Chapter XXVI: Stalker

459 76 35
                                    

Y Z R A

"Oh, you're here! Please have a seat." Babaeng-babae kung kumilos at laging maaliwalas ang mukha. The diva of Minari, Libby Shawn Thery, greeted us.

"Kayo lang dalawa ni Niana? Nasaan si Kathnyce?" takang tanong ni Arima habang umuupo sa bakanteng upuan. Naghiwalay kami ni Lora upang umupo sa magkabilang gilid niya.

"Naghahabol ng lessons, quizzes, at activities," sagot ni Libby. "Maigi na lang at kumpleto kayong tatlo. Mapapag-usapan na rin natin ang tungkol sa ball!" Sa sobrang kasabikan ay niyugyog niya ang kaniyang katabi.

"Libby, stop. Niana is irritated." Always talk in third person, but great in speaking Japanese. The linguist of Minari, Niana Kazumi Vignon, complained.

"I almost forgot to introduce myself. I'm Libby Thery and this is my cousin, Niana," pagpapakilala ni Libby at nakipagkamay sa amin ni Lora. Sinundan naman ng kaniyang pinsan ang kaniyang ginawa at nakipagkamay rin sa amin.

"I've heard a lot about you from Arima. And just like she said, both of you are really pretty in personal," puri ni Lora sa dalawa. Napayuko na lamang si Niana habang mahinhing tumawa si Libby.

"It's such a flattery to hear it from you. Thank you," ani Libby at umayos ng kaniyang pagkakaupo. "Anyways, let's enjoy our free time talking about the ball. May date na ba kayo?"

Pasimple kong tiningnan sa gilid ng aking mga mata ang pasilyo patungo sa pampublikong palikuran nang may mapansin akong kakaiba. Agad kong binalik ang atensyon ko kina Libby nang marinig ko ang pagsagot ni Arima.

"Kailangan ba no'n?" patanong na sagot ng aking kapatid. Napangiwi naman si Libby habang iniisip ang sasabihin kay Arima.

"Well, bringing a date to a ball is a traditional thing here in YU. It's not compulsory though, but you'll probably get laugh at when you come alone." Napabuntong-hininga na lang si Arima.

"If that's the case, I'll just bring Cyllan along," wika ni Lora at nangalumbaba. "Wala naman sigurong problema kung ganoon ang gagawin ko."

"Speaking of Cyllan, where is Cyllan?" tanong ni Niana. Napakibit-balikat na lang ang pinsan namin ni Arima.

"Lagi namang hindi sumasama sa amin ang lalaking iyong tuwing nandito kami sa Yugen. Baka naghahanap ng babaeng p'wede niyang bolahin."

"No way... Hinahayaan mong gawin iyon ng nobyo mo? You deserve someone better, Lora," saad ni Libby na puno ng simpatya.

"He's not my boyfriend."

"Ibig mong sabihin, wala kayong label?" hindi makapaniwalang tanong ni Libby. Pekeng umubo si Arima upang pigilan ang paglabas ng tawa mula sa kaniyang bibig. Nangunot ang noo ni Lora.

"Iyon ba ang sinasabi sa inyo ni Arima?"

"Oh, no. You and Cyllan really fit each other's personality so we thought you and him are a couple." Napapikit na lang si Lora, hindi alam kung ano ang kaniyang dapat na maging reaksyon.

"What about Yzra? May date na ba si Yzra?" tanong ni Niana kaya nabaling ang atensyon nila sa akin. Napakurap na lamang ako.

"So... do you have a date already?" pang-iintriga ni Libby. Hindi ko alam kung aaliwin ko ang tanong niya. Pasimple naman akong tinanguan ni Lora, nangangahulugang gusto niyang sagutin ko ang tanong ni Libby.

"Yes, I do."

- X -

Huminto ako sa paglalakad nang malapit na kaming makarating sa lugar na pinaparadahan ng kotseng gamit namin. Nilingon ako nang tatlo nang mapansin nila ang aking paghinto. Gumuhit sa kanilang mga mukha ang pagtataka.

"Mauna na kayong umuwi. May aasikasuhin lang ako."

"Paano ka uuwi mag-isa?" tanong ni Arima.

"I'll just call a cab. Go home and don't worry about me," ani ko. Muli akong tinapunan ng tingin ni Lora bago tumalikod at nauna nang pumunta sa kotse. Siya namang sumunod si Cyllan.

"Umuwi ka kaagad," bilin ni Arima bago sumunod na rin sa dalawa. Wala naman akong inaksayang oras at nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon.

Dahan-dahan akong lumapit sa isang mustang na medyo kalayuan mula sa kinatatayuan ko kanina. Kinuyom ko ang aking kamao nang marinig kong buksan niya ang makina.

Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi at tumakbo nang mabilis sa abot ng aking makakaya. Tatakbo na sana siya paalis nang humarang ako sa harap ng kaniyang sasakyan. Muli niyang pinatay ang makina ng kaniyang kotse.

Maingat akong naglakad papalapit sa puwesto ng shotgun seat at mahinang kinatok ang bintana. When I heard the click, I hurriedly open the door and jump in inside the car.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bungad niya nang makasakay ako. Isinara ko ang pinto ng sasakyan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pagbabalik ko sa kaniya ng tanong at binigyang diin ang pang-apat na salitang aking binitawan. Inihagis niya ang kaniyang dalawang kamay sa ere.

"Fine, you caught me," pagsuko niya.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Humahanap lang ako ng tamang tiyempo para makausap ka," pagdadahilan niya na hindi ko naman pinaniwalaan.

"Kaya maging sa pag-uwi ay susundan mo ako?" Nanatili siyang tahimik at tinulak ang kaniyang kanang pisngi gamit ang kaniyang dila. "I already caught you. Just spill it out," maawtoridad kong sabi.

"Talaga bang kasama niyo lagi ang lalaking 'yon sa pag-uwi?" Bahagyang tumaas ang aking kilay sa kaniyang naging tanong. Saan naman patungo ang usapang ito?

"I'm leaving." Bababa na sana ako nang hawakan niya nang mahigpit ang aking braso. "Let go," utos ko ngunit hindi siya natinag.

"I got the information you needed. Are you sure you want to leave?" nakangisi niyang saad at ipinakita sa akin ang isang folder na naglalaman ng ilang papeles.

Walang pasabi kong inagaw sa kaniya ang mga papeles at mabilisang binasa ito. "Saan mo 'to nakuha?"

"Underground."

"Paano ka nakakasigurado na tama ang mga impormasyon na ito?" muli kong tanong at binasa ulit ang mga papeles.

"Avaries know a lot, but still naive. Alam nila kung saan at kailan magaganap ang transaksyon pero ang hindi nila alam, hindi na tao ang nakakasalamuha nila," pagpapaliwanag niya.

"Huwag na huwag mo na ako ulit susundan. I'll call you when I need you to investigate something again. Nakakaintindihan ba tayo?"

"Humahanap nga lang ako ng tiyempo."

"Nagkakaintindihan ba tayo, Loris?"

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon