Chapter XI: Gabriel

961 82 30
                                    

L O R A

Kanina ko pa inaabala ang sarili ko sa pag-aayos ng aking telepono pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayaring progreso. Though my analysis is not yet proven, we still have to play safe. Para protektahan ang organisasyon, kailangan naming limitahan ang paggamit sa Communication Operator and Reports of Alvarez. I need to deactivate our codes and accounts.

Narinig ko mula sa mga commoner na may binibili silang Subscriber Identity Module o SIM card kung kanilang tawagin para makipag-usap sa kanilang mga kaibigan o pamilya gamit ang telepono. Hindi man kasing bilis ng sistema ng CORA pero ito na ang pinakakapaki-pakinabang mula sa mga alternatibong nahanap ko.

The problem I'm having here is those integrated circuit were not compatible to our phones. Kung bibili naman kami rito sa siyudad ng Medallion ng bagong telepono ay hindi namin masisigurado ang seguridad nito. It might be easier to hack, meaning to say, every information is not secured. That's a nah-uh.

Napatingin ako sa relong suot-suot ko sa aking kaliwang pulsuhan. Mamaya ko na lang ito ipagpapatuloy. Sa ngayon ay kailangan ko munang asikasuhin si Cyllan.

Sa aming tatlo nina Arima, siya ang pinakanaapektuhan ng aksidente. He broke three ribs and suffered in severe pain, reason why Duchess Kathmana needed to dosed him with strong narcotics like morphine. He's been sleeping for two days and a half. Hindi ba siya sinasakitan ng likod at ayaw niya pang bumanagon?

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kuwarto niya ay agad bumungad sa akin ang magulong pagkakaayos ng kaniyang mga gamit. Ang mga komik na kaniyang binabasa ay nakabuklat lang sa sahig habang ang kaniyang mga damit ay nakasabit o nakasampay lang kungsaan-saan. Tanging ang mga papeles lang sa kaniyang mesa ang nakaayos.

"His vital signs are okay," kumento ko nang tingnan ko ang monitoring machine sa tabi ng kamang hinihigaan ni Cyllan. His pulse rate and blood pressure are normal, and he's still breathing. Mukha namang walang problema.

"Matagal-tagal ka ring nagpakatatag. Siguro ito na rin ang pagkakataon para makapagpahinga ka."

- X -

"Dad, who is he?" takang tanong ko sa aking ama nang makita ko ang isang batang nakaupo't yakap-yakap ang kaniyang mga tuhod sa isang sulok.

"You never met him before?" pabalik na tanong ni dad sa akin kaya napairap na lang ako. Magtatanong ba ako kung kilala ko na siya? "He's the son of Duke Gabrielius."

"Really? Kung ganoon ay bakit ngayon ko lang siya nakita rito sa base?" hindi makapaniwalang tanong ko. Lagi-lagi kong nakikita rito si Duke Gabrielius. Kung tutuusin ay siya ang mas madalas kong kasama kaysa sa aking ama. Kaya bakit hindi ko alam na may anak siya?

"You're forgetting your manners, young lady," ani dad habang inaayos niya ang suot-suot niyang kurbata. "Gabrianna's too protective towards him and his sister. Pumupunta lang sila rito kung kinakailangan lang."

"Who's Gabrianna?"

"The duchess," tipid na sagot ni dad. Napangiwi na lang ako. Hindi ko rin alam ang tungkol sa kaniyang asawa. Akala ko pa naman malapit kami ng duke sa isa't isa pero iyon pala, marami siyang hindi sinasabi sa akin.

"Kung ganoon ay magpupulong ngayon? Bakit hindi niyo ko sinabihan?" Napapitlag na lang ako nang isang malakas na sampal sa bibig ang aking natanggap.

"Mukhang nakakalimutan mo yata na mas nakakatanda sa iyo ang kinakausap mo ngayon," pangaral ni dad sa akin kaya napayuko na lang ako.

"Paumanhin po."

"Loren, hinahanap ka na nila sa Mariana," pamamalita ni mom nang makita niya kami ni dad sa gitna ng pasilyo.

