusyon sa mga problema mo pero nauunahan ka lang ng takot." Napahinga na lang ako nang malalim. He's right.

"Bakit ka ba kasi nandito?" iritableng tanong ko sa kaniya't bumangon mula sa pagkakahiga. Ginulo niya naman ang buhok ko.

"May pinabibigay sa'yo si Yzra," sagot niya't inabot sa akin ang isang paper bag. Nang tingnan ko ang laman nito'y napangunot na lang ang aking noo. Bestida?

"Ano namang gagawin ko rito?" Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Regalo niya raw 'yan para sa kaarawan mo." Lalong napuno ng pagtataka ang aking isipan. Kahit papaano'y malapit kami sa isa't isa ni Yzra. Alam niya na kailanman ay hindi ako nagsusuot ng bestida lalo na't hanggang taas lang ng tuhod ang haba.

Inilabas ko ang bestida mula sa lalagyan nito't doon ko nakita ang isang maliit na papel na naglalaman ng isang sulat. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi nang ito'y aking mabasa.

You can't achieve success without stumbling and falling. Just keep getting up.

- X -

"Mabuti't gising na kayo. Hindi ko na kayo nakausap kagabi dahil nagkani-kaniya na kayo ng punta sa mga sariling kuwarto," bungad ni Arima sa amin ni Cyllan na kalalabas lang mula sa aming mga kuwarto. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng hapag habang abala naman sa paghahanda ng umagahan si Yzra.

"Sabay-sabay naman tayong kumain ng hapunan, bakit hindi ka pa nagkuwento?" takang tanong ko naman sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kusina.

"Mukha kaya kayong gutom na gutom kahapon. Hindi niyo man nga lang tinatapunan ng tingin ang isa't isa at nasa pagkain lang ang buo niyong atensyon. Anong laban ko roon?" pangangatwiran niya naman. Napakibit-balikat na lang ako.

"Kumusta ang pag-uusap niyo ni Libby?" tanong ni Cyllan na nakatayo sa tapat ni Arima't nakahalukipkip.

"Hindi natuloy. Biglang dumating si Schaeffer at naiba ang usapan," bagot na sagot naman ni Arima.

"Isa lang ang ibig sabihin no'n, hindi mo pa natatapos ang misyon na binigay ko sa'yo. Hindi mo pa nakukuha ang tiwala ni Kathnyce."

"Itutuloy ko pa ba? Hindi ba't nangako ka kay tita na hindi ka na muna gagalaw?"

"Wala namang masama kung kukunin natin ang tiwala nila. Hindi naman natin sila gagalitin o kung ano pa man. Let's just say we're making an alliance," turan ko't binaling ang atensyon ko kay Yzra na kasalukuyang inihahain na ang kaniyang mga niluto sa mesa.

"How 'bout you, Yzra? Kumusta ang naging pag-uusap niyo ni Loris?" Biglang nasamid si Arima sa iniinom niyang inumin, ikinabigla ang aking naging tanong.

"Nag-usap kayo ni Loris?!" gulat na gulat nitong tanong sa kapatid. Nanatiling blangko ang mukha ni Yzra.

"He asked me to be his date on the 4th of July Ball." Bigla akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa naging sagot ni Yzra. Is this for real or she's just messing around?

"The white dress that I gave you, that's actually from him," dagdag niya pa't prenteng uminom ng mainit na kape. Napatulala na lang ako, hindi alam ang aking magiging reaksyon.

Magsasalita pa lamang si Cyllan ngunit agad na siyang pinutol ni Yzra. "It's clean, no tracker nor any listening device. I decided to keep it for it might be useful someday."

"You, witch! Sa akin mo pa talaga binigay?!"

-

Not edited. My eyes are already tired so I wasn't able to proof read this.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now