"If you really want to be a princess that much, act with manners," saad ni dad bago siya umalis kasama ni mom. Lumunok ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumaksa mula sa aking mga mata.

It is my fault. Wala akong karapatang magmukmok. Dinidisiplina niya lang ako at maigi iyon. Ibig sabihin ay may pakialam siya sa akin.

Muli akong napatingin sa batang lalaki. Mukhang hinihintay niyang matapos ang pagpupulong ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, magsisimula pa lang ito. Mas makakaigi siguro kung lalapitan ko siya at kakausapin.

"Mas makakaigi siguro kung sa lobby ka maghihintay," panimula ko nang makalapit ako sa kaniya. "Doon ay maayos kang makakaupo't mas magiging komportable," dagdag ko pa pero ni isang beses ay hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"I'm Lora Bourbon," nakangiting wika ko't inilahad ang aking kamay upang makipagkamay. Pero makalipas ng sampung segundo ay binawi ko na rin ito sapagkat mukhang wala naman siyang balak tanggapin ito.

Napaisip na lang ako. Mas makaiigi ba kung iwanan ko na lang siyang mag-isa? Gusto ko lang naman siyang kaibiganin dahil wala namang ibang bata sa organisasyong ito kung hindi kaming dalawa lang. At kung gugustuhin ko man ng makakalaro ay siya lang ang natatanging kandidato.

"May problema ba, mahal na prinsesa?" tanong ng isa sa aming mga tauhan nang siya'y mapadaan at maabutan ang senaryo.

"Wala naman ngunit nais kitang makausap nang sandali."

"Tungkol saan, mahal na prinsesa?" tanong niya kaya hinatak ko siya papalayo sa batang lalaki.

"Anong ngalan ng batang lalaking iyon?" tanong ko sa aming tauhan at bahagyang nilingon ang batang lalaki na nasa sulok.

"He's Cyllan, Your Highness."

"Full name?"

"Cyllan Gabriel Morais Gonçalves po." Napatango-tango na lang ako. Walang dudang anak nga siya ni Duke Gabrielius. Sa pangalan pa lang ay makikita mo na ang pagkakapareho nila.

"Pero mahal na prinsesa, nais po kitang balaan. Ayaw na ayaw ng batang 'yang tinatawag siya sa pangalawa niyang pangalan." Napataas na lang ang aking kilay sa pagtataka.

"At bakit naman?"

"Wala pong nakakaalam ng dahilan ngunit mukhang may masama siyang alaala rito pagkat siya'y lubos na nagagalit at nakakapanakit."

"Meh. I'm a princess, he cannot touch nor harm me. How old is he, by the way?"

"He's a year older than you, princess." He's eight? Muling nanumbalik sa akin ang sinabi ng aking ama kani-kanina lamang. Mukhang kailangan ko rin siyang respetuhin bilang prinsesa.

"Thank you. You may go," ani ko't binalikan ang batang lalaki. Ngayong alam ko na ang pangalan niya ay natitiyak kong makikipag-usap na siya sa akin. Sa ganoong paraan, magiging malapit kami sa isa't isa at magiging magkaibigan. Magkakaroon na rin ako ng kaibigan sa wakas!

"Kuya Gabriel!" tawag ko sa kaniya at sa hindi inaasahan ay nakuha ko ang kaniyang atensyon. Unti-unti siyang tumayo upang pantayan ako't masama akong tiningnan.

"What did you just call me?" mahinang bulong niya pero dama ko ang galit sa kaniyang bawat salita. Napalunok na lang ako't napaiwas ang aking tingin. Hindi dapat ako natatakot sa kaniya pero iba ang nararamdaman ko.

"What did you just call me?!" sigaw niya't puwersahan akong hinatak upang isandal sa pader. "Hindi ba't sinabi ko nang huwag na huwag niyo akong tatawagin sa pangalang iyon? Sino ka para sumuway?!" Marahas niyang hinawakan ang aking mukha, dahilan upang ako'y mapahiyaw sa sakit.

"Princess Lora! Quick, apprehend the assaulter!"

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon